ENTRADA: Capítulo Uno

3.6K 43 0
                                    

RODEO ENTRADA: THE PLAYBOY PROGRAMMER

ALAS KUWATRO ng hapon na nang makahanap siya ng boarding house ma matutuluyan. Naghanap siya ng pinakamura at abot-kayang boarding house, siniguro din naman niyang maganda o kahit maayos na lang na boarding house.

"ITO ang magiging higaan mo. Sa kabila eh 'yong sa kasama mo dito sa kwarto." turo ng landlady sa kanang bahagi ng kwarto, may isang single bed doon.

Nilapag ni Sam ang mga bagahe niya sa gilid ng single bed sa kaliwang bahagi naman. Pumameywang ang mid-fifties na babae sa harapan niya.

"Ito ang kabinet mo." Turo nito sa may paanan ng kama. "Sa labas ang kubeta at banyo."

Ginala niya ang matasa kabuuan ng kwarto, sa gilid ng pintuan ang lababo. May kaha de orong plastic doon na pinaglalagyan ng mga plato't kubyertos.

"Mayroong limang banyo at kubeta dito sa itaaas. Para sa inyong sampung nagrerenta dito sa ikalawang palapag. Pe-puwede n'yo ring gamitin iyong nasa ibaba basta ba'y lilinisin ninyo pagkatapos. Kung magluluto kayo nasa ibaba ang kusina. Bawal mag luto dito sa itaas."

Ang kabinet naman ng kasama niya sa kwarto ay nasa paanan din ng kama nito na kaharap ng sa kaniya. Nakadikit sa pader ang mga kama. Napapagitnaan ng isang mesa na may dalawang upuan. Isang bintana lang din ang meron.

"Ang araw ng bayaran ay dalawang araw bago matapos ang buwan. Para makapaghanda kami kung sakaling wala pa kayong pambayad." Tumango lang siya sa landlady.

"Iyong kasama mo, nursing ang kurso n'un. Miminsan lang din nauwi dito," sabi nito bago binuksan ang bintana.

Maliwanag ang pwesto ng kwarto na iyon. Nasa ikalawang palapag kasi ito.

"Kung may tanong at kailangan ka pa puntahan mo lang ako sa ibaba. Sa gilid ng kusina, unang pinto roon ay kwarto ng anak kong babae ang ikalawa ay kwarto ko. Katukin mo lang ako kung may problema. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo. Maraming salamat po."

"Sige. Aalis na 'ko." paalam nito bago sinara ang pinto.

Lumapit naman siya sa bukas na bintana. Suminghap ng malalim. Sa harap pala ay may gusaling ring limang palapag din ang taas. Sa ibaba ng kinaroroonan niya ay kalsada na.

May mga taong naglalakad sa ibaba. Halos sa area-ng 'to ay natitiyak niyang boardinghouse o kaya'y apartment ang mga gusali.

Ito ang bagong magiging buhay niya sa lugar na ito. Sa pangarap niyang unibersidad. Apat o limang oras na biyahe mula sa kinagisnan niyang buhay. Natitiyak niyang walang nakakakilala sa kanya sa lugar na ito. Mabuti na rin, malayo sa mapanghusgang tao. She smiled bitterly. People really are the worst judge of all. Lalo na 'yung mga taong hindi ka naman kilala pero kung makapanghusga e 'kala pinapalamon ka. It's a blessing from above na nakatanggap siya ng scholarship, para na rin makalayo siya sa mga taong walang magandang naidudulot sa buhay niya.

Bakit ba niya inaalala pa ang mga taong 'yun.? Kaya nga siya nagpakalayo-layo para kahit papaano ay makalimot siya. Naiiling-iling na siya sa sarili sabay napabuga ng malakas.

"Bawal ang bad vibes, Sam!" Erase. Erase. Erase!

Maya-maya ay narinig tumunog ang cellphone niya na nasa slingbag niya. May message siyang natanggap. Hindi pala niya na-off ang cellular data niya.

SPG

From Heya Cruz:
"Hi babe"

Heya Cruz? Anas niya sa isipan. Ah! One of those girls na nakakachat niya through online.

Maliban sa message, may picture itong sinent na naka-bra lang. Kitang-kita ang mapuputi nitong cleavage. Pero 'di niya kita ang mukha nito. Pft. Tactics!

RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon