RODEO ENTRADA: THE PLAYBOY PROGRAMMER (Rodrigo 'Rigo' Serna III)
RODEO - is a group of men. A legal fraternity known throughout the university. A brotherhood that seeks to implement unity and security in and outside the university. Brotherhood that only wants to help every university students in need. A brotherhood also that will captivate the hearts of every university students. Known for being an expert in everything. Mga brusko pero hindi gago. Mga tarantado pero hindi manloloko. Mga active ang libido pero hindi babasagin ang puso mo. Group of fucktards na hindi lang marunong bumayo, ekspersto rin sa pangangabayo. Brotherhood that is all about friendship and love. Are you ready to meet them all? Saddle up and hold on tight to horse leash, to Save a horse and ride a cowboy!
-----
"DON'T worry..., your secret is safe with me," pumitik pa ang kilay nitong sabi.
Her heart is beating rapidly. Sa tagal-tagal niyang itinago ang totoong siya, sa isang iglap- heto! Isang playboy programmer ng engineering department ang makakatuklas sa sikretong pinakatago-tago niya.
Never ever underestimate a tech-guy!
"Stop playing with me," she said, firmness in her voice.
He just smile mischievously and walk closely to her. "Relax, baby. I won't do such thing you wouldn't like." He stops barely breathe away from her.
Kuyom ang kamaong nagpipigil siyang sampalin ang mokong na nasa harapan siya. "Sa oras na kumalat 'to..." matalim niya itong pinakatitigan, "ikaw ang unang hahanapin ko," diin at may pagbabantang saad niya.
He gave her a devious laugh. Waring nag-i-enjoy pa ang mokong sa panggagalaiti niya. Sarap sabunutan!
"You look hot, baby."
"Stop calling me baby!" singhal niya.
His hands up. "Okay, okay! Anong gusto mong itawag ko sa'yo? Babe? Love? Honey? Dah-lin'?"
"Puwede ba? Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"
Malakas pa itong tumawa. "Ang seryoso mo naman kasi!"
"Ayusin mo lang. Baka bigwasan kita d'yan!" iritable pa niyang sabi, namimilog ang mga mata.
"Battered boyfriend pa 'ata ang labas ko sa'yo!" dagdag pa nito na lalo niyang ikina-buwesit!
Hindi niya talaga alam kung bakit asar na asar siya sa mokong na 'to! At hindi niya alam bakit lagi siya nitong pinagti-trip-an!
Aasarin kuno tapos lalandiin sa huli. Walang kamatayang pagtawag nito ng 'baby' sa kanya!
"Wala na bang ibang babaeng pumapatol sa'yo kaya ako lagi ang nakikita mo? O ako ang susunod mong lalandiin tapos 'pag nakuha mo na 'yung gusto mo, iiwan mo rin ako, gaya ng mga babaeng dumaan sa'yo? O baka-"
Mabilis nitong hinapit siya sa beywang at idinikit ang hintuturo sa labi niya, dahilan para matigil siya sa pagsasalita. "Shh! Quiet, baby."
Nagulat siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad nakapag-react.
Real quick!
"It really turns me on when you are angry with me," mapungay ang mga matang tinitigan siya nito.
Mali bang maramdaman niya na parang nalulunod siya sa pagkakatitig nito sa kanya?
At hindi niya alam kung bakit siya nagpipigil ng hininga!
![](https://img.wattpad.com/cover/155106808-288-k642112.jpg)
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
Fiksi UmumFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...