"HAAAAYSS...," mahabang buntong-hininga ni Mariemiel, dahilan para mapabaling ang tingin niya rito at ng iba pang kaklase nila.
"I don't get it! Bakit pa ba tayo pinapasok sa mga subject natin if wala rin namang mga prof ang pumapasok sa mga klase natin?" bored na bored na tanong pa nito.
"Ano ka ba?! Mas okay na nga 'tong ganito kaysa sa naman tambakan pa tayo ng activities!" singit ni Yvon, one of their classmates.
"Gets ko naman! Pero bakit kasi kailangan pa tayong pabalikin sa mga classes natin? E, obvious namang walang papasok na profs kasi foundation na next week, duh?!" Miel rolled her eyes.
Nagkibit-balikat na lamang si Yvon, 'di na nagsalita pa. Obviously, lahat sila bored na bored na, even her. Nililibang na nga lang niya ang sarili sa pakikipag-chat to random people sa dummy account niya.
"Alam mo, Miel? You're just bored. Why don't you find... ahm, something na makakawala ng boredom mo?" concern niyang alo rito. Pansin niya kasing nagmamaldita na naman ito.
Again, she rolled her eyes. "Like what? Sa sobrang bored ko, I can't think anything."
Sandaling nag-isip si Samantha ng sasabihin. Iyong hindi siya nito papaikutan ng mga mata. "Like-date?"
Hindi nga siya nito pinaikutan ng mga mata, tinaasan naman siya ng kilay. "Like, duh, Sam? My step-brother will kill me! So, no."
Miel told her that her step-brother is one of Rodeo's leader. Pero ni minsan hindi pa nakikita ni Samantha ang step-brother na tinutukoy nito.
"Then, why don't you just do something to ease your boredom. Like, mag-audition ka sa mga club sa school? 'Di ba screening mamaya sa Ms. University?"
Last week, she received an invitation from their curriculum adviser para mag-screening sa Miss University. She declined, it's not her thing. Good thing was, hindi siya nito pinilit. As the mayor of the whole freshmen accountancy department, she's responsible to find someone to represent their curriculum but thankfully, someone volunteered, it's Hydrilla Cedeño from the other section.
"E, 'di ba mayroon nang nag-volunteer?" Miel asked.
"Yeah...pero screening pa lang naman 'yun. And we don't know if Hydrilla could really pass!"
She saw how Mariemiel eyes widened. "Hydrilla?! Hydrilla Cedeño ng kabilang section?!"
"Uh...y-yes," alanganin niyang sagot.
"OMG!" tili ni Mariemiel, tutop ang bibig. "Ate Ella will really pass!"
Nawe-wierd-uhan namang tinitigan ni Sam si Mariemiel. "What so special about her?"
"You don't know her?!" baling na tanong ni Miel sa kanya.
Kanda-iling siyang sumagot. Well, that Hydrilla has a cute-fierce combination beauty and also has an oozing gorg body. All Samantha knows about her is that; Ella came from her second year nursing department. Na pinag-shift raw ng boyfriend nito dahil maraming umaaligid rito sa nursing dep. And her boyfriend is a fourth year business management student now. Ayun pa rito, at least raw nababakuran nito ang girlfriend kahit papaano.
Noong una, hindi maiwasan ni Sam na mapataas ang kilay sa nalaman. But well, who is she to judge, 'di ba?
Buhay nila 'yun. H'wag nang makialam.
"You really don't know her?! She's kuya Vincent Iker's girlfriend!"
"Sino naman 'yun?" walang ideyang tanong niya.
Malay ba niya kung sinong Vincent Iker ang tinutukoy nito!
"Well, duh! He's one of my step-brother's friend. And he is also one of the leader of Rodeo."
That make sense. Kaya pala ang overreacting naman ng expression at reaction nito kanina.
"Incase ate Ella will really pass," -tumingin ito sa kawalan-"I could imagine kuya Vince's face!" Tumawa-tawa pa ang loka-loka. "I wonder how kuya Vince would react to this."
Miel snap her fingers and smirk. "Come on, Sam! Samahan mo 'ko. I need to do something!"
Oh boy, that face!
Sa iilang beses na nakasama niya si Mariemiel, ilang beses na rin niyang nakita ang paggamit nito sa expression na 'yun. Isang beses ay pagbalak nitong pag-cutting sa isang subject na major pa man din, gamuntik na siya nitong idamay sa kalokohan kung hindi lang niya nailagaw ang usapan.
Brace yourself, Sam.
Tumayo ito at kinuha ang shoulder bag at saka lumapit sa kanya at pinatayo siya, ito na rin mismo ang nagsukbit sa kanyang balikat ng shoulder bag niyang nakasabit lang sa harapan ng kanyang kinauupuan.
"Where are we going?"
"Just come with me!"
Walang pakundangang hinila siya nito palabas ng room. Naaawa na lang na tinitigan siya ni Yvon dahil kahit ito ay walang magawa.
Well, Mariemiel is one an unstoppable brat.
LABAG MAN SA loob ni Samantha ay napilitan pa rin siyang sumama kay Mariemiel sa kung saan man siya nito nais dalhin.
"Sa'n ba kasi tayo pupunta, Miel?"
Wala siyang pakialam kung makulili na ito sa kakatanong niya!
Iniliko nito ang sasakyan papuntang agriculture department. "Basta. Just sit pretty and relax."
Kagat ang labing napatingin siya sa daang dinadaan nila. Nagpalipat-lipat ang tingin niya doon at sa mukha ni Mariemiel. Mas lalo pang kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib sa kaba ng maging mapuno na ang dinadaan nila.
"Let's go," anito nang itigil nito ang makina ng sasakyan.
Nanayo ang balahibo ni Samantha sa kung saan siya dinala ni Mariemiel. Pinagpapawisan rin siya ng malagkit, lumabas siya ng kotse nang lumabas rin ito. Dinala lang naman siya nito sa abandonadong building ng agriculture department.
Pagkapasok pa lang nila sa makipot at maputik na daanan ay maraming sasakyan na ang nakaparada, halos lumabas na sa kaniyang dibdib ang puso niya sa kaba. Ang alam niya, sagrado ang lugar na iyon dahil madalas doon nangyayari ang mga recruitment ng iba't-ibang fraternity at sororities ng university.
Pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Fred-May nagsasabi pa na, ginang-rape ng mga Rodeo iyong babae.
Nanginginig at hindi mapakaling napahigpit ang hawak niya sa straps ng kanyang shoulder bag. "M-miel, bumalik na tayo."
Tumawa lang na parang nang-iinis pa ang kaibigan. "It's fine, Samantha! Babalik rin tayo agad."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Kapag namatay ako dito, ha-hunting-in kita! Ikaw ang unang-una kong mumultuhin! Sinasabi ko sa'yo!"
Kung hindi siya magkakamali ang dinadaang tinatahak kasi nila ay papuntang...
Rodeo's Lair.
"What are you doing here, brat?!"
Kapwa sila napatigil nang marinig ang malalim at bilog na boses na iyon.
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
Ficción GeneralFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...