KASALUKUYAN SILANG kumakain ng tanghalian sa canteen sa loob ng university, nang may dumaang sexy'ng babae sa gilid nilang dalawa.
Yes, they're officially in a relationship now.
Maraming napaikot ang mga mata nang makitang magkasama sila. Hindi na rin niya halos mabilang kung ilang babae na ang sinamaan siya ng tingin. Some girls even says, she's just Rigo's new victim. But she don't give damn thing about what other people may and will say.
Ang importante lang naman ay siya at si Rigo.
Napasunod ang tingin niya sa babae, naka-croptop itong blouse na off-shoulder at naka-skirt na maong na hindi pantay ang pagkakagupit sa harapan.
Halos lahat ng kalalakihan sa canteen napapatingin sa babae. Kahit na iyong may mga girlfriends pang kasama, iyong iba ay napapasipol pa—maliban lang sa lalaking kaharap niya.
"Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya kay Rigo nang padabog nitong nilapag ang bote ng softdrinks sa mesa.
Umismid lamang ito, hindi na lang niya pinansin. Maya-maya napabaling ang tingin niya sa kanang table, doon umupo iyong babae kasama ang dalawa pang kaibigan nito. Maarte itong nagtatawanan at bahagya pang sumusulyap-sulyap sa table nila. Sinundan niya naman ng tinitingnan ng mga ito na sa kaharap niya pala sumusulyap—na ngayon ay masama siyang tinititigan.
"Dudukutin ko na 'yang mata mo, isa pa talaga," banta nito sa kan'ya.
"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa, a!" mahina pero may may diing tanong niya.
"Tsk. Sa pagkain at sa akin ka lang tumingin. Hindi iyang parang rotatable cctv 'yang mata mo."
"Ano bang ginawa ko, huh?" Napatigil na rin siya sa pagkain.
"Hindi na tayo kakain dito sa susunod!" padabog nitong binitawan ang kutsara at tinidor.
Dahil nga mainit-init pa ang balita tungkol sa kanila, agad na nakahakot sila ng manonood. She tight-lipped before getting her bag. Hinila niya rin si Rigo na walang kontrang nagpahila.
Hila-hila niya ito hanggang mapadpad sila sa engineering park. She counted one to ten before speaking.
"Ano bang problema mo?!" nangigigil niyang tanong.
"Ikaw, anong problema mo?!" asik nito.
"H'wag mong binabalik sa akin ang tanong!" singhal ko sa kanya.
"Tangina naman kasi! May boyfriend ka na tapos kung kani-kaninong babae pa tumitingin 'yang mata mo! Pucha, nakakairita!" He frustratedly brush his hair before putting his hands on her shoulder.
"Tanggap ko kung ano ka noon. Pero... baby naman... p'wede bang 'wag ka ng tumingin sa ibang babae? Mag-focus ka lang sa akin. Sa akin ka lang dapat tumingin! Sa akin lang ang atensiyon mo! Hindi sa ibang babae! Kasi sa totoo lang nakakapangselos,e!" nagsusumamo nitong sabi.
Ilang segundo sjyang hindi umimik. Nang ma-digest na ng kaluluwa niya ang sinabi nito, malakas siyang tumawa.
"Ano ba!" sigaw nito. Pero hindi pa rin siya tumigil sa kakatawa. "Ano bang nakakatawa, huh?!" sigaw ni Rigo na ikinatigil niya ng tawa.
"Nakakatawa ba na imbes na sa lalaki ako dapat magselos, eh, hindi! Kasi babae ang trip ng girlfriend ko?! Na imbes sa lalaki ako dapat matakot pero hindi! Kasi mas takot ako sa mga babae na baka magustuhan ng girlfriend ko?! Nakakatawa ba, Sam?! Nakakatawa ba 'yun, huh?! Oo, nakakatawa 'yun! Putang-na nakakatawa 'yun! Putang-na lang, ang baliw ko, 'di ba? Oo, baliw ako!"
Naglalabasan naman ang ugat nito sa leeg at sentido sa habang sinasabi ang mga iyon. Nakita niyang namumula na ang mata nito.
"Takot na takot akong mawala ka sa akin. Takot na takot ako na baka paggising mo isang umaga, ayaw mo na sa akin. Na mas gusto mo ng bumalik sa dating ano ka. Na nagkamali ka na ako 'yung pinili mo."
Nakipagtitigan lang siya rito. Pigil ang bibig at luha.
"Karma ko 'ata 'to sa lahat ng babaeng nasaktan ko." Mapakla itong ngumiti, maluha-luha itong tumingala.
"Do me a favor, Sam. H'wag mo siyang iiwan."
Dahan-dahang lumapit siya kay Rigo, inabot niya ang pisngi nito kaya tuluyang kumawala ang luhang pinipigilan nito.
Mabilis pa sa alas kwatrong pinahid niya 'yun. "Sorry... I'm sorry. Hindi ko alam na gan'un na pala ang nararamdaman mo." napahagulgol ito sa sinabi niya kaya yumakap ito sa kan'ya. Niyakap niya rin ito nang mahigpit na parang walang pakialam sa mga taong sa palibot nila.
"I love you," she whispered. He stiffed, though she knew why...it's the first she said those words.
SA HALOS ILANG buwan na ring magkaroon sila ng relasyon ni Rigo, may mga attitudes and character siyang na-develope sa sarili na hindi niya namamalayan.
Honesty and update was always the key to a healthy relationship.
Paunti-unti, natutuhan na niyang tanggapin ang dating sarili, na dati ay kinakahiya niya at kinatatakutan niyang may makaalam. Because of the past trauma she experienced.
Natatandaan pa niya ang unang pinagsabihan tungkol sa sikreto niya... it's her bestfriend— ex bestfriend. Akala niya naintidihan siya nito pero nagkamali siya. After her confession to her ex-bestfriend, there were rumors spreading about her— she was junior high school that time.
Her ex-bestfriend was a bit bitchy. Sabi ng lahat, pina-plastic lang naman daw talaga siya ng bestfriend niya. Ngunit ayaw niyang maniwala, she let them think and say whatever they want. Not until the rumors came. Pero dahil nga siya ang mas pinaniniwalaan ng karamihan, namatay agad ang sabi-sabi na iyon. But the trauma she experienced was still there. A year after, she transferred school... never tell a thing to her mom. Kaya pinangarap niyang mag-aral sa university, malayo sa mga taong nakakakilala sa kan'ya.
But, she's grateful that she had overcome those trauma.
"By, nakita mo 'yung pulang brief ko?!" Napatigil siya sa pagmuni-muni sa sigaw na iyon ni Rigo. Kaharap niya ang tambak niyang activities.
"Aling pula ba? Iyong polka dots o 'yung plain?" tanong niya, binalik ang atensyon sa ginagawa.
Hindi ito sumagot. Maya-maya'y lumabas ito ng banyo na nagpupunas ng basang buhok gamit ang tuwalya at naka-boxers lang. Ilang beses na ba siyang napapatanga kapag nakikita itong nakahubad ang mokong niyang boyfriend? Ah, hindi niya na alam.
Nagfi-flex ang muscles nito sa braso dahil sa ginagawang pagpupunas ng buhok. Bumaba pa ang tingin sa dibdib nito, ang lapad! 'Tapos bumaba sa abs—well-formed na! Baba pa sana ang tingin niya nang pumitik ito sa harap niya.
"Eyes up, baby! Baka magcamping na si the fourth niyan," nakangising sabi nito.
Dinampot ang lapis sa gilid ng laptop at binato sa mokong, natatawa nitong iniwasan iyon. "The IV ka riyan! Sipain ko 'yan eh."
"Kapag hindi tayo nagka-anak, kasalanan mo 'yun, huh!".
Mahina niya itong sinuntok sa tagiliran. "Mokong ka talaga!"
Yumukod ito at sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Mokong man, mahal mo naman!"
Mabilis siya nitong dinampian ng halik sa labi at tumatawang tumakbo sa kusina. Iiling-iling na lang siya nagpatuloy sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
Fiksi UmumFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...