Chapter 48
[[ KATHs POV ]]
Ilang oras ng nakalipas simula ng magising ako. Hindi pa rin bumabalik si Gino. Hindi ako ang naghahanap sa kanya kung hindi ang mga magulang ko. Si kuya naman ang nagbabantay sa bahay kasama ni ate Aya kaya pwedeng mag-stay dito sila mommy at daddy ng medyo matagal.
Pinipilit nila akong kumain pero wala akong gana. Masakit pa rin sa akin na mawala si Daniel. Sobrang mahal ko siya. Gusto ko siyang ipaglaban pero bakit bawal? Dahil lang sa past ng parents ko kaya pati kami damay?
"Kath, why are you crying?" nagulat na lang ako sa tanong ng daddy ko. Natulala pala ako kakaisip kay Daniel at sa buhay namin na puro problema. Hindi ko nga namalayan na umiiyak na pala ako.
"Sobrang sakit, daddy." I said and my tears fell after the other.
"Hala! Ma, tawagin mo yung nurse may masakit daw kay Kath!" dali dali naman si mommy na pumunta sa akin at tinanong kung anong masakit. Napa-ano look na lang ako kasi ang weird nila. Natawa ako kasi akala nila may masakit sa tahi ko.
"Hindi physical ang sakit na nararamdaman ko. Emotional. Kayo naman pinapatawa niyo ako." tumatawa kong sabi sa kanila habang pinupunasan yung mga luha ko pati uhog ko.
Niyakap lang ako ni mommy at sumunod naman si daddy pero kumalas din sila kaagad dahil daw baka bumuka daw yung tahi ko. They comforted me at sinasabi nilang kalimutan ko na daw yung unggoy na yun. Pero naalala ko lang yung unang araw na nagkita kami pagkalipat ko sa Caitlyn.
Bakit siya pa yung una kong nakita n'un? Pwede namang si Bea? O kaya si Anna? Or si Enrique? Pero bakit siya pa? Isang gwapong nilalang pero mataray.
I can't stop smiling while reminiscing.
I miss you Daniel. Sobrang miss na kita. Pero break na tayo eh. Hindi ko na ata kaya. Pangalawang beses ng nawala ka sa akin.
Biglang bumukas ang pintuan. Nagkatinginan kami ni Gino pero umiwas kaagad siya ng tingin. Inabot lang niya yung dala niyang paper bag kay mommy at sinabi niyang aalis na daw siya kahit na pinapa-stay pa siya ni mommy.
Teka, hindi ba siya masaya na gising na ako? Hindi manlang siya nagulat na gising na ako kahit na inaantay niya akong magising kanina pa! Or may nagsabi na gising na ako?
"Gino!" I called him bago pa niya isarado ang pinto. "Can you stay? Can we talk?" I asked.
"May pag-uusapan ba tayo?" he asked coldly. What? I'm sure may nagawa akong hindi niya gusto kaya siya ganyan makipag-usap sa akin. Sinabi ba ni mommy sa kanya na ayaw kong malaman niya na gising na ako?
Nagkatinginan lang kami ni mommy at parang nalaman niya na kung anong nasa isip ko.