Chapter Forty-Six

217 29 2
                                    

CHAPTER FORTY-SIX

[[ GINO'S POV ]]

Habang kumakain kami nila Mika, Anna, at Enrique eh bigla na lang akong kinabahan. Sobrang kaba na parang may nangyareng kung ano. Sana okay lang si Daniel at si Kath. Bakit naman kase umalis sila ng walang pasabi kung saan sila pupunta?

"Gino, wala ka bang gana?" Mika asked me pero hindi ako sumagot. Sobrang kabog ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan.

"May problema ba pre? Kung ayaw mo akin na lang 'to!" biro ni Enrique.

Bigla namang tumawag si Akira at sinagot ko kaagad yun.

"Gino, si Kath nasa ospital." napatayo naman ako at dumerecho sa kotse ko para pumunta sa ospital.

Pagkadating ko dun, nakita kong umiiyak si Akira, pati ang parents nila at pinapatahan naman ni Aya si Akira.

"Aki, anong nangyare?" I asked.

"Na-Nabaril siya ng mommy ni Daniel." he said.

"Kamusta si Kath?" I asked again.

"Nasa operating room pa siya." biglang sabi ni Trace.

"Dapat dinala na natin siya sa Russia! Sana hindi na nauwe sa ganito!" biglang sabi ni Amy.

Hindi ko alam na ganun pala kahirap ang pinagdadaanan nila Kath at Daniel. Kaya ba hindi pinapansin ni Daniel si Kath kanina kase may alam siya sa gagawin ng mommy niya?

"Si Daniel?" biglang tanong ko.

"Umalis na sila ng pamilya niya. Pero bago sila umalis narinig kong sabi ni Daniel na break na sila ni Kath." paliwanag ni Trace.

Ilang oras din kaming nag-antay bago lumabas ang doktor sa operating room and he said na natanggal na daw ang bala sa may chest ni Kath and aantayin na lang daw na magising siya within 48 hours kung hindi may possibility na ma-comatose siya.

Nung pwede na siyang mabisita, pumasok kami and nakita naming walang malay si Kath. May naka-pasok na kung anong bagay sa ilong at bibig niya na para siguro sa paghinga niya. Naawa ako kay Kath. Sobrang hirap na ng ginawa niyang paglaban para sa relasyon nila ni Daniel pero hanggang ngayon siya pa rin ang nasasaktan.

Siguro kung hindi ako nakipag-break sa kanya siguro hindi ito mangyayare.

Bigla namang nag-ring ang phone ni Aki and pagkasagot niya dito eh binigay niya agad sa akin.

"Gino! Asan ka ba? Bakit bigla mo na lang kaming iniwan dito?" narinig ko si Mika sa kabilang linya. Ayoko ng mag-explain sa kanya pero I think she deserve to know.

UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon