Fifth Chapter - friend request

1.2K 70 34
                                    

VOTE READ COMMENT BE A FAN 

THANKS! <3

 

Fifth Chapter - friend request 

-Daniel's POV-

Sa wakas nakauwe na rin ako sa bahay pagkatapos ng napakahabang araw na ito. Pasensya na daw sabi ng author kung madami ng chaps tapos one day lang. hahaha pagtyagaan :))

HAHAHAHA.

Pero may mas nakakatawa pa talaga dun eh.

Yung narinig ko si Kath na sinabi na GWAPO daw ako. Kaya lang may kasunod na MASUNGIT eh. WHAHAHA. Pero ewan ko ba kung bat ako natatawa. Hindi ko talaga mapigilang ngumiti.

"Daniel, are you okay?" yung tawa ko naging straight face ulit ng nagsalita si ate at pumasok nanaman ng biglaan sa kwarto ko.

"ANO BA?! Baket ba pasok ka ng pasok sa kwarto ko ng walang paalam?" sabi ko sa kanya. "Ate, malaki na ako. Okay sana noon eh kase bata pa ako nun. Pano kung nagbibihis ako?" sabi ko sa kanya.

"Tss. Feeling mo naman gusto kong makita yang payat mong katawan." asar pa ni ate.

"K." sabi ko naman. "Edi umalis ka na dito."

"I won't leave until you tell me why are you acting so weird today?" she said. "This is the first time I see you smile like that."

"Nothing happened." I said.

Umupo naman si ate sa kama ko.

"ATE!!" sigaw ko naman habang hinihila siya paalis sa kama ko.

"Tss. Ayokong naglilihim ang brother ko sa akin di ba? Tayong dalawa na nga lang yung magkapatid eh tapos ganyan ka pa." nag-drama pa siya.

"Eh wala naman talagang nangyareng kung ano." sabi ko naman.

Tumayo naman siya. "OKAY FINE. If you don't wanna tell me now, then ako na lang mismo ang pupunta sa school mo para imbestigahan ka." sabi niya.

BTW, parents ko and parents ni Enrique ang nagtayo ng school na pinapasukan namin. Parents ko sa building A at parents niya sa building B.

And eto namang si ate, kahit hindi na nag-aaral dun sa school namin eh punta ng punta dun para maki-chismis sa akin. -___- eh gusto na daw niya kase ako magka-gf.

"Whatever. Wala ka naman talagang makikita dun eh." sabi ko.

"FINE. Sige, aalis na ako baby brother." she said then nakipagbeso sa akin then umalis na siya.

UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon