Chapter 53

52 2 1
                                    

Chapter 53

[[ MIKA POV ]]

Simula nung makita ko si Gino sa TV, never na akong nanuod ng TV. Hindi ko na nga alam kung uuwe pa ako kasi parang wala na naman silang paki sa akin eh. I told my mom na nagbakasyon ako kasama new friends ko at naniwala naman siya.

Nakakainis lang eh 1 year na akong wala sa kanila at hindi manlang nila ako hinahanap? Hindi manlang nila ako namimiss?

"Hindi porket libre ang beer mo dito ibig sabihin iinom ka na parati." kinuha nanaman ni Rikki ang beer na hawak ko.

"Akala ko real friends ko sila pero hindi pala. Sarili lang nila ang iniisip nila." pagdadrama ko kay Rik.

"Tigilan mo nga ako sa drama mong yan. Paulit ulit na lang ang mga drama mo sa buhay. Kung hindi si Gino, yung mga kaibigan mo, tapos yung si Kath. Mag-move on ka naman te." sabi niya sa akin.

Kinuha ko yung mukha niya at hinalikan ko siya. Nilalayo niya ang mukha niya sa akin. "Mika." I didn't let him go.

"Wag mo naman akong iwan. Sawa na akong maiwan." I cried again and he hugged me.

"I won't leave you. Mabuti pa mag-joy ride na lang tayo ngayon para hindi mo na maisip yang mga problema mo."

*

Diredirecho lang siyang nagdadrive. Liko dito, liko doon. Hanggang sa makarating kami sa isang beach resort.

"Tara tulungan mo akong ibaba yung mga pagkain natin." sabi niya.

"Wag. Dito na lang tayo sa kotse." sabi ko.

"Ano? Paano mo ma-eenjoy ang beach?"

"Alam mo, akala ko ayaw ng mga lalaki sa mga b!tch. Bakit tuwang tuwa ka pa?" sabi ko.

He smiled. Na-gets siguro niya yung joke ko. "Tara na." wala na akong nagawa kaya bumaba na ako at tinulungan siyang buhatin yung mga dala dala namin at nag-set kami ng pwesto namin.

Nagpalit ako ng bikini ko at nag-topless naman ang loko.

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit hindi mo mapa-fall si Gino sa'yo eh ang sexy mo eh. Pwede ka na ngang isali sa FHM models." biro ni Rik. Tinitigan ko lang siya ng masama.

Buong maghapon kaming nagkulitan, nagswimming, kumain, at kung ano ano pa. Hanggang sa sumama ang tiyan ko kaya nagpunta ako sa CR. Kaso naka-lock yung mga CR doon kaya nagpunta ako sa tindahan ng souvenir at nagtanong kung may CR ba dun kaso wala daw pero itry ko daw dun sa mga cottage.

Wala ng hiya hiya akong pumunta sa mga nag-rent ng kwarto doon at sabi nung may-ari na pwede ko daw gamitin yung CR sa isang kwarto doon dahil hindi pa daw dumadating yung mga nag-rent doon. Inilabas ko kaagad ang dapat ilabas at buti umabot ako bago dumating yung mga matatangkad na basketball player?

Nagulat sila pagkalabas ko ng kwarto. "Uy may libreng chix pala dito eh." sabi nila. Natakot naman ako kasi ang dami nila.

"Teka, kilala kita eh." sabi nung isa.

"Ako? H-Hindi niyo ako kilala." aalis na sana ako pero hinila ako nung lalaki at dadalhin pa ata ako sa kung saan.

"Saan mo ako dadalhin? Hayop ka! Bitawan mo ako!" nagsisisigaw ako doon.

Tumigil siya sa paghihila sa akin at hinarap ako sa isang lalaki. "Gino, diba ex mo ito?" nagulat ako sa nakita ko. Si Gino ba talaga ito?

"M-Mika? Anong ginagawa mo dito?" nagulat siya ng makita ako. Shet! Wala akong masabi.

"A-A-Aalis na ako." sabi ko.

"Mika." hinawakan ni Gino ang braso ko. "Bakit hindi ka pa bumabalik sa inyo?"

Hinarap ko siya sa inis. "Wow. Sa tingin mo ba babalik ako doon? Tngina Gino! Ayaw na kitang makita pa! Niloko mo ako! Akala ko mahal mo na rin ako pero ano? Si Kath ang pinili mo!" umiiyak nanaman ako.

"Uy Gino, bakit mo naman pinapaiyak si Mika?" sabi nung isa.

"Iwan niyo muna kami pwede ba?" seryosong sabi ni Gino kaya naiwan kami sa may corridor ng apartment.

"Kayo na ni Kath di ba?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. "Nabalitaan ko lang na kayo na. Kaya ok lang naman na wag ka ng magpaliwanag. Iintindihin ko na lang na siya ang mahal mo at panakip butas lang ako."

"Mika."

"Pero you know, I know Daniel. Mahal niya si Kath. Imposibleng hayaan lang niya sa'yo si Kath. You better start preparing."

"Sino ang kasama mo dito?" tanong niya.

"My boyfriend." I lied. Siyempre kailangan hindi ako mag-mukhang kawawa.

Kinuha niya ang phone niya. "Noted." Nagulat ako sa ginawa niya. Pinakita pa niya na tinext niya ang mama ko na nandito ako sa resort at kasama ko ang boyfriend ko. Argh!

"Ano ba!"

"See? Nagalit ka? It means hindi alam ng mommy mo ang pinag-gagawa mo sa buhay."

"Ikaw ang may kasalanan nito. Sinaktan mo ako. Gusto kong gumawa ng bagong memories kaya ayoko ng bumalik doon. Pero ang liit talaga ng mundo at pinagtagpo pa tayo."

"Mabuti pa dito ka na lang matulog." sabi ni Gino at hinila ako papasok sa kwarto niya.

"No thanks." sabi ko at hinila ko ang kamay ko sa kanya. "Hindi na ako yung dating Mika na patay na patay sa'yo. Ayokong sumama sa iisang kwarto kasama ang isang manlolokong katulad mo."

"Gabi na. Delikadong maglakad ang isang babaeng katulad mo mag-isa." he said.

"Mika." narinig ko ang boses ni Rik. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa arm niya.

"Nandito na ang sundo ko Gino. You don't need to worry." sabi ko tapos hinila ko na palayo doon si Rik.

"Ayun ba yung Gino?" biglang tanong niya habang naglalakad kami pabalik ng kotse.

"Oo."

"Mas pogi pa pala ako dun eh." biro niya. "Anong nangyare?"

"He wants me to sleep with him dahil delikado daw."

"Talaga? Baka na-sexyhan sayo!" asar ni Rik. "Pero buti hindi ka nagpadala sa emosyon mo?"

I smiled. "Siyempre magaling ata ako umarte. Kahit na gustong gusto kong matulog katabi siya, pinigil ko ang malanding sarili ko. Hindi pa ako ready makita siya."

"So, uuwe na ba tayo or dito tayo magsstay?"

"Dahil nandito na si Gino, magsstay tayo." I said with an evil smile.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon