Twenty-Eighth - Club Week
-Daniel's POV-
Ilang linggo na ang lumipas at sa ngayon wala pa namang masamang nangyayare. Actually di ko talaga inaasahang medyo magkasundo kami ng kuya ni Kath.
Araw araw ko na kase siyang hatid sundo at sinasabi lang ni Akira na pag may nangyaring masama kay Kath patay ako pati buong angkan ko.
Pero ang hindi ko maintindihan eh baket kasama pati angkan ko?
Ohh well.
"Ok class next week na ang finals. Pero may mababago kase ang magiging top 4 sa building A ngayong year eh magkakaroon ng special award." sabi ng prof.
Pauso nanaman nila.
"At dahil si Daniel ang highest last year, what's new, eh kailangan niyang magturo ngayon sa inyo about sa bagong lesson. Sana naman ayos lang sayo Mr. Ezreal?!" prof
Psh. Ang sabihin mo tamad ka lang.
Psh. Kung pwede lang di pumayag matagal ko ng ginawa yun pero baka sabihin kase ng ibang classmates ko eh special ako kase parents ko may-ari ng half ng school.
Tumayo na lang ako sa gitna.
"Ano bang lesson natin ngayon Ma'am?" ako
"About love, courtship, and having a relationshit...I mean relationship. Alam niyo naman na wala akong alam jan eh pero sigurado akong madami kang mas-share sa class Daniel." prof.
Aba? Kapal naman neto?! Diba private na usapan na yung lovelife ko?
Psh. Palibhasa kase eh wala pang naging bf to at matandang dalaga na. Sungit kase parati sa mga lalaki.
Ah class pala namin ngayon Theology. (religion)
"Sino ba sa inyo ang naka-experience na ng love?" I asked.
Madami ding nagtaas. Sila Kath Bea at Jake pinagtatawanan pako.
Lagot kayo saken mamaya.
Lumapit ako kay Jake.
"Jake, para sayo, what is love?!" ako
Tumayo naman siya.
"Love...Madaming ibig sabihin ang love. Pwedeng pagmamahal mo sa classmates mo, sa friends mo, sa bestfriend mo...." sabay tingin niya kay Kath. Isa pa sasapakin kita.
"...sa family mo. Pero may tinatawag na special love. Yun yung pagmamahal mo sa isang taong napaka-special sayo..." sabay tingin kay Bea
"At meron ding pinakaspecial which is pagmamahal kay God." Jake
Grabe nobela naman ata sinabi neto. Hahaha.
"Salamat." sabi ko.
At ayun inulit ko yung sinabi niya. Hahaha. Para humaba yung oras.
"...Ang love minsan masakit lalo na kung di ka gusto ng taong mahal mo. Pero kapag nahanap mo na yung taong nakalaan para sayo, HEAVEN!!" sbe ko tas nagtawanan sila.
Shocks. Di naman ako ganito kakulet sa harap nila parati eh hala. Anyare?
"Pagkatapos nun, syempre ittry ng mga lalaking i-court yung babaeng gusto nila. Pero minsan may mga babaeng pinagbabawalan pa kaya kung mahal mo talaga eh antayin mo kung may maaantay." sabi ko.
"Wait. What if pinipigil kayo ng mga magulang niyo sa love niyo?" prof
Wow. Tanong yan.
"Ah, nasa inyo na yun kung gusto mong ipaglaban yung partner mo o hinde. Dun lang naman masusukat yung true love." ako