Chapter Forty-Nine

78 3 0
                                    

CHAPTER 49

 [[ DANIEL s POV ]]

"Daniel! You need to wake up! Nagagalit na si mommy!" ate keeps on trying to wake me up. Ngayon na kasi ang araw na ipapakilala ako ni mommy sa kung sino nanamang babae. I know ako ang nakipag-break kay Kathryn pero hindi porket nakipag-break ako hindi ko na mahal.

Babalikan kita Kath. Wait for me.


Umupo na ako sa kama ko at unti unting binubuksan ang mabibigat kong mga mata. Para akong naging instant chinese dahil parang may pumipigil sa pagbukas ng mga mata ko.

Tumawa naman bigla si ate. "What the-- Daniel? Umiyak ka ba kagabi at namamaga yang mata mo?" 

Oo umiyak ako. Paanong hindi ako iiyak eh nalayo ako sa mahal ko? Tanga lang? "Hindi ako umiyak! Baka may surot lang sa kama ko tapos kinagat ang mga mata ko." I defended myself pero halatang hindi naman naniwala si ate. She hugged me and said it's okay.

Wala na akong nagawa kung hindi ang makipag-kita sa i-a-arrange marriage sa akin. At dahil maga ang mata ko, nagsuot na lang ako ng black shades para formal pa din tignan.

Pagkarating namin sa hotel, nandoon na yung mommy ng babae kasama siya. Inaway pa ako ni mommy dahil na-late daw kami at pinag-intay ko pa yung babae. Umupo na lang ako sa seat ko at nag-sorry dahil na-late ako. Buti na lang at mabait sila.

"Mom, can I change my clothes now?" the woman asked her mother for how many times. Nairita na nga ata yung mommy niya kaya inirapan na siya. Sa sobrang ka-plastikan ni mommy, pinayagan niyang magpalit ng damit yung babae.

"I'm really sorry Mrs. Ezreal. Hindi kasi sanay si Liz magsuot ng dress. Nasanay siya mag-pants kasi shy type siya." paliwanag ng nanay ni Liz.

"Okay lang Mrs. Kreig. Mas gusto ni Dane ang mga shy type. I'm sure magkakasundo sila." This is so embarassing. Kelan pa nalaman ni mommy ang ugali ko? Urgh.

After 30 minutes ay napagdesisyunan namin ni Liz na mag-usap kami ng kaming dalawa lang kasi halos sila mommy na lang ang nag-uusap at ang pinag-uusapan pa nila ay yung past love namin.

Nagpunta kami sa garden sa labas ng hotel, naglakad lakad kami doon habang nagke-kwentuhan.

"Bakit ka nga pala naka-shades?" she suddenly asked.

I smiled. "Ah kasi kinagat ako ng surot." sabi ko pero hindi naman siya naniwala.

"Kung kinagat ka ng surot, bakit sa mata? Walang kagat yung arms mo eh. Baka umiyak ka?" she teased me nung hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Oo na. Umiyak na ako. Ang sakit kasi eh. I need to break up with Kath kahit na sobrang mahal ko siya. I had to lie." I explained and naiiyak nanaman ako pero hinimas niya ang likod ko at pinatahan ako.

UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon