Malapit nang mag-Christmas...
Tumingin ako sa wall clock habang nakaupo sa gitna ng kama ko. Lagot talaga sakin yung lalaking yun pag di nya talaga ako binati. Pakialam ko kung may live performance sila ngayong gabi? Paki ko kung busy sya? Ganun ba sya ka-busy para makalimutan ako? Malilintikan talaga yun.
Hindi naman yung Christmas yung inaantay ko.
Birthday ko.
Ako si Takei Emi. Pinanganak ng Christmas day. Tipid sa handa. Kahit saan pwedeng makiparty. Merong gifts whether they like it or they like it.
Isa lang naman ang wish ko ngayong Christmas is-lash Birthday ko...
Ang batiin ni Hikaru Yaotome.
Yung Sungki na yun.
Ay sungki din pala ko.
Kasi naman e.
Dalawang araw na kong hindi kino-contact nung lalaking yun.
Busy daw sya.
Pag magbabanyo, di man lang ako maalalang padalhan maski isang mail?
Humiga ako sa kama.
"Adik na yun. Busy busy. Pangit!"
Bumangon ulit ako.
Nasaan na ba yang ipinagmamalaking performance nyang kulugong yan?
Hinanap ko yung remote ng tv sa kwarto ko.
Nasaan na ba yun?
Kung kailan naman hinahanap saka nawawala.
Kakakita ko lang nun kanina. Pakalat-kalat.
"Okaasan!!!!"
Pumasok ang nanay ko sa kwarto pagkatapos ng 15 minutes.
"Bakit?"tanong nya habang may choco pa sa pisngi. Gumagawa sigurong chocolate cake.
"Nakita mo yung remote?"
Ngumiti lang sya. "Sa sala ka na manood."
"Ehhhhh..."
"Anong kaibahan kung sa sala ka manonood?"
Gusto ko sa kwarto. Di ako makakatili sa sala. Pano pag kumindat-kindat si Hikaru o kumembot habang nagpeperform? Baka himatayin ako dahil nakatago yung pagkakilig ko.
Dahil hindi ko naman masabi ang tunay na dahilan kung bakit ayaw ko sa sala manood, sumunod na lang ako kay okaasan.
Dala ang cellphone na may couple charm. Syempre yung kapartner nandun kay Hikaru. Galing Disneyland. Di nya kasi ako isinama.
Isa pa yun. Badtrip na yun. Kaya di nya ako isinama, may kasama syang babae. Yung tunog kotse yung pangalan. Lokong yun. Buti na lang, matalino si Google at tsismosa yung ibang fans. Awayin ko nga. Sabi nya, kakilala daw nya yun. Coincidence lang daw na nagkita sila sa Disneyland. Ayun, lusot.
Sa kotatsu ako pumwesto. Ang lamig sa labas. Makulimlim maghapon, wala namang snow.
Nasan na yung remote?
Lingon.
Lingon.
Nasa sofa.
Tsk. Ang ganda na nga pwesto ko dito sa kotatsu...
Pilit kong inabot ang remote.
YOSHAAAAAAA!
Binuksan ko ang terebi.
Anong channel na nga yun?
Lipat. Lipat.
Itinigil ko ang channel nang makakita ng madaming taga-jimusho.
BINABASA MO ANG
YaoTakei (Yaotome and Takei)
FanfictionFor non-shippers and YaoTakei shippers. Because both Yaotome and Emi are cuteness. All Tagalog Fics.