Valentines' Day

39 1 0
                                    

--

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ko.

Hindi nagsalita yung katabi ko. Nagtulug-tulugan pa sya. Samantalang five seconds ago, sobrang daldal nya habang kinukwento si Yabu.

Makikipag-break na yata 'to e. Si Yabu na yata ang bagong jowa.

"'Karu..."tawag ko sa kanya.

Hindi sya sumagot. Inayos lang nya ang pagkakapalupot ng braso ko sa braso nya saka mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

Ang sweet namin no? Inggit ka?

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Hikaru. "Karu, san tayo pupunta?"bulong ko.

Mamaya lang ay dumilat sya. "Wag mo muna kong landiin, Emi."sabi nya saka ulit pumikit.

Napakunot-noo ako. Pinindot ko ang ilong nya. "Yabang mo."sabi ko lang pero sanay na sanay na talaga ako sa kayabangan ng sungking nilalang na 'to.

Masakit na yung pwet ko sa pag-upo sa tren kaya ako nagtatanong kung saan kami pupunta. Nakakainip kaya na di mo alam kung ano pupuntahan nyo. Saka, maaga pa lang, ginising na ko nitong lalaking 'to. Di ba nya naisip na magkakaroon ng pangit na eyebags ang maganda, sexy, model, maganda--- ay nasabi ko na pala yun-- dyosa-like nyang girlfriend?

Minsan, di nag-iisip 'tong sungki na 'to. Sarap gulpi--- Napatigil ako nang lingunin ko ang bintana.

"Uwaaaaaaaaa. Karu~~!!"

Niyugyug ko ang balikat ni Hikaru na feel na feel ang pagtutulug-tulugan. "Ano ba---"

"Sapporo na tayo!! Omaygaaaaash!!!"

Nakakunot noong tumingin sya sa labas. Parang di interesado.

So... di kami dito pupunta?

Sayang naman... gusto kong mag-hot spring. Nakangusong nakasilip lang ako sa bintana ng train nang gumalaw si Hikaru. Di ko sya pinansin. Baka iihi lang sya. O tatae. Whatever.

Ako, gusto kong mag-hot spring. Gusto kong magbabad sa hot spring hanggang sa mahilo ako. Sawang-sawa na ko sa heater ng banyo namin. Masarap kasi pag natural yung nililiguan mo. Nakakakinis ng balat di tulad pag sa banyo, may chloride. Eto, hot spring. From the goodness of mother nature. Tapos, mixed-bath kasama si Hi---

"Hoy Emi. Iiwan na ba kita?"

Ang epal talaga sa imagination nitong Hikaru Sungki na to. Ano na nga sinabi nya?

Iiwan ako?

Bakit?

Akala ko ba, di pa kami bababa dito?

"Emi..."

"Ano?"

"Lika na."sabi nya saka inabot ang kanang kamay sa akin.

"Seriously?? As in?? Hot Spring??"tanong ko pa bago tumayo.

Tumango sya.

"Yoshaaaaaaaa!"

"Hoy, ingay mo."saway sakin ni Hikaru.

Napatingin tuloy sa amin yung ibang nakasakay at yung ibang kakasakay lang.

"Sorry, na-excite lang. Ikaw kasi."

"Anong ako?"tanong ni Hikaru.

"Sweet. Kinikilig ako."bulong ko.

"Ha?"

Nginitian ko si Bingi--- este si sweetie honey pie sugar baby cupcake gummy loves kong si Hikaru. "Sabi ko, thank you."

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon