Emi wa Hankouki

102 2 0
                                    

--

"Kouki kouki... Hankouki..."

Napatigil ako.

Bakit ba yun ang kinakanta ko? Sakit sa bangs--- ah. Wala na pala kong bangs. Pero bakit Aarin wa Hankoki ang kinakanta ko? Sakit pa naman sa ulo ng boses nya.

Kasalanan 'to ni YouTube. Kung bakit naman kasi JUMP yung pinakikinggan ko kanina, biglang recommended si Sasaki. Bakit ko na-click?

"LSS grabe. Maski Su.Ri.Ru ng boyfriend ko, hindi matanggal 'tong LSS ko."

"Anong boyfriend? Ano LSS?"

Muntik na kong mapamura nang sumulpot tong singkit na 'to sa harap ko. Ano na nga pangalan nito? Kunot noo pa rin ako.

"Kiritani Kenbangag! I hope you're not fine! Hindi kita namiss grabe."-ako, pang-asar as usual.

Kairita naman kasi. Tatlong araw ko nang di nakikita si Hikaru dahil daw sa mga meeting ng projects nila this 2013 samantalang ang balita, may solo yung Yamada kaya medyo backup dancer muna sila ngayon.

Bastos na bata. Naunahan pa mga sempai nya.

Tapos makikita ko pa tong si Kenta Kiritani.

"Wala kang date ngayon?"

Naiinis na tinignan ko si Kiri. Bastos neto. Kita na ngang mag-isa ako, itatanong pa kung my date ako.

"Meron. Invisible lang sya kaya hindi mo nakikita."sarcastic na sagot ko.

Ngumiti sya. "Good."sabi nya saka inupuan ang invisible kong ka-date at naupo sa harap ko.

Hindi ko sya pinansin habang minu-murder ko ang cake sa platito ko.

"Bakit nga mag-isa ka? Gabi na."pangungulit ni boy gangster look like.

Tinatanggal ko yung LSS sa utak ko kaya ako lumabas.

"Gusto ko lang bilangin ang mga billboard ko sa labas. Baka kasi nabawasan. Nadagdagan pala."

Tumawa lang sya. Sanay na sanay sa ugali ko. "Dalawang black kohi."sabi nya sa nagdaang waiter.

"Bata pa ko, di ako umiinom ng kape."sabi ko sa kanya pagkaalis ng waiter.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Anong sayo? Akin pareho yung kape na yun! Katamad kaya humingi ng refill."

Natawa ako. "Anong nakakatamad? Wala talagang lumalapit sayo dahil nakakatakot yang itsura mo!"

"Hoy Takei, tumahimik ka baka ipa-brace kita!"naiinis na sabi nya.

"Ufufufufu..."

Ayaw talaga nyang nasasama sa usapan ang kanyang scary face. Pang-Halloween.

Habang pinagtatawanan si Kiribaliw ay napatingin ako sa isang dress shop sa tapat.

"Ay! Cuuuute!!! Gusto ko nun!!!"sabi ko.

May cute na display ang shop. Gusto ko nun! Gusto ko nun! Inilabas ko ang wallet ko. Yosha!!! May laman pa at may credit cards pa. Buti di ko naiwan.

Tumingin ako kay Kenta.

"Hoy Takei! Kakadating lang ng kape ko!"sabi nya.

"Take-out mo na, pleaaaaaase? Ako na magbabayad ng kape mo, samahan mo lang ako."

Kaagad syang pumayag nang marinig ang salitang libre. Yaman naman sana nya. Napagastos pa tuloy ako sa kape nya.

"Dali na!!"tawag ko pa sa kanya habang patawid kami ng kalsada.

"Taena Takei, masasagasaan tayo kakamadali mo!"sabi ni Kenta habang hawak ang inilibre kong kape sa kanya.

"Uwaaa~~ Kenta pangit, gusto ko nun."itinuro ko sa kanya ang damit.

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon