Dahil sa confession ni *insert name* ay naisip kong i-post dito ang mga drabbles na naka-post lang sa facebook ko waaaaaaay back 2013 (sakto pala no. THROWBACK THURSDAY ngayon.). Hindi na ko dadaldal. Namiss ko lang ang YaoTakei at pakikibaka ng JUMP at mga tobikko. haha.
Tama na ang away at kabitteran girls and boys. Iligo nyo nalang yan. Dala lang yan ng init ng panahon.
(July 11 2013)
----
"Emi? Takei! Ako to."
Natahimik si Emi pinakinggan ang boses sa kabilang linya habang nakakunot ang noo. Napatingin sya sa lalaking nakaupo sa harap nya.
"Sino ba yan?"tanong nito ng walang boses.
"Takei, may shooting ako ngayon. Gusto mong pumunta?"alok ng boses lalaki sa kabilang linya.
Napatingin ulit si Emi sa cellphone pagkatapos ay ibinalik ulit sa tenga ang cellphone.
"Sino ba yan?"tanong ni Hikaru. Mas malakas ang boses. "Ibaba mo na nga."
"Ah. Kasama mo ba yung boyfriend mong sungki?" Tumawa ito. "Sorry. Aayain sana kita kasi may shoot ako kasama ng Toshinki. Di ba, fan ka nila?"
Namula si Emi.
Kilala na nya ang nasa kabilang linya pero hindi ito ang dahilan ng pamumula nya. Pinipigil nya kasi ang kilig nya nang marinig ang paboritong grupo.
Napatingin sya kay Hikaru na nakakunot ang noo habang medyo masama ang pagkakatitig sa kanya.
Napalunok si Emi. Umayos ng upo, kinalma ang sarili.
"Shohei, mamaya ka na tumawag."
"Harap-harapan?"tanong ni Hikaru nang maibaba na ni Emi ang cellphone sa gilid ng lamesa.
Nginitian nya ang kasintahan. "Si Shohei lang yun---"
"Nabanggit mo nga."
Sumimangot si Emi. "Ang seloso mo naman."sabi ni Emi saka uminom ng kape. "Ni wala nga yun sa ilong ni Max."bulong pa nya.
"Hmmm?"nakangiting tanong ni Hikaru pero sa nang-aasar na itsura.
"Sabi ko, I love you, bingi ka naman."
"I love you too. Pero sino si Max?"tanong pa rin ni Hikaru.
Napatakip ng mukha ni Emi, namumula. Hindi na ba sya makakalusot kay Hikaru? Inilabas nya ang wallet, kinuha ang nag-iisang picture ng Toshinki roon, inilapit kay Hikaru.
"Oh? Ano yan?"tanong nya saka inuna ang strawberry sa cake nya.
"Tinatanong mo kung sino si Max."sagot ni Emi.
"Lalaki mo?"
Ngumiti si Emi. Ngiting fangirl. "Sabi ni Shohei, may shoot sya kasama nila."
"Pupunta ka?"
Napatingin si Emi sa labas. Malakas ang ulan. Kung papipiliin sya sa pagitan ng iniidolong grupo, Toshinki, o sa boyfriend nya... "Hmm.. Hindi na. Kasama naman kita."sabi nya.
Ngumiti si Hikaru. "Saan ba? Sasamahan na kita."
"Talaga?"nanlalaki ang mga matang tanong ni Emi. "Talagang-talaga, Hikaru ko?"
Tumango si Hikaru saka tumingin sa dalawang lalaki na nasa litrato. Napaisip syang baka itong dalawa ang dahilan ng pagiging good mood lagi ng girlfriend nya. Madalang syang awayin, lagi syang inaayang lumabas at tahimik lang.
"Ibili na rin natin sila ng cake."
Nakangiting tumango si Emi saka sumunod na tumayo kay Hikaru patungong counter.
-end-
yun lang. drabble nga di ba.
kung bitin, click mo yung EXTERNAL LINK for fic from another writer para happy kaming mga shipper.
BINABASA MO ANG
YaoTakei (Yaotome and Takei)
FanfictionFor non-shippers and YaoTakei shippers. Because both Yaotome and Emi are cuteness. All Tagalog Fics.