Nope (drabble 5/6)

8 0 0
                                    

sa panahong mas uso pa ang buntis below 20 years old.

maiksi lang to. as in matagal pa yung burp ko.




November 30, 2013

---

"Ano?"tanong sakin ni Hikaru.

Pumikit ako.

Bumilang ng sampung sungki. Tinakpan ko ang bibig ko.

"Nasusuka ako."

Tinapik nya ang balakang ko bago ako nagtatakbo sa banyo.

Narinig ko pa ang hanging na sinabi nyang, 'Sa banyo ka na...'

"Muna."dugtong ni Hikaru sa sinasabi nya saka ako sinundan.

"Ugh. Lumayo ka sakin!!!"naiinis na sabi ko.

Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Kanina pa tong umaga.

Ngayon, nung naamoy ko si Hikaru, nasusuka na naman ako.

Ang sakit na ng lalamunan ko kakasuka.

"Emi..."

Nagmumog ako.

Nilingon si Hikaru na nakasandal sa pinto ng banyo, nakatingin sa kin.

"Ano?"tanong ko habang nagtatali ng buhok.

Tinitigan nya ko. "Erm..."

"Ano Hikaru?! Naiinis na ko. Kanina ka pa!!"

"Buntis ka ba?"

Napatigil ako.

Tinitigan ko si Hikaru.

Ano daw?

Lumabas ako ng banyo. Baka yung echo sa loob, nasira ang pandinig ko.

"Kasi, sabi mo, kanina pa yan. Nahihilo ka, nagsusuka. Kanina mo pa rin ako inaaway."

"So, sinasabi mong nakikipag-ano ako sa ibang lalaki?"

Nakakabwisit, Hikaru Yaotome.

Mukha ba kong kaladkarin?

Etong ka-dyosa-han ko na to?!

"Hindi naman sa ganun---"

"Ang kapal ng mukha mong pagbintangan akong nanlalalaki e ikaw nga tong laging nababalitang may ka-date!!"

"Emi... jo---"

Natigil ang sinasabi ni Hikaru nang may kumatok sa pinto ng kwarto nya. At dahil si Hikaru ang mas malapit, ito na rin ang nagbukas.

"Emi?"

Si Okaasan. May dalang karton.

"Naririnig kitang sumisigaw." Tinignan ni Okaasan si Hikaru.

"Bakit po?"

"Ininom mo ba to?" Itinaas ang karton na hawak. "Past expiry date na kasi, nakalimutang ilabas ng kapatid mo sa ref."

Napatingin ako kay Hikaru.

Parang relieve na ewan ang reaction nya.

"Katulad ng sinasabi ko, joke yung pagkakatanong ko."paliwanag ng sungki kong boyfriend.

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon