Wrong Send (drabble 4/6)

10 0 0
                                    

I was granted a leave. fufufu. thanks, mom and Happy Mothers' Day.

Maikwento ko lang, habang hinahunting ko sa Facebook lahat ng drabble na 'to. Naisip ko bigla na, "luh 3 years ago pa talaga to?" Three years na mula nung joke joke lang namin mapag-usapan yung sungki ng dalawang to at magpapabrace na si Hikaru. Gusto kong gumawa ng drabble tungkol sa braces ni Hikaru o sa blonde hair ni Keito. May Nakayama Yuma x Honda Tsubasa rin akong drabbles. I ship all the ships!


September 23, 2013

a/n: originally, pakakantahin ko sana si Emi pero habang isinusulat ko to, biglang nagbago yung flow. ang awkward... bahala na nga.

---

Binuklat ko ang magazine na cover ang boyfriend kong Sungki. Syempre, hindi solo cover. asa naman ako, di ba? As usual, background na naman si lolo mo. Minsan nga, hinihiling ko na hindi na lang sya tumangkad para lagi syang nasa harap kaya lang, baka pag nagpeperform, hindi sya makita nung cameraman.

"Booooooooriiiiiiiiiiiiiing..."sabi ko.

Wala si Hikaru. May trabaho daw. Free day ko pa naman. Wala akong makausap na hindi matino pag wala si Hikaru. Hikaruuuuuuuu kooooooo...

Inihagis ko ang kawawang lukot na magazine sa ibabaw ng kama.

Lukot na kasi, yun din ang laging binubuklat ni Sungki pag nandoon sa kwarto.

"BB~~~ nabobore na ko."kausap ko sa album ng TVXQ na naka-survive sa mula sa matalas na mata ni Hikaru.

"May tao bang maabala ng ganitong... oras?"

Mag pumasok na idea sa utak ko. Ibinalik ko ang TVXQ album sa isang sikretong lugar na hinding hindi mahahanap ni Hikaru.

Dinampot ko ang cellphone at kaagad na nagtype.

'Gangstah, tawag ka. May sasabihin ako.'

Bubwisitin ko na lang si Kiri.

Mamaya ay nag-ring ang cellphone ko.

Napakunot noo ako.

Bakit tumatawag si Yao...tome?

Hinayaan ko lang mag-ring ang cellphone ko.

Hanggang sa maging voicemail.

Kaagad na binuksan conversation na pinag-send-an ko ng text---

Muntik na kong maiyak.

Wrong send.

Nakalimutan kong si Hikaru nga pala yung huli kong nireplyan.

Tumunog ulit ang cellphone ko.

"Hello...?"

"Ano naman ang sasabihin mo---"

"Wrong send."

"Ha?"

"Na-wrong send ako. Kay Kiri---"

"Yung mukhang hold-upper?"

"Hoy, ang sama mo."

"Bakit mo naman sya tatawagan?"

"Boring e."

"Bakit hindi a---"

"May trabaho ka."

"Antayin mo ko."

"Bakit?"

"Kukutusan kita."

"HIKARU NAMAAAAAAAN!!!"

Napabuntong hininga si Hikaru pagkatapos din ng malakas na boses nyang background na tinatawag ang pangalan nito. "Sige, sige. tawagan mo na yung kabit mo."

Ibinaba na ni Hikaru ang linya.

Hindi pa nya natetext si Kiri nang may ma-recieve syang message.

'Kukumpiskahin ko na rin yung TVXQ album na nasa ilalim ng lalagyan mo ng underwear.'


-end-



extra! 

--

"Eto na nga. Na-wrong send pa ko kay Hikaru."kwento ni Emi.

"Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

"Knock knock."

"Ano?"

"Dali na, gangstah, sumagot ka na."

"Ano? O sige, Who's there?"

"Kiri."

"Teka pangalan ko yan! Hoy Emi Takei, umayos ka---"

"Maayos ako, sumagot ka nalang kasi!!!"

Narinig kong bumuntong hininga ang mareklamong gangster.

"Kiri who?"sagot nito.

"Whoops Kiri~ Whoops Kiri---"

"Emi, ikain mo na yan."sabi nito saka ako pinagbabaan ng linya.

--

another Yaotome x Takei fic on EXTERNAL LINK (another writer)

babush! shing! shing!

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon