August 2, 2013
YaoTakei drabble dahil nga bastos tayo.
(inspired ng pagkakaroon ng girlfriend ni Keito. lol. celebration drabble ba 'to?)
tapos di pala girlfriend kasi di naman sila close. 4r4y k0H bH3
---
"So?"tanong ni Emi habang binabasa ang bagong issue ng magazine na may interview si Hikaru--- ang JUMP.
Nilingon nya ang boyfriend na prenteng nakahinga sa kama nya at nakatitig sa cellphone nya.
Ayos di ba, kama nya, cellphone nya tapos sya ang nakaupo sa sofa at may hawak na magazine.
Tumagilid si Hikaru saka ipinakita sa kanya ang screen ng cellphone.
"Di ko makita."sabi ni Emi, pinaliit ang mata pero tinatamad lumapit para tignan ang hawak ni Hikaru.
"Inamin na ni Keito na may girlfriend sya."sabi ni Hikaru na iniharap ulit ang cellphone sa mukha saka nagkamot ng pwet.
Hindi nag-comment si Emi.
"Kelan tayo aamin?"mamaya ay tanong ni Hikaru habang panay ang scroll sa page.
Hindi nya pinansin ang boyfriend.
"Hoy Emi ko..."
Ibinaba ni Emi ang walang kakwenta-kwentang magazine, hinarap si Hikaru. "Alam na nila yun."
Nakangiting bumangon si Hikaru. "Lumapit ka dito."
"Bakit?"nagtatakang tanong ni Emi.
"Basta."
"Ano ka, Tender Juicy Hotdog CM? Kung maka-'basta' ka---"
Napatigil si Emi sa pagrereklamo nang hatakin sya ni Hikaru.
Napaupo sya sa kandungan nito.
"Gayahin natin pose nila---"tukoy nya sa pose ni Keito at ng rumored girlfriend nitong itago na lang natin sa pangalang 'Kasumi'.
Lumingon si Emi hindi para tignan ang picture ng dalawa. Kinagat nya ang pisngi ni Hikaru.
"Araaaaaay!!! Ano ba??"
Tumayo si Emi. "Hindi naman natin kelangan ng picture na sweet-sweet-an."
Napatango si Hikaru tila nakuha ang ibig sabihin ni Emi.
Saglit na natahimik silang dalawa.
"Pero walang masama na mag-picture."sabay na sabi nila saka nagtawanan.
"Ayoko na kamukha ng picture nila. Kelangan mo magpa-brace---"
"May bangs ka na. Pwede na yan-"
Sinabunutan nya si Hikaru.
-end-
sorry Keito.
BINABASA MO ANG
YaoTakei (Yaotome and Takei)
FanfictionFor non-shippers and YaoTakei shippers. Because both Yaotome and Emi are cuteness. All Tagalog Fics.