Ku-rei-chi but Inlove

83 2 4
                                    

--

"Kakalbuhin ko talaga sya!!!"naiinis na bulong ko habang pabalik-balik sa sala.

"Emi-chan, maupo ka nga, nangangawit na yung leeg ko kakalingon sa TV."sabi ni okaasan habang nagbabalat ng mansanas.

Naupo ako sa sofa. "Okaasan..."

"Sino ba kasi inaantay mo?"

"Si Sungki nga."sagot ko.

"Ang excited mo naman kasi gumayak, anak. Maaga pa."

"Okaasan, sabi nya naliligo na sya nung bumangon ako. Nagmadali pa nga ako."

"Ulitin mo yung ligo mo. Pa-spa ka muna, anak. O magpa-rebond. Magpa-blonde ng buhok. Baka matagal pa si Hikaru."sabi nya.

Ngayon lang kami nalibre ng araw ng sabay. Di ba, astig sa break? Parehong araw. At inaya nya kong lumabas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero yung thought na magkasama kami, kinikilig na ako.

Pero hindi ngayon.

Pinag-aantay nya ko.

One hour na kong nakabihis. Tatakbo na nga lang ako palabas ng bahay.

Tinawagan ko sya.

Voice mail lang ang sumasagot sa akin. Mga tatlong beses na ganun. Yung pang-apat na beses, pinatulan ko na yung voice mail nya.

"Nalunod ka na ba sa bath tub mo? Gano ba kalaki yang bath tub at di ka na yata umahon? Tinubuan na ko ng lumot dito, di ka pa dumadating! Nakakainis ka na Yaotome Hikaru!"

Wala akong pakialam kahit marinig ako ni okaasan. Nakakainis naman kasi talaga.

Ako? Si Emi Takei, maganda, sexy, dyosa, pag-aantayin nya? Isa lang syang hamak na bumbilya ng electric company.

May nag-doorbell.

Nagmamadaling lumabas ako ng bahay.

Ouch. Masusunog ako.

Napatigil ako sa pagbubukas ng gate.

"May inaantay ka no? Sorry na lang dahil mukhang hindi ako yun."nang-aasar pang sabi ng kapatid ko. "Okaasan, tadaima!"

Nakasimangot na sumunod ako sa loob. Naupo ulit sa sofa saka nagbilang ng commercial.

"Okaasan, bakit ang daming commercial?"

"Para may trabaho ka."sagot nya.

"May point ka, okaasan."sabi ko saka sumubo ng mansanas.

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon