Auction (drabble 3/6)

7 0 0
                                    

Feeling ko busy ako mamayang gabi kaya ngayon ko na ipopost. Di ko pa alam kung papayagan akong mag-leave for 2 days. (maka-'leave' akala mo nag-o-office)


okay. game na agad!


September 21, 2013

original title: Raging Yaotome

--

"Ano yan?!"sigaw ni Hakaru pagkapasok sa kwarto ko.

Napalingon ako sa kanya. Kakaligo ko lang. Buti nakabihis na ko. Kay okaasan na naman nya siguro nakuha yung susi ng kwarto ko na hawak nya.

Itatanong ko sana kung ano ang ipinaglalaban nya nang ihagis nya sa ibabaw ng kama ang isang kahon.

"Ano yan?!"tanong ulit nya.

Kalma lang ako.

Pigil ang ngiti.

Mamaya, makita pa ni Hikaru na nakangiti ako, baka bigla na lang mag-walk out si lolo.

'So... Dumating na pala.'sa isip isip ko nang makita ang nakasulat sa kahon.

"Emi!!!"

Galit nga sya.

Pero hindi ako natatakot.

Paki ko kung mapaos sya. Di naman ako mawawalan ng trabaho pag nawala ang boses nya.

"Wag kang sumigaw, baka tumalsik sakin yang sungki mong ngipin."sabi ko.

"Ano yan!!!"

Itinaas ko ang kamay, itinabi ang bathrobe saka kinuha ang kahon. 

"TVXQ items na napanalunan ko sa Yahoo Auction."

"Auction?! Di ba, sabi ko sayo---"

"Hep! Pigilin mo muna yang raging armalite mong bibig, mahal kong Sungki."

Sa wakas ay tumahimik si Hikaru.

"Napanalunan ko na 'to bago mo pa man ako pagbawalan na mag-fangirl."

A LIE.

Poker face ako nang sinabi ko yan. Urara face.

Tinitigan ako ni Hikaru.

Tinitigan.

Teka wait.

Malulusaw na ko.

"Sinungaling."sabi nito.

"HAAAAAAAA?!"

"Sa itsura ng poker face mo, kaka-order mo lang nyan!"akusa nito na parang nandoon ito nang makipag-away pa ko sa pakikipag-auction.

"Pero kaka-order ko lang din ng uchiwa mo. Pero di pa dumadating!"sabi ko.

Pigil ang hininga ko nang lumapit si Hikaru.

Inilayo ko nang kaunti ang kahon ng favorite kong mga lalaki.

Nang makita ko na ang sungki nyang ngipin.

NAKANGITI NA SI HIKARU!!!!

YUNG KINIKILIG NA NGITI!!!

CONGRATULATIONS EMI---

"Confiscated."nakangiting sabi nito saka ko nakita ang kahon sa kamay nito.


-end-

bye fandom merchs.

And hey, another Yaotome x Takei fic on the external link.

YaoTakei (Yaotome and Takei)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon