A/N: Last na talaga to. Actually, yung November ang last drabble pero since mas mahaba 'to ng kaunti, eto na ang ginawa kong last. At last post ko na yata to sa YaoTakei corner na itey. Unless saniban ulit ako ng kasipagan (na hindi na yata mangyayari) Sa mga fic na di ko maituloy... sorry po. Busy po ako sa totoong buhay. At hindi na po mahal ni Mariel si Yabu. Lumipat na rin syang fandom so... mahirap magsulat pag walang balita sa JUMP. hahaha. Mahirap magsulat ng JUMP fic para sa isang non-tobikko na tulad ko.
okay start na.
October 12, 2013
Title: The Door (dahil wala nga akong maisip na title para sa drabble na to)
Pairing: YAOTAKEI (woot! woot!)... Yabu at Pinto
Summary: best actor award goes to, Hikaru Yaotome.
a/n: walang feels para sa KotaEru kaya naisip kong sumulat ng YaoTakei kagabi dahil nawawala ang internet ko.
---
Lumuhod ako para silipin ang ilalim ng kama, pagkatapos ay hinubad ang tsinelas saka sumampa sa kama. Tumalon-talon para makita ang itaas ng cabinet.
Ah...
Nasaan ako?
Sa kwarto ni Hikaru.
Kung may susi sya sa kwarto ko, ganun din ako sa kwarto nya. Pero di naman ako pumupunta dito na alam kong nandito sya. Pumupuslit lang ako pag alam kong may trabaho sya o matagal bago sya umuwi.
Hinahanap ko kasi yung nakumpiska nyang limited edition ng nabili kong album. Dalawang oras nya akong sinermunan na bakit di ako bumibili ng album o single ng JUMP samantalang sya ang boyfriend ko. Kundi pa may tumawag sa kanya para sa isang... ewan ko ba dun. TV guesting ba yun... hindi pa nya ko titigilan sermunan. Daig pa nya si okaasan minsan pagdating sa mga kinahihiligan kong idols. Di ba nya alam na sya ang ichiban sa lahat ng ichiban ko?
"Hikaru, hiniram mo ba yung DVD---"
Napatigil ako sa pagtalon sa kama.
Napatigil din ang lalaking kakapasok lang. Napatingin sa akin.
"Takei...?"
Pinilit kong magpakanormal.
Bumaba ako sa kama, isinuot ang tsinelas na kulay pink.
"Ah. Eh. Wala si Hikaru. Anong DVD yung hinahanap mo?"
Hindi sumagot si Yabu, umatras saka isinara muli ang pintuan nang mapasigaw ako.
"AAAAAH!!!!"
Nakita ko na ang hinahanap na album. Nasa likod ng pintuan ng kwarto ni Hikaru, nakasuksok sa isang maliit na bag. Hinawakan ko ang maliit na bag, kinuha ang pinakamamahal na album...
"KYAAAAAAA!!!!!"sigaw ko bilang celebration sa nakita kong album. Nang bumukas ulit ang pintuan--- "ARAAAAAAY!!"
Tinamaan ako ng pinto sa noo. Ang sakit. Parang naalog yung utak ko na humiwalay ng kaunti yung kaluluwa sa katawan ko...
"Takei!! Okay ka lang?"tanong sakin ni Yabu, na sya ring nagbukas ng pinto.
"Masakit!!!"sigaw ko, hawak ko ang noo na siguradong mapula sa pagtama ng pinto.
Mukhang alam na rin ni Yabu ang kasalanan, tinanggal nya ang kamay kong nakatakip sa noo ko, bahagyang hinipan ang pulang marka. Hindi naman effective. Palagay nya sakin, bata?!
"Sorry!! Bakit ba kasi sumisigaw ka? Akala ko, kung ano na nangyari--- Aray ko naman!"
Muntik nang masubsob si Yabu nang biglang may magtulak ng pintuan.
"At talaga sa kwarto ko pa talaga kayo... naglalandian?!"sigaw ng namumulang si Hikaru.
Hindi ko inintindi ang galit ni Hikaru. Ang importante ay ma-save ko ang album. Patagong inilagay ko sa likod ang kamay na may hawak ng CD. Isinuksok sa likod ng shorts ang nasabing album.
"Ano bang kadramahan to, Hikaru?!"tanong ni Yabu.
"Itinuring kitang kaibigan!!!"bulyaw nito kay Yabu, pang BEST ACTOR, tapos ay tinignan ako ng masama.
"Ano?"kinakabahang tanong ko.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba nagagalit tong si Hikaru? Di ba ko pwedeng mag-fangirl ng matiwasay?
"Umuwi ka na."kalmadong sabi nito. "Ayokong makita mo kami ng ipinagpalit mo sakin, mag-uusap lang kami--"
"Ano bang kagaguhan to, Hikaru? Praning ka ba?"tanong dito ni Yabu.
Hindi nagsalita si Hikaru. Parang nasesense ko na rin kung ano ang sinasabi ni Yabu. Mukhang napagkamalan yata nitong may 'affair' sila ng kaibigan nito.
"Teka nga, Hikaru ko, nagda-drugs ka ba?"tanong ko habang hinihimas ang masakit parin na noo. Mukhang magbubukol na yun. Dumadrama pa kasi tong si Hikaru, di ako makakuha ng yelo.
Nanlaki ang mata ni Hikaru, nilapitan ako. Itinaas nya ang mukha ko, tinanggal ang kamay ko sa noo. "Napano yan?!" OA na tanong nito.
"Binuksan kasi bigla ni Yabu yung pinto. Tumama tuloy sa noo ko."paliwanag ko.
Napalunok si Hikaru. Namutla. Pagkatapos ay mukhang nakahinga ng maluwag na parang nawala ang constipation. Nilingon si Yabu tapos ay hinimas ang noo ko.
"Naka-high ka ba?"tanong ko.
"High sayo."sagot ni Hikaru saka ako hinalikan sa noo.
Napangiti ako, kahit na mukhang magkakabukol ang noo ko, dahil okay na si Hikaru. Maka-pick-up line na naman.
"Ang corny nyo."sabi ni Yabu. "Yung DVD, ikaw humiram nun."sabi nito sa kaibigan/kagrupo/kabit.
Lumayo sa akin saglit si Hikaru, hinila ang drawer sa ilalim ng lamesa ng laptop saka inabot ang isang DVD kay Yabu.
"Umuwi ka na, you may rest in peace."sabi ng sungki nyang boyfriend sa matangkad nitong kaibigan.
"Ikaw ang rumest in peace, sira ulo. Dapat pala, nirecord ko yung momologue mo kanina, baka nanalo ka pa sa grand prix--"
Pinagsaraduhan na ito ng pinto ni Hikaru.
"Masakit pa noo mo?"tanong nya sa akin.
Tumango ako. "Pero konting sakit nalang kasi hinalikan mo na."
Niyakap sya ni Hikaru sa bandang bewang nang may tumunog.
Napangiwi ako.
Sumeryoso bigla ang mukha ni Hikaru. "Emi ko..." Nababalutan na naman ng low pressure area ang mukha nito.
Napalunok ako.
'Patay kang Emi ka.'
-end-
bye
BINABASA MO ANG
YaoTakei (Yaotome and Takei)
FanfictionFor non-shippers and YaoTakei shippers. Because both Yaotome and Emi are cuteness. All Tagalog Fics.