--
Hindi naman talaga nila balak i-surprise visit si Hikaru pero nalaman kasi nilang nagkasakit ito.
Ayaw magpadala sa ospital kaya naman napagpasyahan nilang dalawin ang sungking lalaki.
Mula kay Yabu hanggang kay Chinen, by height, nagkita-kita rin silang walo malapit sa station. Alam nila ay nakatawag na si Yabu sa kapatid ni Hikaru at sinabihang wag sasabihan ang sungki na bibisita sila.
Kaya nga, SURPRISE VISIT.
"Sigurado kang walang alam si Hikaru."sabi ni Inoo.
"Alam mo Inoo, parang kang nanay ko na sinisigurong matutuloy ang summer vacation namin o nakapagpabook na ko---"
"Naku Yabu, crush ka kasi nyang si Inoo---"
Hindi na naituloy ni Takaki ang sinasabi nang sipain ni Inoo Kei ang binti nya.
"Wag na tayong maingay. Nasa tapat na tayo ng bahay nila."
Isa-isa silang tahimik na pumasok sa loob ng bahay pagkatapos silang salubungin ng nanay ni Hikaru.
"Si Hikaru po?"halos pabulong na tanong nila.
"Ah... Nasa kwarto at nagpapahinga. Gusto nyo ba ng juice?"
"Thank you po."sabay sabay na sabi nila na parang isang idol group--- teka, idol group sila.
"Pwede na po bang pumasok?"
"Sige lang---"
Hindi pa naitutuloy ng nanay ni Hikaru ang sasabihin nang magtakbuhan sila sa pintuan ng kwarto ng sungking lalaki na pakay nila.
Si Yabu ang nauuna dahil nga at home ito.
At...
"Ano ka ba naman kasi 'Karu. Wag kang malikot---"sabi ng boses babae sa loob ng kwarto ni Hikaru.
Natigilan silang lahat.
Maling kwarto ba ang napasukan nila?
"Yabu--- Kayo? Anong meron?"sabi ni Hikaru na inilabas ang ulo mula sa ilalim ng comforter.
"May sakit ka daw."sabi ng poker face na si Keito.
"Aaaaaaw!!!"bigla ay sigaw ni Hikaru.
Napangiwi sila.
Hindi nila alam kung nagpapanggap itong may sakit o may nananakit dito.
Sa ilalim ng comforter nito.
"Aray Emi, wag mo kong kagatin sa tagiliran---"
Napaatras ang walo.
"Mas gusto ko pa yung pagkaka-BEST FRIEND ni Keito."sabi ni Yuto
"Prensown."sabi naman ni Yamada.
"Nakakainggit."sabi ni Daiki.
"Parang gusto ko ring may kumagat sakin---"
"Kagatin kita?"alok ni Takaki kay Inoo.
"Araaaa... Nakalimutan kong sabihin na may nauna sa inyo."sabi ng nanay ni Hikaru na kasunod nila. "Merienda?"alok pa nya.
BINABASA MO ANG
YaoTakei (Yaotome and Takei)
FanfictionFor non-shippers and YaoTakei shippers. Because both Yaotome and Emi are cuteness. All Tagalog Fics.