Chapter Eight

193 4 3
                                    

Pasipol- sipol pa si Jason ng pumasok sa opisina niya ng umagang iyon. "Hello Candy," he greeted his secretary. "You look beautiful today,"

Kahit takang- taka ay tumango ang matandang babae. "Good morning Mr. President,"

He gave her his sweetest smile before entering his office.

Natatawa siya sa mga reaksyon ng mga empleyado niya nitong mga nakakaraang araw. Hindi kasi madalas na maganda ang mood niya. Grumpy siya, especially sa umaga dahil hindi siya morning person. Pero dahil masaya siya, wala siyang pakialam kung alas- nuwebe palang magtatrabaho na siya samantalang dalawang oras palang siyang nakakatulog. Usually kasi, alas- onse siya pumapasok. Isang linggo na simula nang lumabas sila ni Rachelle pero hanggang ngayon, pakiramdam niya ay high na high pa rin siya. Sa totoo lang, nami- miss na niya ang abogado at ang mga harsh na comeback nito. Umupo si Jason sa kanyang swivel chair at pinagmasdan ang napakalaking portrait ni Rachelle sa dingding ng opisina niya. Kuha ang litrato noong birthday ni Ynah. Stolen shot iyon habang nasa balcony ng Torres Mansion ang babae. Nakaside- view si Rachelle hawak ang isang kopitang naglalaman ng champagne habang nakatingin sa langit. Nakasuot ito na magarang pulang ballgown. Nakalugay ang kinulot nitong buhok at may munting ngiting nakasilay sa mapupulang labi nito. Isa ang litatrong iyon sa mga paborito niya. Don't get him wrong. Dahil hindi lang isa ang picture ni Rae sa opisina niya. Lima iyon, bukod pa ang nasa bachelor's pad niya. Sabihin na nang ibang tao na stalker siya o obsessed at creepy na ang ginagawa niya, pero wala siyang pakialaman. Hindi maiintindihan ng ibang tao ang nararamdaman niya. Iyong pakiramdam na nasa tabi lang ang taong gusto mong makasama habang buhay pero hindi mo siya mahagkan dahil hindi pwede. Sa ngayon. Binigyan naman niya ng panahon at space si Rae. Pero napakatagal naman noon. Naiinip na siya.

Napabuntong hininga si Jason at sumandal sa upuan. Nahilot niya ang noo. He couldn't wait anymore. But he has to. He wanted Rae, so much that it hurts. Pero hindi naman niya pwedeng basta- basta angkinin ang babae. He needed a concrete plan. Planong walang butas. Oo, aminado siyang kabaliwan ang sinabi niya kay Ynah. Pero, nakakahiya mang sabihin, desperado na siya.

Napangiti siyang muli nang mahagip ng paningin ang litrato ni Rachelle sa kanyang oakdesk. Iyon ang kaisa- isang litrato nila ng babae na magkasama at nakangiti pa ito. Napabuntong hininga siya. Miss na miss na niya ang abogada. Araw- araw naman niya itong tini-text, kahit madalang itong sumagot, nakikipagpalitan ng email, at kung suswertihin, kung maganda ang mood ng babae, makaka-usap sa Facetime, katulad kanina. Kauuwi lang ni Rae galing trabaho nang natyempuhan niya. Pero iba pa rin talaga ang nakikita niya ito ng personal. Anong magagawa niya, medyo imposible ngayon dahil sa katayuan nila. Nasa Pilipinas ang babae, samantalang siya balik States na.

Halos mapalundag siya ng tumunog ang intercom. He made a face. "Yes, Candy?"

"Sir, Mr. Montreal and the others asked for you,"

"Let them in,"

"Yes, Sir,"

Ilang sandali pa ay isa- isang pumasok ang mga kaibigan niya.

Tumayo siya at nilapitan ang mga bagong dating. "Guys, what's up?" Tinapik niya ang mga balikat nito.

"Jase, how's Atty. Hernandez?" Nakangising tanong ni Kenneth. "Buntis na ba?"

"Shut up," natatawang sagot niya bago pinindot muli ang intercom at nagpahanda ng coffee sa secretary.

"Bago ito?" Itinuro ni Zach ang isang lirato ni Rae sa dingding. Sa lirato ay walang ibang suot ang abogada kung hindi isang button- down shirt at pinagmukhang kagigising lang. Black and white ang tema nun pwera sa kulay pulang labi at sapatos ng babae.

"Alin? Ah, oo. Last month lang kinunan iyan para sa new fragrance ng kapatid ko," sumandal si Jason sa kanyang oakdesk at humalukipkip. "Bakit?"

Zach shrugged. "Wala naman. That girl really loves red," ang tinutukoy ay ang 5 inches Manolos ng babae.

"She called it, power heels. She never wore any color everytime nagpo- pose siya para sa Selene," proud na sabi pa niya.

"And I swear, you use that picture to jerk- off," komente ni Nathan. Sabay- sabay na napabunghalit ng tawa ang tatlo.

Jason glared at his friend. "Fuck you,"

Nathatn snickered. "And I love you, too,"

----------
A/N: Pic on the side just to give you an idea kung anong itsura ng litratong pinag- uusapan nina Zach. 😘💋

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon