"Could you please fix that face of yours, Dear Brother," saad ni Carmina habang lulan sila ng kanyang pribadong eroplano pabalik ng Pilipinas. "Stop acting like a kid,"
"Am not," he pouted.
"Of course you are," nagbuntong hininga ang babae, lumapit sa kanya at saka kumandong, "Galit ka pa rin ba sa akin?"
He tried to ignore her. But when she gave him puppy eyes, nabasag ang pride niya. Argghh! Kung hindi lang talaga kita kapatid! "No. How could I be mad to my lovely sister?"
"E bakit nakasimangot ka?"
"Nagtatampo lang,"
"Jase, I'm just doing you a favor. Dad was furious and I told him that the words of the Board may a bit overboard, so why not ask you in person? Believe me, I did everything that I could to calm the old man down but he's just so, uhm, you know," she sighed. "I know Dad, for sure, konting bola mo lang at paliwanag, kakalma na ulit yun. For all I know, he's one of your fans, kahit hindi niya aminin," Yna poke his arms.
"At sino lang ang kontrabida? 'Yung nanay mo?" napataas ang kilay niya.
Napabunghalit ng tawa si Yna. "Oh come on, Jase. Wala ka na talagang magagawa sa Mama. Alam mo naman 'yun, social climber," then she giggled.
Ah. Kaya nga ba mahal na mahal ko ang kapatid kong ito. She would always spoil me in every way possible.
"So," sumeryoso ang mukha ng babae at saka muling bumalik sa inuupuan nito kanina.
"Hmm?"
"Remember what I've told you last time?"
Kinuha niya ang dyaryo sa mesa at nagsimulang basahin ito. "Last time? Remind me. Marami ka na kasing nakwento. Alin doon?"
Ngumuso ang babae. "Iyong ipapakilala ko sa iyo?"
"Ah. So what about it," hindi man lang niya iniangat ang mukha mula sa binabasa. Aba at akalain mo nga naman, ang dating corrupt na pangulo, mukhang malabo ng masintensyahan! Kaya nga ba hindi na umaasenso ang bansa e. Napailing na lamang siya. Ipagpapatuloy muli sana niya ang pagbabasa ng bigla nalang hinablot ng kapatid niya ang dyaryo.
"You're not listening again Jase," nakasimangot ang babae.
Itinaas nalang niya ang kamay bilang pagsuko, nagkibit ng balikat at sumandal sa kinauupuan.
Bumuntong hininga ang babae at iniabot sa kanya ang isang sikat na Women's Magazine ng Pilipinas. "The lady on the cover page, that's her," ingunuso ng modelo ang babasahin na animo'y hinihimok siyang tiningnan ito. Kinuha niya ang magasin at pinagmasdan ang litrato ng isang babae. Mahaba ang itim na buhok nito, nakasuot ng executive suit, nakahalukipkip ito at nakataas ang kilay. Pati siya ay napataas ang kilay. Aminado siya, maganda nga ang babae katulad ng ibinibida sa kanya ni Carmina. Nahagip ng mata niya ang caption sa ilalim ng litrato. Atty. Rachelle Hernandez: Tough, Inside and Out. Napatango siya. Quite impressive.
"What do you think?" Ang laki ng ngiti ng kapatid niya.
"Well, she's okay," napataas ang kilay ng babae. Halatang hindi naniniwala. "Okay, okay! She's beautiful,"
"And?"
"And what?" Kunot ang noot niya. Mukhang hindi niya gusto ang nakikita sa mukha nito.
"Oh come on, Jase! She's perfect!"
"Yeah. The bangs is perfect," sarcastic na turan niya.
"Jason! Ako ang gumipit ng bangs na 'yan ha!" Tinampal nito ang braso niya.
BINABASA MO ANG
Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]
Humor“Magkakagusto ka din sa akin, tandaan mo iyan! Itinataga ko sa batong buhay!” Ubod lakas na sigaw ni Jason sa papaalis na si Rachelle. “Kahit sa hollow block, adobe, marmol o kahit pa sa bato kung saan hinugot ni King Arthur ang Excalibur mo itaga...