Bumuntong hininga ulit siya. Hindi niya na nabilang kung pang-ilang beses na niyang ginagawa 'yun pero wala siyang pakialam. Naguguluhan talaga siya.
"Nakikinig ka ba sa akin, Rae?" Untag sa kanya ni Ynah.
"H-Ha?"
"Alam mo, if you keep on doing that, matutuluyan ka na,"
Date day nila ni Ynah ngayong araw. Once a month, naglalaan sila ng araw para sa kanilang dalawa lamang. Sila kasi ang pinakamag-bestfriend sa grupo nila.
Kumunot ang noo niya. "Doing what?"
"Thinking of Jason,"
Namula ang mukha niya. "Of course not! Bakit ko naman iisipin ang kumag na iyon?" Kinuha niya ang apple juice niya at ininom iyon.
"Okay, sige. Deny pa more. Kahapon lang ako pinanganak," sarcastic na turan ni Ynah.
"Ano ka ba Ynah? I don't know what you're talking about,"
"Obvious naman kasi! You're thinking of Jason! I know you, Rae. You're my sister, hindi man sa dugo but in heart and soul. And I will say, you like him. Ano bang hindi mo ma-gets dun?" Ynah rolled her eyes.
Napabuntong hininga na naman si Rae. Ano pa nga bang sasabihin niya? Caught in the act na siya. Totoo naman na iniisip niya si Jason. Siguro nga, crush na niya ang lalaking iyon pero bakit? Hindi naman niya ito type!
"Yun na nga ang hindi ko ma-gets e. Hindi ko siya type pero I can't help but to think of him! Nakaka-frustrate! Naiinis ako sa kanya, Ynah. Ayoko ko siyang makita na gusto ko. He's a playboy. He's arrogant, and full of himself but cute, sweet, thoughtful and he always shows that he really cared. I dont understand what's the reason he does that! And the worse thing is, I miss him, Ynah. I really wanna see your brother so bad,"
Matagal siyang tinitigan ni Ynah. Pagkatapos ng ilang sandali, inabot nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa. "Why dont you give Jason a chance to prove himself?"
"Alam mong hindi pwede,"
"Bakit? Dahil ba kay Jethro? Kasi engage ka na? C'mon Rae, you're not even inlove with him!"
"Mahal niya ako,"
"Is that enough?"
Natahimik siya. Carmina is right. Is it enough? Na si Jethro lang ang nagmamahal sa kanya?
"But, playboy si Jason, Ynah,"
"Seryoso siya sa iyo, Rae,"
"Pero diba, sinet-up mo lang kami? Siguro sumusunod lang siya sa gusto mo. Baka dahil ayaw niyang magalit ka sa kanya kaya niya ako nilalapitan. I'm not sure kung ano ba talagang gusto niya,"
"Rachelle, kahit na ipagtulakan ko pa si Jason or i-threaten na hindi papansinin, kung hindi niya rin gusto, hindi papayag 'yun. Kung ayaw ni Jase, hindi ko siya mapipilit. For pete's sake! Ang tagal ka na niyang hinahabol!"
"Baka kasi natsa- challenge lang siya sa akin, dahil hindi ako tulad ng iba,"
"Rachelle, Rachelle. Sa States, isang pitik lang ng daliri niya, kandarapa na ang mga babae. Walang effort, hindi man lang siya pinawisan. Pero pinagmukhang tanga ni Jason ang sarili niya, mapansin mo lang. Kung anu- ano na ang ginawa niya para tapunan mo ng tingin. Hindi siya ganun. Masyadong mataas ang pride ng kapatid ko. Pero nilunok niya iyon, para sa iyo. Tapos ngayon sasabihin mo, nangti- trip lang siya? He's inlove you. He's willing to go to hell if you wish to,"
"But - "
"Just give him a chance, Rae. I promise, he's worth it. He's the one for you. He will take care of you. You're prefect for each other! He's a good man despite his playboy history. Bonus nalang na kapatid ko siya,"
"Ynah.. Paano si Jeth?"
"I' ll take care of him," Carmina winked at her.
"Sana tama ka, Ynah. Na he's worth it," bulong ni Rae.
----------
"Pang- ilan na 'yang mga 'yan?" pinipilit ni Rae na itago ang ngiti sa kanyang mga labi habang kausap ang kanyang sekretarya.
"Pang- anim na po, Attorney,"
"Anim? Alas- diyes pa lang. Alas- nueve ang pasok mo, hindi ba?" kunot noong tanong niyang muli.
"Opo. Ang sabi po nung guard- on- duty, nag- start daw pong dumating mga 8:30,"
"8:30?" napabuntong hininga siya. "Sabihin mo sa mga tiga- maintainance na iaayos ang mga bulaklak sa mga vases tapos ilagay sa iba't ibang department, okay?"
"Yes, Ma'am. Anything else?"
"Lahat ng cards, ibigay mo sa akin, you understand?"
"Yes, Attorney,"
"You may go," pagkalabas na pagkalabas ng babae at kinuha niya ang isang card mula sa pumpon ng rosas sa desk niya. You must be tired after everything we did in my dream last night. Namula ang pisngi niya sa nabasa. You're such a pervert, Angeles!
Then another one: Were you Mt. Doom? Because you're so precious. -J.
Can I tie your shoes? Because I can't have you fall for anyone else. -J
You're like a dictionary. You give meaning to my life. -J.
You must be a magician. Because everytime I look at you, people disappears. -J.
Are you from Jamaica? Because Jamaican me crazy. -J.
Napapailing na lang si Rae habang itinatago sa drawer niya ang mga cards. Bubuklatin na sana niya ang isang folder ng biglang tumunog ang cellphone niya.
From: Manyak Angeles
I need a parachute. Because I'm falling for you.
Natawa siya sa kabaduyan ng lalaki. Ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sarili niyang tumitipa ng sagot sa lalaki. 'Soo gay, Angeles.'
From: Manyak Angeles
You may fall from the sky, you my fall from a tree. But the best way to fall... is inlove with me.
'I'd rather not.'
From: Manyak Angeles
Aww. C'mon. Where have you been all my life?
'Hiding from you.'
From: Manyak Angeles
Ouch. Ang hard mo naman, Love.
'Wow. Nasaktan ka?'
From: Manyak Angeles
Not really. Alam ko naman na iyan ang way mo nang paglalambing mo.
'In your dreams'
From: Manyak Angeles
In my dreams, you are naked. And you are enjoying my body.
'Manyak!'
From: Manyak Angeles
JK. Let me make it up to you.
'I dont need your flowers. Puno na ang office ko.'
From: Manyak Angeles
Lunch then?
Naalala niya bigla ang pag-uusap nila ni Ynah nung isang araw. Siguro nga, mas fair lang na bigyan niya ng chance si Jason.
Sumagot ulit siya sa text ng lalaki. 'I want some chinese.'
From: Manyak Angeles
Be there in 10 mins. Dont miss me too much, my love. X
Ibinababa niya ang celphone at nagbuntong hininga. This is it. I hope you are worth the risk I'm taking, Jason Angeles.
BINABASA MO ANG
Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]
Umorismo“Magkakagusto ka din sa akin, tandaan mo iyan! Itinataga ko sa batong buhay!” Ubod lakas na sigaw ni Jason sa papaalis na si Rachelle. “Kahit sa hollow block, adobe, marmol o kahit pa sa bato kung saan hinugot ni King Arthur ang Excalibur mo itaga...