A three years earlier...
Paglabas pa lamang ng hukuman ay hindi na magkamayaw ang mga reporters sa pagsalubong kay Rae. Isa sa mga iyon ay nagbato agad ng tanong sa kanya. "Atty. Hernandez, ngayon pong nahatulan ng guilty si Sen. Diokno, hindi po ba kayo natatakot sa pwedeng mangyari?"
Abala ang dalaga sa pakikipag-usap sa kanyang kliyente at pagsiksik sa dami ng tao upang makaraan nang marinig niya ang tanong na iyon. Napahinto siya, nagtaas ng kilay at saka tumawa. "Why should I? At tsaka ano pa bang pwedeng mangyari kundi makulong siya? The court decided. Rape ang ginawa niya sa kliyente ko. That's all. Please excuse us," Muli itong tumalikod at tulong ng mga security guards, dire- diretso itong sumakay sa van kasama ng kanyang kliyente at pamilya nito.
Pag-usad ng sasakyan, isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Nilingon niya ang dalagitang katabi at saka ngumiti. "Congratulations, Mikee,"
Hindi na napigilan pa ng katorse- anyos na bata na pakawalan ang mga luhang kanina pa nito hinaharang. Napahagulgol ang bata at saka yumakap sa kanya. "Salamat po, Atty. Hernandez. Maraming salamat po!"
Umiiyak na rin ang mga magulang at dalawang kapatid ng biktima. "Kung hindi po dahil sa inyo, wala po kaming magagawa. Wala po kaming pera pero kayo pa po ang nag-alok ng tulong sa amin. Hindi po namin alam kung paano po kami tatanaw ng utang na loob sa inyo," humihikbing wika ng ama ng dalagita.
"Tatay, kami po ang may malaking utang na loob sa inyo. Matagal po kayong nanilbihan sa palayan ng lolo ko. Na nung kahit nalugi ang lolo, hindi n'yo po iniwan. Maliit na bagay lang po ang ginawa ko. Kung ang bayad naman po ang iniintindi ninyo, huwag na po. Iyong perang makukuha ninyong danyos galing kay Diokno, gamitin po ninyo para makapagsimulang muli,"
"Hindi po kami papayag, Atty. Ibibigay po naming ang ganang para sa inyo."
"Huwag na po,"
"Naku, hindi po iyon maaari-"
"Kung talagang kayo po'y mapilit, bakit hindi nalang ganito? Hindi po ba, si Marcy na panganay ninyo'y walang trabaho?"
"Oho nga e," napapakamot ang ulong tugon ng matanda.
"Nangangailangan po kasi ng driver ang Papa ko. Kung pwede ho'y siya na lamang ang kukunin namin,"
"Naku Ma'am-"
"Tatay Imo, huwag napo kayong tumanggi. At talaga pong hindi na pwedeng magmaneho ang Papa,"
"Kung ganoo'y sasabihin ko sa kanya. Salamat po,"
"Guilty. Iyan ang hatol ng korte sa nasasakdal na si Sen. Diokno sa kasong rape na isinampa ng kampo ng biktimang si Mikee Alamin. Maaalala natin na ang biktima ay isang sampaguita vendor na kinidnap umamo ni Sen. Diokno at paulit- ulit na hinalay. Swerte na lamang na makakita ito ng pagkakataon at makatakas...
..Walang dudang isa talaga sa pinakamahusay na abogado sa bansa si Atty. Rachelle Hernandez. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ng Pilipino na lahat ng kasong hinahawakan nito, kahit pa sabihin nating matataas na tao ang kalaban, basta may sala ay naipapakulong nito. Hanga kami sa tapang at dignidad niya. Saludo kami sa iyo, Atty. Rachelle Hernandez!"
----------
Walang anu- anong bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa ang galit na galit na babae. Maganda at matangkad ito. Halatang hindi basta- basta. Nakasuot ito ng maiksing shorts, high heeled stilettos, at maiksi ring blouse. Blonde. "JASON! ARE YOU-" Nanlaki ang mga mata nito sa nasaksihang mainit na eksena sa harapan nito: Ang supposedly boyfriend na susundo rito sa airport ay enjoy na enjoy na nakikipaglambutsingan sa secretary nito! "WHAT THE-?! WHAT. IS. THE. MEANING. OF. THIS?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]
Humor“Magkakagusto ka din sa akin, tandaan mo iyan! Itinataga ko sa batong buhay!” Ubod lakas na sigaw ni Jason sa papaalis na si Rachelle. “Kahit sa hollow block, adobe, marmol o kahit pa sa bato kung saan hinugot ni King Arthur ang Excalibur mo itaga...