Chapter Four

143 2 0
                                    

A/N: Hannah Simone as Rachelle Hernandez 😁😁

Present Time

"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Rae ng madatnan niya ang taong ayaw niyang makita. Nakaupo ang kanyang bwisita sa couch sa loob ng opisina niya, at nagkakape.

Napanguso naman ito. "Hindi mo ba ako na-miss?" May hinanakit sa boses nito. "Ako kasi na-miss kita ng sobra,"

"Namiss?? Hah! Tigil- tigilan mo nga ako sa kalokohan mo ha! Tsaka diba dapat nasa Singapore ka ngayon? O e bakit sa Pilipinas ka na naman dinala ng masamang hangin?" Dire- diretsong tinahak ni Rae ang kanyang table at inilapag ang mga dala- dalang folder ng mga kasong hawak niya.

Kunot noong tiningnan niya si Jason ng marinig niya tumatawa ang lalaki. "What's funny?"

"Ikaw," hawak pa nito ang sikmura.

"Excuse me?" Nakapameywang na tanong niya.

"Bakit alam mo ang mga schedules ko?" Nakangisi pa ring turan ni Jason.

Namula ang pisngi ni Rae. "Uhm.." Hinding- hindi niya aaminin na tinanong niya ng palihim kung nasaan ang bruhong lalaki. Masisisi ba siya nito? Na- curious lang naman siya dahil halos isang buwan na simula noong huli niya itong nakita. At wala ng araw- araw na kumukulit sa kanya noong mga panahong iyon. 'Sinong niloko mo? Iyong totoo namiss mo naman talaga siya.' bulong ng utak niya.

"Siguro ini- stalk mo ko 'no? Uyy.. Sabi ko na nga ba, crush mo na ako!" Ang laki ng ngiti ng lalaki.

Lalong namula ang mukha niya. "H- Hoy! Ang kapal din naman ng mukha mo! Assume- mero ka! Natural malalaman ko dahil halos araw- araw akong ina- update ng kapatid mo kung asang lupalop ka sa hindi ko malamang dahilan!"

"Excuses, excuses," naiiling na turan na lalaki. "Mahirap bang aminin na crush mo din ako?"

"Mahirap kasi hindi kita type! Anong gusto mo? Magsinungaling ako na may may gusto ako sayo? Hah!"

"Talagaa?? E bakit ka namumula?" Patuloy na panunudyo nito.

"Mestiza ako. Kapag naaarawan namumula!"

"Oo nga no? Ang taas ng sikat ng araw sa loob ng office mo,"

Hindi nakasagot si Rae. Lalo siyang napasimangot ng wala siya masabi. "Hmp! Ewan ko sa'yo. Tsaka pwede ba? Umalis ka na, marami pa akong gagawin," naupo siya sa kanyang swivel chair, binuklat ang isa sa mga folder at kunwang nagbabasa.

"Maglunch tayo. My treat," walang kaabog- abog na turan ni Jason.

"Ano?" Kunot noong tanong ng abogada.

"Let's eat lunch. Libre ko," ulit uli ni Jason.

"I heard you. What I meant was, bakit niyayaya mo ko? Hindi ba ang sabi ko sayo umalis ka na? Tsaka anong akala sa akin? Pulubi na kailangang ilibre?"

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pinagbibigyan," kibit balikat na sabi ni Jason.

"Are you stupid or what? Ayokong sumama sa iyo. Marami akong trabaho. Hindi rin ako gutom,"

"Okay," tumayo ang lalaki at lumabas ng pinto.

Napabuntong hininga siya ng mawala sa paningin niya ang lalaki. Hindi talaga niya maisip kung bakit trip na trip siya ni Jason. Alam niyang sini- set up silang dalawa ni Ynah pero ang hindi niya maintindihan ay ang pagpayag ng lalaki sa gusto ng kapatid. Marami na siyang narinig na balita na man- whore si Jason. Kabi- kabila ang babae nito. Parang underwear lang kung magpalit ng karelasyon. Pero bakit pati siya na hindi interesado ay ginugulo pa nito? Ayaw niya ng komplikasyon. Career ang importante sa kanya. At ang pakikipaglaro, walang wala sa mga plano niya. Sumasakit ang ulo niya tuwing iniisip niya ang kapatid ng kaibigan niya. Napabuga siya ng hangin bago pinindot ang intercom.

Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon