Chapter Three

154 2 0
                                    

"Tapos 'yun na nga, nagalit si Rae at pinagbantaan si Macky na hindi na niya ilalabas sa kulungan kapag nag- party pa kami ng hindi ka kasama," nakangusong kwento ni Celine kay Ynah. Natawa naman ang babae. "Paano na? Gusto ko talagang pumunta doon sa bagong bukas na bar malapit sa office!"

"E kasi Princess, delikado nga ang ginawa n'yo," mahinahong sagot ng modelo.

Rae cocked an eyebrow and smirked at Celine. Kadarating lang kaibigan nilang si Ynah mula sa States kasama ang kapatid nito last week at nagyaya itong lumabas silang magkakaibigan.

"I agree," Annie said and took a sip from her Frappuccino.

"Annie!" pinanlakihan ni Celine ang kaibigan.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo," nagkibit balikat ang chemist.

"Macky," binalingan ni Ynah ang chef.

Itinaas ng babae ang dalawang kamay at ngumisi. "Guilty as charged,"

Napanguso si Celine. "Pinagtutulungan n'yo kami. We're just having fun!"

"Ayan ka na naman, Celine," may banta sa tono ng abogada.

Umismid ang babae. At saka humalukipkip.

Napabuntong hininga si Rae. Umentra na naman ang pagka- spoiled ng babaeng ito.

"Do you really wanna go, Princess?" Ynah turned to Celine.

Dahan- dahan namang tumango ang babae.

"Then we will go," walang kaabog- abog na sabi nito.

The Princess' face suddenly lit up. "Really?!"

Ynah smiled at her then nodded. "Wow! Thank you! Thank you! Sabi ko e, super love mo talaga ako!" niyakap pa ito ang kaibigan.

"Ynah?!" halos malaglag ang panga nina Rae at Annie.

The model just shrugged then wink at them. "It's on me,"

Napailing nalang si Rae. Masyado talagang malambot ang puso ni Ynah pagdating kay Celine.

Macky grinned widely. "Yes!"

"Hoy, Maricris, no 'games' ha?"

Nagusot ang ilong ng babae. "Aw. Stingy!"

"But, Gals. We have company,"

"Huh? Sino?" kunot- noong tanong ni Rae.

"Kapatid ko. I believe you guys haven't met him,"

"Really? So dumating na talaga ang kapatid mong iyon?" Tumatangong sabi Macky. "Ang tagal na din pala nung last time na nakita ko siya,"

"Yeah, ikaw lang pala ang nakakilala sa kanya! Isasama ko siya at puro trabaho nalang ginagawa niya simula ng dumating dito. Ewan ko ba. Ayaw na ayaw niya na hindi niya nakikita ang mga bagay- bagay sa Century,"

"Pero, is it okay with him? It's supposedly our girl's night out kaya baka ma-OP siya," si Annie ang nagsalita.

"Oo naman! Walang problema iyon sa kanya. Trust me," makahulugang sabi nito at kinindatan si Rae. Napataas naman ang kilay niya.

"Okay lang ba sa'yo yun, Rae?"

"Why not? Hindi naman siguro siya three-year old na kailangang bantayan," kunot noong saad ng abogada.

"Of course not, Mamma Mia! Para siyang isang Calvin Klein model na lumabas straight from the magazine!" Eksaheradang bulalas ni Ynah.

Nasamid sina Celine at Annie sa mga iniinom nitong frappe. Napahagalpak naman ng tawa si Macky samantalang napangiwi si Rae.

Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon