A/N: Ricardo Baldin as Jason Angeles.💋
"Is it true?" Inis na tanong ni Jason. Pagkaalis na pagkaalis niya sa opisina ni Rae ay dali- dali siyang nagtungo sa work place ni Ynah. Nadatnan niya ang kapatid na inaayos ang wedding gown na ito mismo ang nagdesign at kasalukuyang ginagawa para sa anak ng isang sikat na businessman sa California. Itinuturing na 'Jack of All Trades' ng fashion industry ang kapatid niya. Bukod kasi sa pagiging Head of Operations ng Serenity, ang clothing line ng Torres Group of Companies, fashion and beauty guru, international model at fashion designer din ito.
"I'm busy Jase. Can we just discuss it later?" hindi lumingon ang kapatid niya habang ininakabit ang isang detail ng gown gamit ang ilang pins katulong ang mga assistants nito.
"What's wrong with you ladies? Lagi nalang 'I'm-busy-leave-me-alone' ang lines ninyo!" he snapped.
Napabuntong hininga ang babae. "Georgie, Sab. You can take your break muna. After, sa production muna kayo pumunta and see how's it going in there. Tell Allyson to bring us coffee pati na din yung pie na galing sa Macky's please," sabi nito sa dalawang asisstants nito.
"Yes, Miss," ani ng dalawa at dali- daling lumabas.
Hinarap siya ng babae. Nakasuot ito ng dilaw na maxi dress, flipflops, nakasalamin, at medyo magulo na ang pagkakapusod ng bleached blonde na buhok nito. Kahit walang make up ay angel pa rin ang tingin niya sa kapatid. "Anong problema mo?" kunot noong tanong nito sa kanya.
Napabuga siya ng hangin bago ibinagsak ang katawan sa sofa at pumikit. "Why didn't you tell me na Rae's taken?"
"Oh, so you met him," umupo si Ynah sa katapat na couch. Pumasok naman ang secretary nito at inilapag ang dalawang tasa ng kape, pati na rin ang Pecan pie na siguradong gawa ni Macky. "Hold all my calls for today, Ally. Jason's my top priority for now," narinig niyang instructions ng kapatid sa secretary nito.
"Yes, Ma'am," tumango ang babae at lumabas na.
"Yeah. I met the freak," nakangusong saad niya. "And you didnt even bother to tell me,"
"And if I told you, aayawan mo na si Rae? Will you stop pursuing her?"
Napadilat siya at humarap sa kapatid. "Of course not!"
"Yun naman pala. There will be no difference Jase. You like Rae. I can tell Bro, that you are perfect for each other,"
"Nagulat lang akon na she will settle for that..." nag- isip siya ng salitang pwedeng idescribe sa lalaki. Pero wala siyang maisip kundi masasama. "..that thing!" bulalas niya.
Natawa ang kapatid niya. "I know. Mas gwapo, mayaman at macho ka doon. Isa kang Angeles kaya daig mo si Jethro,"
"Then bakit sinagot ni Rae 'yun?"
Sumeryoso ang mulha ni Yna at tinitigan siya. "Arranged marriage,"
Natulala siya. "What the h***?! Ano ito, ancient times?"
"Walang magawa si Rae. Bago mamatay ang nanay niya, she made her promise to marry one of the sons of her bff. Parang telenovela,"
"Mahal na ba niya yung lalaki?"
"Nope,"
"Then why the relationship?" Hindi niya ma- gets. Patay na ang nanay nito. Hindi na nito malalaman kung nagpakasal ba siya sa mga iyon o hindi.
"Rae insisted. Jethro loves her, and she tries to love him too, for her mother's sake. Masyado siyang nakulong sa idea at guilt na kapag hindi niya pinakasalan si Jeth, parang binalewala na niya ang nanay. Rae loves Tita Rina too much that she's willing to sacrifice her happiness just to make her last wish come true," malungkot na saad ni Ynah.
BINABASA MO ANG
Taming Ms. Pyro [On-Hiatus]
Humor“Magkakagusto ka din sa akin, tandaan mo iyan! Itinataga ko sa batong buhay!” Ubod lakas na sigaw ni Jason sa papaalis na si Rachelle. “Kahit sa hollow block, adobe, marmol o kahit pa sa bato kung saan hinugot ni King Arthur ang Excalibur mo itaga...