Nagising ako sa tunog ng cellphone ko at sa kalabog ng pinto sa labas ng condo ko.
Masama ang loob kong lumabas ng kwarto at nag tungo sa pinto ng condo ko. Padabog ko iyon binuksan. Bumungad sakin si papa na masama ang tingin saakin. Si mama naman ay nasa tabi nito at hawak-hawak si papa sa braso.
"Ano bang--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong sampalin ni papa.
"Nakakahiya ka! Kahit papasukin manlang si james dyan sa loob hindi mo magawa!" Sabi sakin ni papa habang duro-duro ako sa muka.
Si mama naman ay umiiyak habang pilitvinaawat si papa.
"Wag mong saktan ang anak mo alfonso parang awa mo na!"
"Xia, kapag inulit mo pa yan kay james. May kalalagyan ka!" Nag lakad si papa palayo.
Si mama naman ay lumapit saakin at hinawakan ang muka ko.
"Masakit ba? Pag pasensyahan mo na ang papa mo." Tinanggal ko ang kamay ni mama sa muka ko.
"Umuwi na ho kayo." Malumanay kong sabi. Hindi ko tinitignan sa mata si mama dahil alam kong maluluha ako kapag ginawa ko yun.
Hindi ko na hinintay makaalis si mama. Isinara ko na ang pinto at pumasok muli sa kwarto ko.
Balak ko sana ulit dumalaw kay clai pero bigla akong nawalan ng gana dahil sa nangyari.
Hindi ko na alam gagawin ko. Araw-araw nalang may problema. Araw-araw nalang nasasaktan ako.
Gusto kong sumaya kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang, please.
Nasa kalagitnaan ako ng pag mumukmok nang biglang tumunog ang cellphone ko. Wala sana akong balak tignan yun dahil baka si James o si papa lang yun. Pero nang sunod-sunod na ang text, nag taka na ako. Sa inis ko, dinampot ko yung cellphone ko at tinignan kung sino yung text nang text.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ni clay sa screen. Pinapapunta nya ako sa hospital dahil nagising na daw si clai at hinahanap daw ako.
Agad akong lumabas sa condo ko. Hindi ko na inintindi ang itsura ko. Wala na din akong pakialam kahit pag tinginan ako ng mga tao.
Agad akong nakarating sa hospital. Nag papasalamat ako sa dyos dahil hindi traffic ngayon.
Malayo palang ako, kita ko na ang mga tao sa labas ng kwarto ni clai. Lakad takbo ang gianawa ko para makarating agad doon, ang laki pa ng ngiti ko dahil sa wakas nagising na din si clai. Pero nabura ang mga ngiti ko nang makita kong lubas ng kwarto ang magulang nila clay. Bigla akong binalot ng hiya. Napahinto ako sa pag lalakad at nag tago.
Hindi ko alam. Hiyang-hiya ako kahit na alam kong hindi sila galit sakin. Nahihiya akong mag pakita sakanila, pakiramdam ko ang kapal ng muka ko. Pag katapos kong lokohin anak nila mag papakita pa ako sakanila.
Hindi na ako parte ng pamilya nila. Pakiramdam ko kahit kailan hindi na ulit mang yayari yun.
Bukod sa may girlfriend si clay, alam kong wala na syang nararamdman sakin. Sinasabi ko lang sa sarili ko na meron pa kahit wala naman na talaga. Niloloko ko ang sarili ko dahil gusto kong sumaya kahit sa imahinasyon ko lang.
Hinintay kong mawala ang mga tao sa kwarto ni clai. Hinintay ko ding umalis ang mga magukang nila. sure akong aalis ang mga yun dahil sa mga negosyo nila.
Halos tatlong oras ang nag tatago at nag hihintay. Nang sa wakas ay wala ng tao. Dahan-dahan akong nag lakad papunta sa pinto ng kwarto ni clai. Bago pa ako maka lapit sa pinto narinig ko na ang boses ni clai.
"Bakit ang tagal ni ate xia? Akala ko ba tinawagan mo na, kuya?"
"Tinawagan ko na nga, Hindi sumasagot pero nag text naman ako. Baka busy lang ngayo yun." Sagot ni clay ka clai.
BINABASA MO ANG
Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)
RomanceHalos perpekto na ang anim na taong relasyon ni clay at xia, kung hindi lang nag sawa at nabaling sa iba ang atensyon ni xia, sa iba. Huli na na-realize ni xia na mahal na mahal nya si clay nang panahong paalis na ito. Isang araw nagising nalang si...