Chapter 16

27 1 2
                                    

"Si kuya.."

"Anong nangyari sa kuya mo? Sinong kuya?" Tarantang tanong ko.

"Hindi pa umuuwi si kuya clay!" Umiiyak na sabi nya. "Baka hindi na naman umuwi yun."

"Wag ka nang umiyak, akong bahala. Hahanapin ko kuya mo." Malumanay na sabi ko. "Tumahan ka na."

"Ate..."

"Akong bahala ha? Wag ka nang umiyak dyan."

"Opo." Umiiyak parin na sagot nya.

"May number ka ba ng kuya clay mo?"

Agad na ibinigay ni clai ang number ng kuya nya.

Nag dadalawang isip pa ako kung tatawagan ko si clay. Baka kasi hindi nya sagutin dahil hindi naka register ang number ko sakanya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko pindutin ang dial. Nakadalawang tawag na ako kay clay pero hindi nya ito sinasagot. Nag text na din ako at sinabi kung sino ako. Sa huling pag kakataon, tinawagan ko ulit sya pero hindi parin nya sinagot.

Nag-aalala na ako. Nag-aalala na ako kay clay, nag aalala na ako kay clai. Sigurado akong umiiyak parin hanggang ngayon si clai.

Dalawang taon nyang 'di nakita ang kuya nya dahil sakin, tapos mangyayari nanaman ata.

Sana hindi naman. Ayoko namg makitang malungkot si clai at ayoko din mawalang muli si clay.

Tinatawagan ko parin si clay habang nasa byahe ako, naka sampong tawag na ata ako pero hindi nya parin sinasagot. Napag disisyunan kong mag libot gamit ang kotse ko. Baka kasi makita ko sya kung saan.

Ilang oras na akong nag iikot pero wala ni-anino ni clay. Nag ri-ring naman ang cellphone nya pero hindi nya sinasagot.

Mag aalas-otso na pero nasa daan parin ako. Palowbat na ang battery ng cellphone ko kaya napag-isip kong umuwi muna.

Habang nasa byahe pauwi, biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pag aakalang si clay ang tumawag, itinabi ko ang sadakyan ko at kinuha ang cellphone ko.

Hindi ko na naisip tignan kung simo ang tumawag dahil sa pag mamadali.

"Hello, clay? Nasaan ka na? Nag aalala na si clai sayo, nag aalala na ako sayo." Tulo-tuloy kong sabi.

"Ate xia, ako to si xean." Natatarantang sabi nya. Agad kong tinignan ang screen ng cellphone ko at nakitang numero nya nga iyon.

"Napatawag ka? Bakit ganyang ang boses mo?"

"Ate xia si clai naaksidente." Nag oanting ang tenga ko sa sinabi nya. Parang nag slow motion ang paligid ko. "Tinakas daw yung kotse ni kiya cedric para hanapin si kuya clay tapos big....." Wala na akong narinig sa iba pang sinabi ng kapatid ko.

Namalayan ko nalang ang sarili kong nasa hospital at naka-upo sa tabi ng Emergency Room. Nakatitig lang ako sa kung saan habang pumapatak ang mga luha ko.

May mga nurse na pinapatayo ako at pinapaupo sa upuan pero hindi ko pinapansin.

Sobrang sakit sa tenga ng mga iyak at sikbi. Nag eecho ang mga yabag ng paa. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

Gusto kong mag wala pero wala akong lakas. Nanlalabot ang buo kong katawan. Ang sakit-sakit at ang bigat-bigat ng dib-dib ko.

"Xia?"

Gusto kong humagulgol pero hindi ako makasigaw.

"Xia!" Nagising ang diwa ko nang may biglang umalog sa mag kabilang balikat ko.

Ilang sigundo ko pang tinigna ang nasa harap ko bago ko marealize kung sino yun.

"Clay si... Clai. Clay!" Umiiyak kong sabi. "Si clai, tulungan mo si clai." Hinawakan sya sa kamay. "Parang awa mo na clay, tulungan mo si clai!" Hinampas-hampas ko ang balikat nya.

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon