Dalawang araw na ang nakakalipas nung huli kong makita si clay. Dalawang araw na rin akong lasing. Pagkahatid ko palang kay clai, namili na agad ako ng alak bago ako umuwi.
Minu-minuto ata tinatanong ko si clai kung kamusta si clay. Kulang nalang pati pag galaw ni clay itanong ko sakanya.
Gusto kong bumalik si clay sakin, pero di ko alam kung saan mag sisimula. Natatakot ako kumilos agad-agad baka mapasama pa.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon dahil mag emergency meeting sa opisina. Kahit na masakit ang ulo ko pinilit ko pading kumilos.
Agad din naman natapos ang meeting. Buong araw kong binasa ang mga importanteng papeles sa opisina ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa pagod.
Nililigpit ko na ang gamit ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag bago ko ito sagutin.
"Napatawag ka, clai?"
"Ate! Mag babakasyon kami! Kailangan sumama ka! Kapag hindi ka sumama, mag tatampo ako sige ka!" Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nya.
"Titignan ko kung pwedi ako."
"Kasama si kuya clay." Mahinang sabi nya. Parang ayaw nyang iparinig sa iba.
"T-titignan ko kung p-pwedi. Kailan ba?"
"Hmmmm. Next week. Dapat kasama ka ate!" Lalong sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi ni clai.
Ilang minuto pa kami nag usap bago mag paalam sa isa't-isa.
Next week? Kailangan kong makasama. Doon na ako mag sisimula.
---
"Ate xia,nasaan ka na?" Agad na sabi ni clai nang sagutin ko ang tawag nya."May gagawin pa ako sa opisina, clai. Mauna na siguro kayo." Sagot ko sakanya.
Ngayon kasi yung alis papuntang beach na sinasabi nya nung nakaraang linggo.
"Ganun ba? Sige itext ko nalang sayo yung address ng resort ha?"
"Sige clai, salamat. Ingat kayo." Pagkababa ko ng cellphone ko ay agad kong sinimula ang mga dapat gawin. Gusto ko na agad makasunod sakanila.
Umuwi ako sa condo para kunin ang mga gamit ko. Kahit pagod ako, pinilit ko parin mag byahe.
8pm na ako natapos sa trabaho. 3 hours ang byahe papunta sa resort na sinasabi ni clai. Tumawag na ako kay clai at sinabing baka sobrang late na ako makarating, na tatawagan ko nalang sya kapag nandoon na ako.
Pumipikit ang mga mata ko sa byahe dahil sa sobrang pagod ko. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil baka maaksidente ako.
Nang nasa parking lot na ako ng resort ay tumawag na agad ako kay clai.
Kasalukuyan kong binababa ang mga gamit ko nang marinig ko ang boses ni clay.
"Tulungan na kita." Agad nyang kinuha ang malaking bag na hawak ko.
"A-akala ko si clai ang pupunta dito?"
"Lumalamon pa kaya ako na daw ang pumunta." Sagot ni clay. "Tara na?" Aya nya sakin. Agad kong kinuha ang ibang gamit ko at sumunod sakanya.
Nakatingin lang ako sa likod ni clay habang nag lalakad kami papunta sa inupahan nilang maliit na bahay. Gusto ko syang kausapin pero parang may pumipigil sakin.
Tulad ng sinabi ni clay, naabutan kong lumalamon si clai.
"Baba mo nalang dyan yung bag, clay. Ako nang bahala." Agad ibinaba ni clay ang bag at agad na umalis. Agad akong lumapit kay clai. "Clai! Akala ko ikaw ang susundo sakin doon?" Inosente nya akong tinignan.
"Nagustuhan mo naman yung sumundo sayo diba?" Tanong nya
"Well..." Wala akong maisagot.
"Well-well ka dyan. Dun ang kwarto natin." Itinuro nya ang isang pinto. Inilapit nya ang bibig nya sakin at bumulong. "Yung kwarto naman na yun kay kuya clay." Masama ko syang tinignan pero tinawanan nya lang ako't nag patuloy sa pagkain nya.
Agad kong pinasok ang mga gamit ko sa kwarto namin ni clai. Inayos ko ang mga iyon. Isinabay ko na din ang mga gamit ni clai na nag kalat sa kama nya.
Nag paalam ako kay clai na mag lalakad muna saglit sa dalampasigan.
Nakatayo ako sa buhanginan at nakatitig sa dagat ng may biglang mag salita.
"Ang kapal naman ng muka mo." Nanigas ako sa kinatatayuan. "Pagkatapos nung ginawa mo kay kuya clay, may lakas kapa ng loob magpakita sakanya?" Nakaupo si cedric sa buhanginan.
"I-i'm sorry Cedric." Matagal pa bago ko masabi yun dahil nabigla ako sakanya.
"Pweding layuan mo na si kuya?" Di ako makapag-salita dahil sa kaba. "Di ko alam dyan kay clai kung bakit nakikipag kaibigan parin sayo." Tumayo ito at nag simulang maglakad. Pero bago ito makalayo sakin ay nag salita pa muli sya. "Hayaan mo namang maging masaya si kuya." Tinignan ko lang syang makalayo saakin hanggang sa di ko na sya matanaw.
Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Close kami ni cedric nung kami pa ni clay. Pero nung naghiwalay kami ni clay, at nalaman nya ang dahilan. Sya ang pinaka galit saakin.
Ilang minuto pa akong nanatili doon bago ako pumasok. Agad akong nagtungo sa kwarto mamin ni clai para ayusin muli ang mga gamit ko. Ibinalik kong muli ang mga yun sa bag na dala ko. Nagulat si clai nang maabutan nya akong nag aayos ng gamit ko.
"Ate bakit mo nilalagay ulit mga gamit mo sa bag mo?" Tanong ni clai.
"Uuwi na agad ako bukas."
"Ha!? Bakit?!"
"N-nagagalit si kuya cedric mo sakin e." Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa mata ko. "Galit parin sya sakin." Lumapit sakin si clai at pinigilan akong ilagay ang gamit ko sa bag ko. "Tama naman si cedric,
e. Ang kapal ng muka kong mag pakita kay clay, pagkatapos nung ginawa ko." Pinahid kong muli ang mga luha ko. "Dapat kayong tatlo lang ang nandito pero heto ako, nakikisik-sik sainyo.""Wag ka nang umiyak, ate. Lahat naman tayo nag kakamali, e." Inangat nya ang muka ko't pinunasan ang mga luha ko. "Sa totoo lang ate, nagalit din ako sayo noon. Pero nung nakita kitang mag makaawa, nung nakita kitang umiyak. Alam kong nag sisisi ka na nun. Alam kong alam mo na yung maling nagawa mo." Nag sisimula na din syang umiyak. "Alam kong mahal mo talaga si kuya." Lalong pumatak ang mga luha ko dahil sa mga sinabi nya. "Nag-sisisi ka naman na hindi ba?" Tanong nya sakin. Tumango naman ako. "Mapapatawad ka din ni kuya cedric." Napangiti ako sa huli nyang sinabi.
"Bakit umiiyak ka din?" Tanong ko sakanya.
"Kasi umiiyak ka din e!" Lalong lumakas ang iyak nya kaya natawa ako.
"Ang pangit mo umiyak." Biro ko. Hinampas nya ako sa braso.
Thankful ako kasi nandito si clai. Nasa tabi ko sya nung panahong kinakain ako ng dilim. Isa sya sa mga taong hindi sumuko sakin. Ang swerte ko kasi may isang taong nag tiwala sakin nung panahong sinungaling ang tingin sakin ng lahat. Ang swerte ko kasi kaibigan ko si clai.
BINABASA MO ANG
Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)
RomanceHalos perpekto na ang anim na taong relasyon ni clay at xia, kung hindi lang nag sawa at nabaling sa iba ang atensyon ni xia, sa iba. Huli na na-realize ni xia na mahal na mahal nya si clay nang panahong paalis na ito. Isang araw nagising nalang si...