Chapter 3

38 2 0
                                    

"Ate, kasal ni erica sa lunes, baka gusto mong sumama?" Nakangusong tanong ni clai sakin. "Wala akong kasama e, si kuya cedric may work, si mama may work, si daddy may work, mga muka silang work huhu." Nag kunwari pa syang umiiyak kaya natawa ako.

"Oo na, sasama na ako." Ginulo ko ang buhok nya. "Bakit ang tatanda nang kaibigan mo tapos isip-bata ka?" Nginusuan nya lang ako at inirapan.

"Basta ate gandahan mo ang suot mo ah?" Kiniss nya ako sa pisngi at bumaba na sa sasakyan ko. Ako kasi ang nag hatid sakanya ngayon sa school, wala akong gagawin ngayong araw kaya naisipan ko syang ihatid. "Marami akong dress sa bahay, baka gusto mong dun nalang mamili?" Nginitian ko lang sya.

"Sige." Kinawayan ko sya at binuhay na ang makina ng sasakyan ko.

MAG-ISA lang ako sa condo ko kaya sobrang boring. Nakapaglinis, laba, nakapagpalit na din ako ng bedsheets at punda, nakapag vacuum na rin ako ng carpet sa sobrang boring ko.

Grabe ako nalang mag-isa dito sa condo pero ang dumi-dumi parin.

"Mag pahinga ka na, hon."

Napapikit ako nang marinig ko nanaman ang boses ni clay. Baliw na ata ako.

Siguro sa sobrang pagkamiss ko sakanya, naririnig ko ang boses nya kahit wala sya.

Nalinis ko na ang buong condo pero parang naaamoy ko parin sya. Nararamdaman ko parin yung presensya nya kahit dalawang taon na syang wala, dalawang taon na simula nung iwan nya akong mag-isa dito.

KATATAPOS ko lang maligo ng mag text saakin si clai, sunduin ko daw sya at ihatid sakanila para makapili na rin daw ako ng dress na isusuot ko.

Sinundo ko nga si clai sa school nya at simula nung sumakay sya sa kotse hanggang sa makarating kami sa bahay nila, daldal sya ng dalda. Sanay na ako sakanya kaya di na ako nagrereklamo ay nag eenjoy din naman ako.

Papasok na kami sa gate nila nang bigla syang mag salita.

"Ate, may nag bigay ng sulat sakin."

"Anong nakasulat?"

" 'Crush kita xoxo.' Yun lang. Ano yung xoxo, ate?" Natawa naman ako sa tanong nya.

"Hug ang kiss ata?"

"Eww! Hug ang kiss?!"

"Uyy dalaga na sya may nag kakagusto na sakanya." Pang-aasar ko sakanya.

"Shut up, ate!" Nanguna sya sa paglalakad papasok sakanila, napailing nalang ako habang tumatawa dahil sa inasta nya.

Si clai lang ang nandito sa bahay nila pati yung mga katulong. Pina-akyat agad ako ni clai sa kwarto nya para daw makapili agad ako ng dress.

Simpleng red dress lang ang pinili ko para di takaw atensyon sa kasal. Ayokong tinitignan ako nang maraming tao, naiilang ako.

Pag labas ko ng kwarto ni clai napalingon ako sa kanan, nakita ko ang pinto ng kwarto ni clay. Bumuntong-hininga muna ako bago maglakad papalapit sa pinto.

Napangiti ako nang makita ang doormat nya na may design na smiling face.

Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at dahan-dahang pinihit yun. Napapikit ako nang maamoy ko ang pamilyar na pabango.

Pumatak na agad ang luha ko nang mag simula akong humakbang papasok. Halos mapahagulgol ako nang makitang ganun parin ang kwarto nya, wala halos pinagbago. Nandoon parin yung mga librong maayos na nakasinsin sa bookshelf, nandoon parin yun mga koleksyon nya ng Iron Man. Nandoon parin sa study table nya yung picture naming dalawa.

Bigla akong napaluhod dahil nanlambot ako sa mga nakikita ko.

Dalawang taon na pero ganto parin ako, parang kahapon lang nung nawala sya sa tabi ko. Parang kahapon lang nung iwan nya ako.

"Ate.." Nag-aalalang tawag sakin ni clai pero di ko sya nilingon.

Inilibot ko pang muli ang paningin ko sa buong kwarto nya habang tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko. Dahan-dahan akong tumayo at hubakbang papalapit sa study table ni clay. Kinuha ko ang picture na magkasama kaming dalawa at niyakap yun.

"Nasaan ba kasi si clay? Kaylan nya ba balak bumalik?" Humahagulgol na tanong ko. "Di lang ako yung nasasaktan sa biglang pag alis nya, lahat tayong malapit sakanya nasasaktan." Pakiramdam ko ay matutumba ako kaya kumapit ako sa study table, inalalayan din ako ni clai sa likod. "Kasalanan ko kung bakit sya umalis, magpapaliwanag naman ako, sinabi ko na yun sakanya pero umalis parin sya."

"May rason naman siguro si kuya clay kaya umalis sya. Hintayin nalang natin syang bumalik." Alam kong umiiyak na di si clai ngayon. Kung nasasaktan ako, alam kong mas nasasaktan sya.

Tinignan kong muli ang picture namin ni clay, ito yung panahong nasa restaurant kaming dalawa at nag tatalo kung sinong mag babayad ng ginastos namin.

~flashback~
Tapos na kaming kumain ni clay, 4th anniversary namin ngayon. Ang sarap nung mga inorder nya, nakakagana kumain lalo na't sya ang kasama ko.

Inabot ng waitress ang bill nang nakain namin. Dudukot na sana ng wallet si clay nang pigilan ko sya.

"Hon, 50/50 tayo ng babayaran." Ngumiti ako.

"Ako na, hon. Ako ang lalaki kaya ako dapat ang gumagastos." Sagot nya sakin.

"Pero di lang ikaw ang nasa relasyon na to."

"Hon..."

"Clay, 50/50 tayo okay?"

Ngumuso sya kaya natawa ako. "Fine. Hindi talaga ako mananalo sayo."

"Because im the boss."

"And im the slave."

"Slave talaga? Di ba pweding jowa ni boss?" Nginisihan nya lang ako, kinikilig. "Namumula ka clay hahaha!" Pinanlakihan nya ako ng mata at inirapan.

Sabay kaming natawa dahil sa ginawa nya.
~End of flashback~

Napangiti ako sa naalala ko. Kung pwedi ko lang ibalik yung oras, ginawa ko na noon pa para wala nang nasasaktan ngayon.

Kasalanan ko itong lahat. Ako lang ang dapat sisihin dito. Kung di ko ginawa yun, walang aalis, walang masasaktan, walang iiyak.

Ilang minuto pa kaming nanatili ni clai dun bago namin napag-disisyunang lumabas. Kinuha ko na din ang dress at nagpaalam na sakanya.

Nasa byahe ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napabuntong-hininga nalang ako nang mag traffic. Binuksan ko ang music para hindi masyadong maboring habang hinihintay umusad ang traffic. Napapa-headbang ako dahil sa magiliw na kanta sa radio. Lumilinga-linga habang nakikinig ng music at habang hinihintay na umusad ang mga sasakyan.

Nang sa wakas ay umusad na ang traffic. Masyadong malakas ang ulan, halos hindi na makita ang kalsada. Inililinga ko ang paningin ko dahil gitgitan ang mga sasakyan at baka may madali ako nang may mapansin ako sa sidewalk. Kilalang-kilala ko ang bulto na yun. Likod pa lang nya ang nakikita ko pero alam ko nang sya yun. Nasa kabilang daan pa sya, malayo pero sigurado akong sya yun.

Inihinto ko bigla ang sasakyan ko at lumabas sa kotse. Di ko ininda ang malakas na ulan.

"Mag papakamatay ka ba?!" Sigaw ng lalaking nag mamaneho ng kotse pero di ko sya pinansin, nakafocus lang ang paningin ko sa likod nung lalaki.

Papatawid na sana ako ng may dumaang jeep sa harap ko kaya napahinto ako. Nang lumagpas ang jeep, wala nang tao sa tinitignan ko kanina. Tumawid parin ako at pumunta sa pwesto na yun. Inilibot ko ang paningin ko pero di ko na sya makita.

Ilang minuto pa akong tumayo doon bago bumalik sa sasakyan ko.

Ilang mura ang inabot ko sa mga driver pero di ko na sila pinansin. Di ko na din ininda ang lamig.

Sigurado akong sya yun. Siguradong-sigurado ako.

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon