Chapter 9

30 4 0
                                    

Kinabukasan nag datingan ang mga kaibigan namin. Yung iba di ako pinapansin, yung iba naman ay masama ang tingin sakin.

Nakakalungkot pero ako naman yung may kasalanan kaya ganyan sila sakin.

Nababahala parin ako sa sinabi ni pyxi. Kinakabahan ako baka nga totoong pumunta rin si james dito.

"Luh?"

"Ayyy! Ano ba yan!" Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa gulat ng biglang mag salita si pyxi.

"K-kanina ka pa dyan?" Tanong ko sakanya.

"Hmmm? Mga isang minuto na siguro." Sagot nya sakin habang nakatingala at naka hawak sa baba nya. Tinignan nya ako at pinaningkitan ng mata. "Tulala ka kasi, e, kaya di mo ako napansin." Naghikab sya at tumingin sa malawak na dagat. "Sinong iniisip mo?"

Tumingin din ako sa malawag na dagat at pinag masdan iyon. "Wala naman." Malungkot na sagot ko sakanya.

"Sinungaling." Sagot nya sakin na ang muka nya ay nasa may pisngi ko at sobrang lapit nya. Napaurong naman ako dahil sa gulat.

"Pyxi naman!" Hinawakan ko ang muka nya at mahina itong itinulak.

"Sinungaling ka." Sabi nya.

"Fine!" Umayos ako ng upo at tinignan sya. "Nababahala parin kasi ako sa sinabi mo. Si-si james."

"Ganun ba? Okay." Sagot nya sakin. Tumayo ito at nag lakad palayo saakin pero bago pa man sya makalayo ay nadapa ito. Di ko napigilan ang tawa ko ng tumayo ito at humarap saakin. Puno ng buhangin ang muka nya at may luha ang mga mata nya.

"Xia! WAHHHH!" Nag simula itong umiyak kaya lalo akong natawa.

Para syang bata HAHAHAHAHA

Parang magkaibang tao yung nakita ko noon sa nakikita ko ngayon.

Lumapit ako sakanya at pinagpagan ang damit nyang puno ng buhangin.

"Para kang bata HAHAHAHA!" asar ko sakanya.

"Gusto mo na bang mamatay?" Umiiyak na tanong nya sakin.

"Ang lampa mo naman HAHAHA!"

"Wag ka ngang tumawa, sasakalin na kita dyan e."

"Bakit umiyak ka? Aysus! Kawawa naman ang baby." Asar ko sakanya. Tinignan ako nito ng masama. Pinipigilan ko naman ang sarili ko na wag matawa dahil baka lalo syang magalit.

"Sasakalin na kita dyan e!" Sigaw nya sakin.

"What?" Inosenteng tanong ko.

"Nag pipigil ka lang ng tawa e! Ang pangit mo!" Di ko na napigilan ang tawa ko. Maluha-luha pa ako at nakahawak sa tyan ko. Ngumuso si pyxi at iniwan akong mag isa.

LT pre HAHAHAH

Sinamahan ko muna si pyxi umuwi sa tinutuluyan namin bago ako bumalik sa dalampasigan.

Dinadama ko ang simoy ng hangin habang pinapanood ang pag lubog ng araw.

Mas masaya sanang gawin to kung nasa tabi ko si clay. Mas masaya sanang gawin to kung pinag-uusapan namin ni clay yung magiging future namin.

Di ko maiwasang maiyak dahil sa naisip ko. Kung di nangyari yun hanggang ngayon mahal nya pa sana ako.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong dalampasigan. Nakita ko si clay na nakaupo sa bench na inupuan namin ni pyxi kanina.

Tumayo ako para lapitan sana sya pero may biglang humawak sa balikat ko. Nanigas ako nang marinig ko ang boses nya.

"Xiara?"

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon