Chapter 18

26 1 4
                                    

Palaging tinatanong ng mga kaibigan ko sakin noon kung bakit iniiyakan ko pa daw si clay. Kung bakit pinag lalasingan ko pa daw. Iniwan naman daw ako nang walang paalam.

 Sinasabi nila na marami pa dyang iba, na pwedi naman daw na si james nalang.

Bakit nga ba nag hahabol ako kay clay? Bakit kahit nasassaktan na ako, pinipili ko parin na makita sya.

Isa lang naman ang dahilan.

Mahal ko si clay. Mahal na mahal.

Yung pag-mamahal na kahit mag muka na akong tanga sa mata ng iba. Yung tipong mag hahabol parin kahit ang sakit-sakit na.

Alam ko naman na hindi na ako mahal ni clay pero hindi ko kasi kayang makita syang hawak ng iba. Tulad nalang ngayon. Hawak na sya ng iba. Kada pumapasok sa isip ko yun, sumisikip ang dibdib ko.

Nakikita ko namang masaya si clay kay onyx pero parang may mali. May iba akong pakiramdam. hay basta.

Pinauwi ko muna si clay sakanila. Nasabi kasi ni clai na wala pang pahinga yung kuya nya. Kaya pinilit ko na si clay na umuwi kahit na ayaw nya. 

Payapa akong nanonood ng movie sa laptop ni clai nang biglang bumukas ng malakas ang pinto. Napatayo ako sa sofa na inuupuan ko dahil sa gulat. 

Sisigawan ko na sana yung pumasok pero nakilala ko bigla kung sino iyon.

"Pyxi?"

"Oh?" Inis na sagot nya sakin.

Lumapit sya sa kama ni clai at doon umupo.

"Punyeta ka, akala ko kung sino. Hindi ka ba marunong mag bukas ng pinto?"

"Ang ingay mo." Sagot nya sakin. Pinigilan ko ang sarili ko na ihampas sakanya 'tong laptop na hawak ko.

"Ikaw ang maingay. Buti hindi nagising si clai."

"Ang engot nito." Sabi ni pyxi habang Sinusundot-sundot nya ang noo ni clai.

"Tigilan mo nga yan, pyxi. baka magising yan."

"Hindi naman marunong mag drive, nag drive parin, Hay. Nag tatampo ako sayo clai" Hinalikan nya sa noo si clai. "Hindi mo ako sinama, punyeta ka. edi sana dalawa tayong ma bukol!"

Natampal ko nalang ang sarili kong noo dahil sa sinabi ni pyxi.

Ewan ko ba sayo pyxi, Hay!

"Ngayon ka lang dumalaw kay clai?" Tanong ko kay pyxi habang umuupong muli sa sofa.

"Busy."  Tangging sagot nya.

"Saan naman?"

"Paki mo?" Nahilot ko ang noo ko dahil sa sagot nya.

"Ewan ko sayo, punyeta ka!"

"Ang ingay mo." Sagot sakin ni pyxi bago sya humiga sa tabi ni clai.

Wala pang isang minuto ay nariring ko na ang hilik nya.

"Pota? Pano yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Paano nagagawa ng isang tao makatulog agad kahit kahihiga palang nya? Ako kasi minsan pag humiga ako, tatlong oras pa akong iimagine bago makatulog. Pag sobrang pagod lang ako nakakatulog agad. Minsan inaabot pa ng 30 mins. Nakakainggit!

Pinatay ko na yung laptop at lumipat ako sa mahabang sofa. Nanguha muna ako ng kumot bago ako humiga doon.

Nakatingin lang ako sa kisame at nag iisip-isip. Bumalik sa utak ko yung mga sinabi nio clay kahapon.

"Hindi na. Magkaibigan nalang kami nun."

"Clai, ikakasal na yung tao."

"Bakit ko naman gagawin yun? Mag kaibigan nalang nga kami."

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon