Kinabukasan dumaan ulit ako sa parteng yun kahit na alam kong mapapalayo ako papuntang opisina ko.
Minsan ay bumababa ako sa lugar na yun at tumambay sa isang shop malapit kung saan ko sya huling nakita, nag babakasakali akong makita ulit sya.
ARAW ng byernes, dumaan muli ako sa lugar na yun pero sa pagkakataong to, naglibot-libot at mag tanong-tanong ako sa mga taong nandoon. Nag babakasaling may nakakakilala sakanya o may nakapansin manlang. Pinag titinginan na ako ng mga tao dahil sa pormal na suot ko.
Dumaan ang araw ng sabado at linggo, dumadaan parin ako don, naglilibot, naghahanap, nag tatanong. Nakakapagod pero di ko na iniinda dahil gusto ko ulit syang makita.
Kinagabihan ng linggo ay tumawag si clai sakin, pinaalala ang kasal, sunduin ko daw sya sa bahay nila at doon nalanh ako mag ayos.
Lunes, maaga akong umalis ng bahay. Sana pala ay iniwan ko nalang ang dress na pinahiram nya sakin dahil sakanila din pala ako mag-aayos.
Natampal ko ang sarili ko at natawa ng makita ang make-up ni clai, sobrang kapal, muka na syang clown.
Maganda si clai kahit na walang make-up kaya ninipisan ko lang ang nilagay kong make-up sakanya, ganun din ang saakin.
"Ate xai, nag email ako kay kuya clay." Biglang sabi ni clai, nakasakay na kaming dalawa sa sasakyan.
Tinignan ko lang sya saglit at bumaling din agad sa daan. "Hmm..." tanging nasabi ko kahit na ang dami kong gustong itanong.
"Sabi ko samahan nya ako sa kasal kasi wala akong kasama. Nag reply sya." Bumuntong-hininga sya. "Sa wakas nag paramdam na ulit sya." Bigla kong naipreno ang sasakyan dahil sa sinabi nya.
Nanlambot ako at biglang nanlabo ang paningin dahil sa luha.
"Ate pupunta si kuya clay, di ko lang alam kung anong oras." Umiiyak na ding usal ni clai. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil humahangugol na ako.
After 2 years mag papakita ka na din. Umalis kasi si clay nang walang pasabi. Walang nakakaalam kung saan sya nag punta, kahit mga magulang nya ay walang idea.
Nasa simbahan na kami ni clai, di ako mapakali, lingon ako nang lingo, gusto ko na agad makita si clay.
Nag sisimula na ang kasal pero lingon parin ako ng lingon, pati si clai ay ganun din ang ginagawa.
Patapos na ang kasal pero walang clay, kahit anino wala.
Nasa reception na kami ni clai. May nakahaing pagkain pero di manlang namin magalaw.
Nag sasayaw na ang ikinasal sa gitna at ang ibang bisita. Naiingit ako sa bagong kasal. Kung di siguro nangyari yun masayang-masaya na ako ngayon kasama yung taong mahal ko. Kasal na di siguro ako at may anak na.
Naiimagine kong ako ang babae at si clay naman yung lalaki. Siguro kung ako ang nag sasayaw doon sa gitna at si clay ang kasama ko, para sigurong nasa langit kaming dalawa, walang nakikitang ibang tao, kaming dalawa lang ang nandoon. Nararamdaman kong tutulo na ang luha ko kaya nag paalam ako kay clai.
"Clai, restroom lang ako." Nginitian at tinaguan lang ako nito at ibinalik ang paningin sa nag sasayaw.
Pag pasok ko sa restroom, humarap agad ako sa salamin at hinilamusan ng tubig ang muka ko.
"Umayos xai, umayos ka!" Tinampal-tampal ko pa ang pisngi ko. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko sa loob ay lumabas din agad ako.
Nagulat ako nang mawala si clai sa kinauupuan nya. Inilinga ko ang paningin ko. Hinanap ko sa mga katabing lamesa, wala. Hinanap ko sa mga nag sasayaw at halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang kasayaw ni clai. Umiiyak si clai habang titig na titig sa kasayaw nya.
Nag tuloy-tuloy ang agos ng luha ko habang nakatakip ang kamay sa bibig ko. Agad kong pinahid ang mga luha ko nang makitang nakatingin na sakin ang ibang tao. Tumalikod din ako at nag lakad palabas.
Akala ko nakalabas na ako pero pag libot ko ng paningin ko sa paligid ay nasa isang garden ako. Natanaw ko ang bench malapit sa fountain nag lakad ako papalapit doon at naupo, sapo-sapo ko ang muka ko habang umiiyak.
Hinampas-hampas ko ang ulo ko at isinubsob muli ang muka ko sa mga kamay ko. "Pano ko sya kakausapin, saan ako mag sisimula? Kinakaban ako." Hinampas-hampas kong muli ang ulo ko.
"Ano ka, xia! Hinintay-hintay mo tapos nung nandyan na, nag kakaganyan ka?! Baliw ka! Tanga! Bobo!" Kausap ko sa sarili ko habang hinahampas parin ang ulo ko.
Huminga ako nang malalim at hinilig ang batok ko sa sandalan ng upuan. Tinignan ko ang mga bituin na nakatingin din saakin. "Di ko alam kung saan ako mag sisimula. Kinakabahan ako, nahihiya. Tulungan nyo po ako." Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan tumulo ang luha ko. "Hinihintay kita, gustong-gusto na kitang makausap, gustong-gusto ko nang mag paliwanag pero nung makita na kita, nag kaganto ako. Nahihiya ako sayo, nahihiya ako sa ginawa ko. Gusto ko nang mag sorry pero nagkakaganito ako." Pinahidan ko ang mga luha ko habang nakapikit parin at nakahilig ang batok sa bench. "Gusto kitang kausapin, gusto kong sabihin na bumalik ka na sakin pero nung nakita kita, natakot ako. Pasensya na ang duwag-duwag ko, ang bobo-bobo ko, ang tanga-tanga ko. Im sorry, I'm so sorry, clay."
"Nung mga nakaraang taon nasa isip ko na naluluhod ako sa harap mo't mag mamakaawang balikan ako pero nung nakita kita, natakot akong gawin yun kase baka di mo ako pansinin."
"Sa loob ng dalawang taon nasa isip ko na kapag nakita kita ulit sasabihin kong mahal na mahal kita pero nung nakita kita, kinabahan ako kase baka wala ka nang pakilam sa nararamdaman ko." Idinilat ko ang mga mata ko at tinitigan ang mga bituin.
"Gusto kong bumalik ka sakin, gusto kong maging akin ka ulit pero natatakot ako kase baka sabihin mo na wag na, na mas okay na yung walang tayo, na mas masaya kapag di tayo. Natatakot ako."
"Gusto kitang yakapin pero baka itulak mo ako palayo kapag ginawa ko. Baka nandidiri ka na sakin."
Ilang minuto akong nasa ganung posisyon. Di nanga-ngawit, di napapagod kakaiyak. Kinakausap ang sarili kahit na muka na akong baliw. Sa mga oras na to wala na akong pakilam kahit may makakita sakin dito na ganito ang itsura. Gusto ko lang mapag-isa ngayon at pag-isipan ang mga gagawin para bumalik sakin si clay.
"Hey, Are you okay?" Naiangat ko ang ulo ko nang may biglang mag salita.
BINABASA MO ANG
Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)
RomanceHalos perpekto na ang anim na taong relasyon ni clay at xia, kung hindi lang nag sawa at nabaling sa iba ang atensyon ni xia, sa iba. Huli na na-realize ni xia na mahal na mahal nya si clay nang panahong paalis na ito. Isang araw nagising nalang si...