Hello guys! Salamat sa pag babasa! Natutuwa ako kahit na tatatlo kayong nag babasa nito HAHAHA! Pasensya na kung puro typo! Aayusin ko yan kapag may time na ako.
Maraming salamat!
-----------------------------------------------------------"L-liligawan kita, clay."
Biglang napatingin si clay saakin. Ang mga mata nya ay puno ng pag tataka at pagkailang.
"Xia?"
"Alam kong ire-reject mo ako. Expected ko na yon. Pero sana naman bigyan mo ako ng chance?"
"Pero--"
"Kahit ireject mo ako, itutuloy ko parin, clay. Kahit na ipamuka mo sakin na meron nang iba. Kahit na sabihin mong di mo na ako mahal, Itutuloy ko pa din." Huminga ako ng malalim at tumingala dahil nagbabadyang bumagsak ang mga luha ko.
Tumingin muli ako sakanya pagkatapos kong pahidan ang mga mata ko. Ganun parin yung tingin nya sakin. Puno ng pag tataka at pagkailang.
"Wag kanang mag salita, clay. Alam ko naman na yung sagot mo."Hindi na muli kami nag usap ni clay, pagkatapos nun.
Nakatanaw ako sa malaking bintana at pinapanood ang malakas na ulan. 8pm na pero parang walang balak tumigil ang buhos ng ulan.
Simula kanina 'di na kami nag usap ni cla, nababagot na ako at nag aalala sa nararamdaman nya.
Inabala niclay ang sarili sa panonood ng TV. Ako naman ay pinapanood ang ulan sa labas kanina pa.
"Sana hindi umulan bukas." Bulong ko. Iniisip ko kasi yung kasal bukas baka hindi matuloy.
Bigla akong nakaramdam ng uhaw. Tinignan ko muna sa si clay bago ako tumayo at mag punta sa kusina. Abala sya kakapindot sa cellphone nya, nihindi manlang namalayan na dumaan ako sa harap nya.
Painom palang ako ng tubig nang biglang mamatay ang ilaw. Nawalan ng koryente.
Agad kong ibinababa sa kung saan ang basong hawak ko at tumakbo papunta kay clay.
Hindi ako ang natatakot sa dilim, si clay. May phobia sya sa dilim.
"Clay! Clay, nasaan ka? Wag kang matakot pupuntahan kita dyan."
May nakita akong umiilaw kaya dahan-dahan akong pumunta doon. Iniiwasan kong may mabunggo. Cellphone iyon ni clay, agad kong dinampot iyon. Wala si clay sa sofa kaya nataranta ako.
"Clay?" Tawag kong nang damputin ko ang cellphone nya. Gagamitim ko sana ang flashlight ng cellphone nya pero di ko mabuksan dahil sa password. Ginamit ko nalang ang screen ng cellphone para makita ang dadaanan ko.
"Clay, nasaan ka?"
"Xia.." Nanginginig ang boses na tawag sakin ni clay.
"Pupuntahan kita dyan wag kang matakot. Wag ka nang umiyak nandito lang ako." Pag papakalma ko sakanya.
Sigurado akong sa mga oras na to umiiyak na sya at sobra ang kabang nararamdaman.
Nakahinga ako ng malalim nang mailawan ko si clay. Naka upo sya sa single sofa habang yakap ang mga tuhod nya.
Agad akong lumapit sakanya at niyakap sya. Agad din sya yumakap saakin habang umiiyak.
"Tahan na, nandito na ako. Hindi kita iiwan." Pag papakalma ko sakanya.
Ganun lang ang pwesto namin ni clay, hanggang sa kumalma sya.
Ilang oras nang malakas ang ulan. 11pm na pero parang walang balak tumigil.
Lumipat kami ni clay sa mahabang sofa.
Nakahiga si clay sa hita ko habang hawak ko ang isang kamay nya.
BINABASA MO ANG
Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)
रोमांसHalos perpekto na ang anim na taong relasyon ni clay at xia, kung hindi lang nag sawa at nabaling sa iba ang atensyon ni xia, sa iba. Huli na na-realize ni xia na mahal na mahal nya si clay nang panahong paalis na ito. Isang araw nagising nalang si...