Chapter 12

28 1 0
                                    

Kinabukasan nag uwian na ang mga kaibigan namin. Bigla naman akong nalungkot dahil bukas ay uuwi na din ako, sila clay naman ay mag stay pa dito ng dalawang araw.

Nakanguso ako habang inaayos ko ang mga gamit ko, ayoko pa sanang umuwi dahil gusto ko pang makasama si clay pero kailangan ako bukas sa opisina, importanteng meeting yun.

Hindi na ako naligo sa dagat at nag gala-gala nalang ako sa dalampasigan. Nang medyo hapon na, umuwi ako sa tinutuluyan namin at tumulala sa may sala. Pinag-iisipan ko kung uuwi ba ako o mag stay din ako dito.

Bumalik lang ako sa realidad nang may biglang tumawag saakin.

"Xia, okay ka lang?" Tanong saakin ni clay. Bugtong hininga lang ang isinagot ko sakanya. "Napapano ka?" Tanong muli nya sakin.

"Ayoko pa umuwi, gusto ko pa kayong makasama." Sagot ko.

"Edi mag stay ka."

"Pero kailangan ako sa opisina bukas, importanteng meeting yun."

"Edi unahin mo yun tapos bumalik ka?"

"Bakit ba pilit ka nang pilit na bumalik ako dito?" Tanong ko sakanya dahil nakakahalata na ako.

"Para di ka mukang tanga dyan." Sagot nya sakin. Kinuha ko ang unan na malapit sakin at ibinato ko sakanya pero nakaiwas sya.

Akala ko pa naman gusto akong makasama. Hmp!

"Pag katapos ng meeting may gagawin din ako, e."

"May next time pa naman e."

"Talaga?"

"Hoy! Hoy! Hoy! Ano yan ha?" Nagulat kaming dalawa ni clay nang biglang lumabas si clai sa kung saan.

Katakot naman to.

"Nag uusap lang kami, clai." Sagot sakanya ni clay.

"Nako nako! Anong pinag-uusapan nyo?"

"Kailangan ko na kasing umuwi bukas pero ayoko pang umuwi, clai." Nakanguso akong tumingin sakanya.

Lumapit sya kay clay at niyakap ito.
"Kawawa ka naman hindi mo kami makakasama." Asar saakin ni clai.

Nyeta namang bata to lulunudin ko to sa dagat e.

"Kain tayo sa labas ngayon?" Biglang sabi ni clay, nag katinginan naman kami ni clai.

"Sige." Sagot ko kay clay.

"Yehey!" Sigaw ni clai.

Muka talaga tong pagkain, e.

Nag punta kami sa pinaka malapit na bar at doon kumain. Pumwesto kaming tatlo sa kita ang malawak na dagat.

"Gusto mo mag order ako ng alak?" Tanong ko kay clay.

"Ikaw bahala." Sagot nya sakin.

Tinawag ko agad ang waitress para umorder ng isang case ng alak para samin ni clay at isang juice para kay clai.

"Ang dami naman nyan." Sambit ni clay ng dumating ang order ko. "Baka malasing nanaman tayo nyan."

"Gusto ko lang mag enjoy sa huling araw ko dito no." Napailing nalang si clay sa sinabi ko.

Habang kumakain at umiinom, pinag kwentuhan namin ni clay ang kanya-kanyang trabaho. Kinamusta din ni clai ang pag-aaral ni clai.

Kita ko sa muka ni clay ang pagkabigla at galit ng sabihin ni clai na may nag palada sakanya ng love letter. Natawa ako ng tumaas ang isang kilay ni clay nung sabihin ni clai ang nakasulat doon.

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon