Chapter 20

34 1 6
                                    

Nakatulog ulit ako pag katapos kong kumain. Nang magising ako hindi na masyadong masakit ang katawan ko. Nakakatayo narin ako kahit papano. Ang tangging masakit nalang sakin ay yung ano ko. Yung ano, basta!

Nanguha ako ng damit at boxer sa cabinet ni clay. Yung damit ko naman na suo tko kahapon, nilabhan ko sa banyo ni clay. Hindi pa ulit pumapasok si clay dito sa kwarto. Siguro busy na naman iyon.

Nag text ako sakanya na nagugutom ako. Wala pang limang minuto nandyan na agad sya at may dalang tray.

"Bilis ah?" Nilapag nya ang tray sa hita ko bago sya umupo sa tabi ko.

"Marami pa kasi akong gagawin kaya dinala ko na agad."

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sakanya habang sumusubo ng kanin na dala nya.

"Basta." Tanging sagot nya.

"Ano nga?" 

Inihilamos nya ang isa nyang kamay sa muka ko, nang aasar.

"Kumain ka nalang dyan." Tumayo sya at nag lakad palapit sa pinto.

"Parang tanga to, nang gaganun pa."

"Tuloy mo na yang pag kain mo." Binuksan nya ang pinto at lumabas. Napairap nalang ako sa hangin.

Hindi ko alam kung kikiligin o maiinis ako sa ginawa nya kanina. Pinag patuloy ko nalang ang pagkain ko. 

Lumabas ako ng kwarto ni clay para isampay tong mga damit ko sa labas. Papalabas na ako ng pinto nang maka salubong ko si clai.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Lumapit sya sakin at pinakatitigan ako sa mata.

"B-bakit?" Kabadong tanong ko.

"Nag sex kayo no?" Bulong sakin ni clai. Nanlaki naman ang mata ko sa bigla.

"Bunga-nga mo naman." Tinabig ko sya at lumabas ng bahay nila.

Nabigla ako nang biglang mag salita si clai.

"Ayaw mo pang aminin."

"Letse ka naman clai, nakakagulat ka."

"So, nag sex nga kayo?" 

Tinitigan ko sya sa mata at sinasabi sa isip ko na. 'Oo nag sex kami ng kuya mo.'

"Nako ate!"

"Ano?" Natatawa kong tanong sakanya.

"Kayo na ulit?" Kinuha nya ang natirang damit sa basket at sya ang nag sampay.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Anong hindi mo alam? Nag sex kayo tapos hindi ka sure na kayo na ulit? Aba matindi!"

"Bunga-nga mo naman, wag ka namang maingay."

"Paano si ate onyx?"

"Nalilito nga ako , e."

"Saan naman?"

"Alam mo ba nung magising ako nandoon sa loob ng kwarto si onyx. Para akon binuhusan ng malamig na tubig nung nakita ko sya."

"Nagalit?" Tanong ni clai.

"Hindi nga, e. Nag good morning pa nga sakin."

"What the f*ck?"

"Huy bunganga mo."

"Ay sorry. True ba?"

"Oo nga." Sagot ko.

Nakakaloko syang tumingin sakin.

"Ano nanaman?" Alam kong may kalokohan nanaman to sa isip, e.

"Uy, Masaya sya kasi hindi si kuya clay at onyx." Sinundot nya pa ako sa tagiliran dahil sa kilig.

Make Him Mine, Again (Todavia te quiero Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon