PERFECT TIME (PART 6)

41 3 0
                                    

LYCHEE SERRIA HERERRA's

"Ma! Ma! Ma!" malayo pa ako sa gate namin ay nagsisisigaw na ako. "Mama. Mama. Mama!" inis na inis na naman ako. Palagi naman. Kapag nararamdaman ko ang presensiya ni Vincent ay talagang tumataas ang dugo ko. Simula ng hindi niya ako pinili sa pagitan namin ni Sasa ay talagang nagdamdam ako. Sino ba naman kasi ang hindi? Masakit kaya ang hindi piliin. Mainam ng maging bitter kaysa plastik.

Palingon-lingon ako. Sinusundan niya kasi ako. "Mama!"

"Ano ba naman Serria?" hiyang-hiya ang mukha ni Mama pero ang talim ng mata niya sa akin. Ngumingiti siya sa mga kapitbahay namin na nabulabog ko. "Pasensiya na ho kayo sa ampon ko. Alam niyo naman, mana sa ama. Napakalakas ng bunganga." kakamot kamot pa sa ulo ang mama ko.

"Maaaaaaa!" mahabang daing ko. Sinabi niya na naman na ampon ako! Wala namang maniniwala dahil pinagbiyak kaming takip ng kaserola. Magkamukhang makamukha kami. Madalas nga siya mapagkamalan na ate ko eh.

Agad akong nilapitan ni Mama at pino niyang kinurot ang singit ko.

"Aray naman, Ma. Mama!" daing ko habang nakatingin sa likod ko. Nandoon pa kasi si Vincent.

"Ano? Inggit ka? Magpakurot ka din kay Mama. Tseee!" inirapan ko siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Nakakaisang kurot pa lang kasi si Mama, tiyak na may kasunod pa iyon.

"Lychee Serria huh, ang attitude mo lang. Dati rati ay hindi ka mabakbak sa kili-kili nitong si Zeiden, ba't ngayon ay ang arte mo na? Ganda ka gorl?" nang-aasar pa talaga ang mukha ni Mama, sumimangot ako. Kasunod niya kasi si Vincent, malamang ay ihahati na naman niya ito sa meryenda ko. "Umayos ka huh? Kung ayaw mong kurutin ko pa ng dalawa yang singit mo." banta pa ni Mama.

Nang pumasok siya sa kusina ay agad kong sinamaan ng tingin si Vincent na prenteng nakaupo sa sofa namin.

"Ang epal mo." inirapan ko siya at umakyat na sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Binilisan ko lang, baka kasi ubusan ako ng meryenda ni Vincent. Bumaba agad ako pagkatapos ko.

Naabutan ko siyang nagbabalat na ng itlog ng pugo. Mabilis akong umupo sa katapat na sofa at dumukot agad ng dalawang itlog na balat na. Sinulpak ko iyon ng sabay.

Napatingin sa akin si Vincent.

Tinaasan ko siya muli ng kilay.

"Inaano ka? Bakit? Sa akin naman yan ah?" angas ko sa kanya.

"Psh." ngiti lang ng loko saka nagpatuloy na sa pagbabalat.

Kain lang naman ako ng kain, habang si Vincent ay balat lang ng balat.

Halos ako lang din naman ang kumain ng itlog, paano ay inaagad ko talaga ang binabalatan niya para wala siyang makain. Akala niya huh?! Hindi niya ako maiisahan.

Alam niyang paborito ko ang itlog ng pugo kaya dapat lang na sa akin lang lahat, hmp. Kahit yung itlog man lang maging sa akin.

Busog na busog ako. Gusto kong matulog, antok na ako.

Humiga ako sa sofa, hinayaan ko lang si Vincent na manood. Ayaw niya pa kasing umuwi, okay lang din naman kasi sa tawid lang ang bahay nila. Wala pa ang parents niya, mag-isa lang siya doon. Baka malungkot siya. Kawawa naman. Hahayaan ko na lang siya makinood sa amin. Basta ako, matutulog.

VINCENT ZEIDEN JAVIER's

Nakatulog na si kulit. Napaka-sungit talaga. Talagang inubos niya lahat ng itlog. Inis na inis siya sa akin. Habang panay ang subo niya ay ang sama naman ng tingin niya sa akin. Psh.

Mahimbing na ang tulog ni Lychee, kaya hindi na din ako nagdalawang isip na lapitan siya.

Inayos ko lang ang pagkakahiga niya. Nilagyan ko ng unan ang uluhan niya saka ko pinunasan ang kamay niya. Antok na antok kasi sa busog kaya hindi na niya nagawang maghugas ng kamay.

Ilang minuto ko pa siyang tinitigan.

Ang ganda-ganda talaga ni Lychee Serria. Sobrang amo ng mukha kapag tulog, kapag naman gising akala mo tigreng mananakmal.

Namimiss ko siya ng sobra. Namimiss ko yung mga panahon na hindi talaga siya mahiwalay sa akin. Yung kapag uuwi ako, or susunduin siya ng mama niya sa bahay ay mag-iiiyak siya. Namimiss ko yung kakulitan niya, yung tawa niya, yung mga kwento niya. Namimiss ko lahat sa kanya, namimiss ko si Lychee Serria ng sobra.

"Zeiden."

Bigla akong nataranta ng marinig ko ang tinig ng mama ni Lychee. Mabilis akong tumayo at nagkandabangga-bangga ako sa kung saan sa pagkataranta.

"Nakatulog na ang malditang yan?" natatawang sabi ni Tita. Tumango naman ako. "Sigurado akong hindi ka nakakain ng itlog, nagtira ako, ipagbabalot kita."

"Huwa---"

"Parehas kayo ng paborito ni Lychee, pero hindi mo iyon ipinapaalam sa kanya kasi gusto mong ibigay ang lahat sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita. Totoo kasi. Halos lahat ng paborito ni Lychee ay paborito ko rin pero sa tuwing sabay kaming kumakain ay itinatanggi ko iyon. Ayoko kasing hatian si Lychee, she is a princess. Deserve niya ang lahat.

"Sobrang ipinagpapasalamat ko na nakinig ka sa akin Vincent. Lychee is now enjoying her teenage life. May iba pa siyang kaibigan, natuto siyang makisama sa iba."

Napangiti na lang ako sa sinambit ni Tita kahit pa gustong-gusto ko ng magmura sa harap niya.

Lychee is enjoying her life without me! Paano kung masanay na ito ng wala ako? Paano kung hindi na niya ako tanggapin muli? Paano kung hindi ko na siya mabalikan kung saan ko siya iniwan gayong natuto na siyang makisama sa iba? Paano kung sumaya na siya sa iba at makalimutan na ako? Paano? Paano na ako?

"Zeiden..."

"Uuwi na po ako, Tita. Salamat po." inabot ko ang kamay niya para magmano pagkatapos ay lumabas na ako para umuwi sa amin.

Ang sakit ng puso ko. Pakiramdam ko kasi isang araw, kahit man lang yung pagtaas ng kilay ni Lychee ay hindi ko na makikita.

Ang sakit nun.

...

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon