CHERRIE ZATI - HERERRA's
(Lychee's Mother)Sa pagtalikod ni Vincent ay sigurado akong nawala ang mga ngiti niya. Napabuntong hininga ako.
Wala akong problema kung siya man ang makatuluyan ni Lychee. Walang kaso doon, I knew him since nasa tiyan pa lang siya ni Zeirra. Zeirra and me is best of friends. So, wala talaga akong problema, siguradong magiging maayos ang magiging buhay ni Serria kung mapupunta man siya sa mga Javier.
Zeirra and Vince, me and Zerrio, we all started being friends na nauwi nga sa pag-aasawa pero hindi naging madali ang lahat sa amin. Matagal na panahon ang nasayang, maraming luha ang dumaloy at sobrang sakit na dinanas.
Marami kaming napagdaanan bago nauwi sa ganitong buhay. Oo, masaya. Pero ayokong maranasan ni Serria ang mga dinanas namin sa parehas na sitwasyon. Kung magagawan naman ng paraan bakit hindi? Sabi nga, prevention is better than cure.
Bata pa ang anak ko, marami pa siyang dapat maranasan sa edad niya at hindi ko hahayaang malimitahan iyon ng damdamin niya para kay Zeiden.
Mabuting bata si Zeiden, alam ko naman iyon. Halos lumaki rin siya sa poder namin at ganoon din si Lychee sa kanila pero hindi iyon sapat para hayaan ko siyang sakupin ang kabataan ni Serria. Kung mahal niya ang anak ko hindi niya ito ikukulong sa mundo niya, hahayaan niya itong diskubrehin ang sarili niya at patunayan ang kakayahan niya.
Love can makes people stupid. Ayokong magsakripisyo si Serria. Ayokong isipin niyang ibigay ang lahat ng mayroon siya para lang sa pagmamahal. Ayokong maiwala niya ang sarili niya because that is her... iyon si Serria ibibigay niya ang lahat para sa taong mahal niya kahit pa wala ng matira sa kanya.
My daughter can be the craziest but her heart is so pure. She is stupidly innocent. Yeah, that is my daughter, and I love her to the extent that I can be the bad witch to her own love story.
VINCENT ZEIDEN JAVIER's
Linggo. Nakaugalian na ng pamilya na magjogging ng magkakasama sa umaga. Kaya naman maaga akong gumising at naghanda na.
Sa pagbaba ko ay handa na din sina Mommy at daddy pati na din si Zeirin Venice ang nag-iisa at nakababata kong kapatid. Ako na lang pala ang inaantay nila.
Inabot sa akin ni Mommy ang tumbler ko at sabay-sabay na din kaming lumabas.
Sa paglabas namin ay saktong palabas na din ang mga Hererra. Kasama nila si Lemon Serrion, kuya ni Serria. Sa Manila ito nag-aaral ng Engineering. Tuwing weekends ay umuuwi ito para makasama ang pamilya. Matanda lang sa akin si Serrion ng dalawang taon, malapit din naman kami pero talagang si Serria ang naging bestfriend ko.
Hila-hila ni Serrion si Serria na nagngingitngit. Nakapikit pa ang mga mata nito. Maaga pa kasi, alas-singko ng umaga and Serria was never a morning person.
"Serria nga! Napakatamad mo kahit kailan. Hindi ka ba nahihiya? Ang laki-laki na ng tiyan mo, mag-eexercise ka nga!" litanya ni Serrion. Patuloy lang ang paghila niya kay Serria na nagpapadyak lang naman habang panay ang pag-ungot. Antok na antok talaga ito.
"Wala kang pake kung malaki ang tiyan ko! Mahal kasi ako ni Mama at Papa, ikaw hindi! Kaya ka epal kasi kulang ka sa pagmamahal." ganti ni Serria sa pang-aasar ng Kuya niya.
"Tss! Ma, hindi naman ako makakatakbo nito, masisira ang fitness plan ko." reklamo naman ni Serrion. Inaangal niya ang paghila niya kay Serria. Sa ganoong wisyo kasi ng kapatid ay siguradong hindi niya talaga ito mapipilit. "Maaaa."
"Paaaaaa..." ungot pa din ni Serria. "Papa, inaantok ako. Ayokong mag-jogging Pa. Papa! Papa kasi! Papa naman! Paaaaaaaa!"
"Hay naku naman!" tila sumusukong sambit ni Tito Zerrio.
"Cent, ikaw na muna ang bahala kay Lychee." napatingin naman ako kay Mommy, tapos ay kay Tita. Sa akin ay okay lang pero kay Tita...
"Okay lang ba? Pasensiya kana, napakaarte kasi nitong si Serrion, ako naman ay mayayamot lang ni Serria sa kagaganyan niya. Parang hindi babae... ikaw na ang bahala Zeiden huh? Sayo lang naman iyan bumabait."
"Po?" hindi ako makapaniwala. Pumayag siyang maiwan sa akin si Serria.
"Sige na. Kailangan namin ng exercise at medyo pumapalya na ang kalamnan namin sa kunsumisyon." ngiti pa ni Tita bago tumalikod na. Sunod sunod na silang nawala sa paningin ko.
"Eto na 'tong batugan na to oh."
"Hey!" nangunot ang noo ko ng walang pag-iingat na itinulak sa akin ni Serrion ang kapatid niya.
"Alam kong sasaluhin mo." ngisi niya saka nagtatakbo na din palayo. Napailing na lang ako. Ang hirap lang talagang intindihin ng mga Hererra.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka inalalayan na si Serria. Nakakatawa lang din na naglalakad siya habang tulog.
May malapit namang bleachers kaya doon ko siya pinaupo. Tumabi ako sa kanya at idinantay ko ang ulo niya sa balikat ko.
Naghihilik si Lychee. Pero mahina lang iyon at masarap sa pakiramdam na pakinggan. Inayos ko ang buhok niya, halatang halata na kakabangon niya lang sa kama. Hindi man lang nakapagsuklay. Ang haba pa naman ng buhok. Buhol buhol pa iyon sa dulo.
Ang tagal matulog ni Lychee, kaya sinulit ko ang oras na sobrang malapit siya sa akin at nahahawakan ko siya. Hinaplos haplos ko lang ang buhok niya. Sinusubukan kong tanggalin ang buhol ng dahan-dahan... natigil lang ako ng biglang kumapit siya ng mahigpit sa braso ko.
Napangiti ako. Naalala ko yung mga panahon na sabay kami palaging umuuwi, magkatabi kami sa bus, hahawak din siya sa braso ko ng ganoon at idadantay ang ulo niya sa balikat ko kahit pa hindi naman siya inaantok o matutulog. Basta nakaganon lang siya sa akin habang kung ano-ano ang ginagawa.
Napabuntong hininga akong muli. Naisip ko kasi na paano kung habang tulog na lang siya saka ko mararanasan ang ganito siya kalapit sa akin?
Hindi ko naman kaya iyon.
"Hindi ko kaya na wala ka Serria." napapikit ako kasabay ng pagsalikop ng kamay naming dalawa. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Ayokong bitawan iyon, ang sarap sa pakiramdam na alam kong hawak ko siya. Ako ang may hawak kaya nasa akin ang desisyon kung bibitiw ako o hindi. At sigurado ako na hinding-hindi ako bibitiw.
Napahaba ang tulog ni Serria kahit na nasa labas kami, medyo tumataas na ang araw at hindi na iyon matakpan ng puno na sinisilungan namin. May sikat ng araw na tumatama sa amin, napapaingos si Serria. Naaabala ang tulog niya at ang kyut lang ng pagsimangot niya. Kamot pa siya ng kamot sa ilong niya. Parang pusa.
Tinakpan ko ang sikat ng araw na tumatama sa mata niya ng kamay ko habang hindi inaalisan ng tingin ang mukha niya.
Nagkakaedad si Lychee Serria at mas lalong lumalabas ang ganda niya. Nakakatakot.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang mga lalaking nagtatangkang lumapit sa kanya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang supilin ang nararamdaman ko.
Patagal kasi ng patagal ay patindi ng patindi.
"Mahal na mahal kita Lychee Serria, sobra pa sa sobra."
...