PERFECT TIME (PART 11)

75 4 2
                                    

VINCENT ZEIDEN JAVIER's

Patingin-tingin ako kay Serria habang binabagtas namin ang daan pauwi. Ang tahimik niya, nakatingin lang siya sa labas.

Kanina nung umiiyak siya ay hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya o ano. Naupo lang ako sa harap niya. Pinakinggan ang hikbi niya na dumudurog sa puso ko.

Iniwan kami ni Maxine, sabi niya ay mag-usap daw kami. Pero ayaw naman magsalita ni Serria, kahit nung natapos na siyang umiyak at makasakay sa kotse ko.

Itinigil ko ang kotse sa may park bago ang bahay namin. Hindi pwedeng maghihiwalay kaming dalawa ngayong gabi ng ganito. Alam ko namang hindi kami okay, pero ayos na ako sa ganito na kahit papaano ay nakakausap ko siya.

Ayokong dumating sa punto na kahit man lang sa bangayan ay hindi ko na siya makakausap.

"Serria..."

"Kapag hinahanap ako sayo ni Mama or ni Papa pwede bang sabihin mo na lang na hindi mo alam? Huwag mo na akong tawagan or sunduin. Hayaan mo na lang ako Vincent." sinabi niya iyon ng hindi tumitingin sa akin.

Para akong sinaksak non! Yung mga salita niyang wala namang tulis pero bumabaon sa puso ko.

"Serria naman!" tanging nasambit ko.

"Hindi ako makaalis Vincent..." nilingon niya ako. Nakangiti siya pero yung klase ng ngiti na hinding-hindi ko gugustuhin. Ayoko non, ngiti iyon ng nagpapaalam. "Hindi ako makaalis kung saan mo ako iniwanan."

"N-No... Hindi. Huwag Serria, hindi naman kasi ganoon." sinubukan ko siyang hawakan pero umiwas siya.

"May mga bagay na hindi ko magawa kasi sinanay mo ako na ginagawa mo iyon para sa akin. Hindi naman sa sinisisi kita o ano pero kasi Vincent, nasanay ako ng kasama ka sa lahat kaya nung binitiwan mo ako ay para akong nawalan ng lakas. Hindi ako makagalaw. Sinubukan ko naman, nakaya ko. Nakakaya ko na Vincent, pero bumabalik ka na naman eh. Tinanong naman kita diba? Tinanong kita kung sigurado kana kasi hindi pwedeng mag-iintay lang ako kung saan mo ako iniwan. Kailangan kong gumalaw kasi kawawa naman ako, kawawa naman ako kung palagi akong nakasunod lang sa iyo. May sarili naman akong buhay, pabayaan mo na lang ako. Kakayanin ko, kakayanin ko ng wala ka."

Iyon nga yung masakit! Yung masanay siya na wala ako sa buhay niya.

"Dito ka lang ba? Maglalakad na lang ako."

Wala na akong nagawa noong lumabas siya ng sasakyan at maglakad na pauwi. Nakakapagod naman kasi.

Nakakapagod din ang pagiging masunurin.

...

"Ano sa tingin mo ang relasyon natin Vincent? Sa tingin mo ba naglalaro lang tayo huh?!" kinabukasan ay ang galit ni Sasa ang sumalubong sa akin.

"Sasa, ano na naman ba?"

"Pinag-uusapan na tayo ng lahat Vincent, ako yung girlfriend mo pero si Lychee ng si Lychee ang nakikita nilang palagi mong iniintindi. Nakalimutan mo na ba Vincent? Ako yung pinili mo, itinapon mo na si Lychee, sa tingin mo ba ay ganoon lang iyon? Babalikan mo siya? Babalikan mo siya? Sa tingin mo ba ay sobrang tanga ni Lychee para tanggapin ka pa ulit? She is not like that, kaya niya ng wala ka. Kinaya na niya ng wala ka. Kaya hindi ka na niya tatanggapin."

"Let's end this."

"W-What?"

"At kahit kailan hindi ko itinapon si Lychee Serria, iningatan ko lang siya, Sasa. Mas pinili ko kung saan kami magtatagal na dalawa kaya huwag mong isipin na itinapon ko siya para sa'yo. It never happened and it will never be. Serria will always be my end point, and I will always choose her over anything!" with that, I left her. I am tired, so tired. All I want is Lychee Serria, and yet I can't have her. Not now.

Mabilis na lumipas ang araw. Palagi pa ring nangungulit si Sasa, she keeps on begging  me to come back to her but I can't. I am so done with it, with her. I can't fake my feelings anymore just for her caprices.

"Cent, tara na sa field." aya ni Gabriel. "We will play with the B's. I am excited to see Serria." ngiting-ngiti pa ang loko. Naningkit ang mata ko sa kanya ng nagmamadali siyang tumalikod para manakbo sa field. Hinabol ko naman siya at saka binatukan bago siya lagpasan. He just can't stop eyeing my girl!

Nang marating nila ang field ay nagsisimula na ang laro. A's girls versus B's girls. They are playing futsal. Lychee is currently playing for their sections with her friend Mingming, and Sasa as well, for our section.

"Girlfriend versus bestfriend. Saan ka Cent?" asar ni Gab. "I'll go for Serria, sorry but she is so pretty." humagikhik pa si Gab na akala mo ba kinikilig. Mukhang tanga ang putek!

Mingming is B's goal keeper. Hindi ko maintindihan kung anong naisip ng Section B at siya ang inilagay sa posisyon na iyon. She is too skinny to block the ball. Serria is the kicker, and I am so worried about her getting hurt because she is so eager. Sugod ng sugod.

"D@mn!" I cursed, when she lost her balance and stumbled at the ground. Mabilis naman itong nakabawi at hinabol ang umagaw ng bola sa kanya.

Then, she ended up being face to face with Sasa.

LYCHEE SERRIA's

"Woaw!" natatawa kong sambit ng magkatapat kami ni Sasa. Ang bigat kasi ng tingin niya sa akin, agad-agad. G na G agad si sis makita pa lang ang kagandahan ko.

"Vane..." tawag ko sa classmate ko habang hindi inaalisan ng tingin si Sasa at nakikipag-agawan ng bola sa kanya. I am that multi-tasker. So, what? "Vane, nasa mundo na ba tayo ng mga kakaibang elemento?"

"Huh? Nakuntang ka na naman Chee." hindi makasabay sa kanya si Vanessa.

"Tss. Bakit may impakta sa harap ko?" taas kilay na anas ni Lychee bago sulutin ang bola na pilit na iniingatan ni Sasa. Mabilis niya iyong hinabol.

Kasunod niya si Sasa. She kicked again the ball to go towards their goal, Sasa keep on guarding her. Masama pa din ang tingin nito sa kanya.

"B!tch!" she mumbled. "Vincent is my boyfriend."

"Oh? Tapos? Share mo lang?" angas ni Lychee. Alam na naman kasi niya na mag-jowa ang dalawa so, ano pang problema ni Sasa? Gusto paulit-ulit lang talaga?

"Know your place."

"I knew mine, but you invaded and seized it. So, shut the hell up before I go crazy and take back what is really mine!" tinanggi ko ang balikat niya while smiling sarcastically. Sobrang proud ko lang sa sarili ko. Bukod kasi sa naka-goal ako ay nakapag-english pa ako ng straight sa harap ng mayabang na Section A.

Tilian ang mga kasection B ko. Kami kasi ang unang naka-goal. Sa sobrang angas ko ay kumaway ako sa kanila na para bang artista. Ngiting-ngiti ako.

"Good job, Serria." a boy from Section A shouted. Dahil sa compliment iyon ay nakuha niya ang atensyon ko. I glance at him and made an okay sign, then winked, realizing late that beside him is no other than Vincent Zeiden Javier. My smile faded and quickly turned my back.

'Pahiya ka na naman, Sis."

...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon