PERFECT TIME (PART 3)

68 3 0
                                    

VINCENT ZEIDEN JAVIER's

"Private your account on Instagram. Unfollow those whom you don't personally knew." anas ko habang hindi pa din binibitiwan si Lychee.

Ayoko siyang bitiwan. Ang tagal ng panahon noong huling mahawakan ko siya.

"Bakit? Ano bang meron?" tanong niya.

"Ginagamit ang picture mo to gain attention. Nakikipag-flirt sa kung sino-sino bilang ikaw at kung ano-anong malalaswa ang pinagsasabi sa account na nakapangalan sayo. Mayroon pang mga pictures na inedit ang mukha mo sa sexy na babae, eh hindi ka naman sexy! Di ba nakakagalit yun? Gagayahin ka na nga lang hindi pa yung kapani-pani--- aray!" reklamo ko ng lumapat ang kamao ni Lychee sa balikat ko. Sinuntok niya ako.

"Ang kapal mo oy! Sexy kaya ako, makikita mo. Magshoshort na ako palagi!"

"Tsk! Sige, ipakita mo yang biyas mong hindi na nga kahabaan sobrang mabilog pa!" asar ko sa kanya. Hindi naman ako naniniwalang magshoshort talaga siya, edi napagalitan siya ni Tita.

"Ang yabang mo! Akala mo naman talaga... sabi ni Pio, maganda daw ang legs ko!"

"Pio?" nangunot ang noo ko, kumulo na naman ang dugo ko. "Sinabi ni Pio na maganda ang legs mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kababata din namin si Pio, pero hindi kami masiyadong close dahil masiyado siyang madikit kay Lychee. Mabuti na nga lang at sa ibang university ito pumapasok. Medyo nalayo ito kay Lychee.

"Oo." taas kilay namang sagot ni Lychee, nakahalukipkip pa siya, proud na proud lang din talaga siya na sinabi ni Pio na maganda ang legs niya.

"Bakit Lychee Serria? Kailan nakita ni Pio ang legs mo?"

Sa tanong ko ay parang nakainom ng suka si Lychee, bigla itong namutla. Naibaba ang mga kamay at itinago sa likod. Ganoon si Lychee kapag nahuhuli sa kasalanan.

"Wala kang pake, tse! Panget ka, Javier!" inis na inis nitong tili bago nagtatatakbo palayo.

'Tss. My cute little, Chee.'

...

"BEEEEEEYB!"

Madaling madali sa pagtakbo ang isang lalaki. Napasunod ang tingin ko sa kanya dahil mukha siyang gago sa eksena niya. Sino ba namang matinong tao ang sisigaw ng babe sa loob ng cafeteria?

"Hala, Chenggay may boyfriend kana?" para namang nanlaki ang tainga ko sa sinabing iyon ng kaibigan ni Lychee. Nakapila sila habang ako naman kinukuha na ang order ko.

"Luka kaba? Edi nasandok ako ng Mama ko!" ingos ni Lychee. Kakamot-kamot pa siya sa ulo na tila walang pake-alam sa mga nangyayari.

"Pero sa'yo siya nakatingin... oh ayan, lalapit na." sabi ni Bonjing. Siya lang talaga yung lalaking hinayaan kong maging kaibigan ni Lychee.

"Babe, diba sabi mo kapag pinaloadan kita ng 150, girlfriend na kita? Pina-load na kita kagabi. Hindi mo ba nareceived?" nakangiting sambit ng lalaki.

Si Lychee naman ay tila sinindihan na kandila na bigla na lang nag-apoy. Binanat nito ang leeg, saka ngumisi. Ganyan siya kapag napipikon.

"150? Nagpapatawa kaba? Ano ako bakla?" susugod sana si Lychee kung hindi lang siya nahawakan ni Maxine.

"May problema ka ba sa bakla, inday! Huh?" apila ni Maxine.

"Tumigil ka muna, Maximillio huh? Niyayamot ako ng gagong to eh." gigil na sambit ni Lychee. "Kailan kita nakausap? Hindi nga kita kilalang lintik ka eh! Tapos eeskandaluhin mo ako? 150 na load? Aanhin ko non? 20 lang ang load ko at kay Papa lang ako nagpapaload!"

"Magkachat tayo, one week na nga eh."

"Lintik!" napapahilamos sa mukha si Lychee sa sobrang inis.

"It's not her. Poser ang nakachat mo. Soon, the account will be gone and make sure not to bother Lychee, again." mahinahon kong sambit. Ayokong makipag-away. Maraming tao, at hindi magiging maganda kung papatulan ko ang lalaking ito.

"Pero siya talaga iyon eh." pilit pa din ng lalaki. Yamot na yamot na naman si Lychee, malamang aya gutom na ito.

"Hindi nga ako! Sa tingin mo ba talaga makikipag-chat ako sa hindi ko naman kilala? Hindi ako maharot no! Kung ayaw mo maniwala, ayan oh!" inilabas nito ang cellphone at saka ibinigay sa lalaki. "Check mo kung may facebook sa cellphone ko, pati kung yung number ko ba talaga ang pinaloadan mo! Jusko! Inaabala mo ang pagkain ko!"

"May pattern."

Nangunot ang noo ko sa lalaki ng bubuksan niya talaga ang cellphone ni Lychee. Si Lychee naman ay walang pake-alam at umorder na ng pagkain niya.

"Burara talaga." irap ko sa hangin, sabay kuha ng cellphone ni Lychee.

Binuksan ko iyon. Alam ko ang pattern ni Lychee, hindi niya iyon pinapalitan syempre pa ay tamad talaga si Lychee pati hindi talaga siya mahilig sa gadgets. Palagi lang siyang sa labasan, kung ano-anong ginagawa.

Nang mabuksan ko iyon ay ni-scroll ko ang mga apps para makita ng lalaki na wala talagang facebook app si Lychee, miski nga messenger eh. Viber at Instagram kasi ang gamit ni Lychee.

"Try to call the number, na pinaloadan mo. See for yourself that it is not her number."

Agad naman itong sumunod. Tinawagan niya ang number at may sumagot.

"Babe." sambit ng babae sa kabilang linya... sabay kaming tumingin kay Lychee na nasa counter, dumudukot ito ng ulam na nakadisplay.

"Poser!" sigaw ng lalaki sa kausap bago iyon ibaba. "Manloloko. Kukuhanin ko na lang ang IG at number ni Lychee, liliga---"

Bago pa maagaw ng lalaki ang cellphone ni Lychee ay agad ko iyong naitago sa likod.

"And do you really think that I'll let you do that?" nanlilisik ang tingin ko sa kanya. Ang gago kasi! Akala ba niya talaga ay makikipagrelasyon sa kanya si Lychee.

"Sino ka ba? Bat ka nagengealam?"

"Gago ka pala talaga eh. I am her future, so, back-off! Dumbass!" bulong lang iyon pero sinigurado kong madidinig niya at titimo iyon sa isip niya. Dinanggil ko pa ang balikat niya bago siya talikuran pero hinawakan niya ako sa balikat saka sinapak.

Langya. Pumutok ang labi ko.

"Ay, Chenggay." tili ni Maxine.

"Parang mga tanga to!" nanlalaki ang mata ni Lychee habang papalapit sa amin. Inawat niya ako ng susugurin ko na ang lalaki.

"Papatulan mo talaga?" irap niya pa sa akin, pero ng mapansin niya ang dumudugo kong labi ay natigilan siya.

"Anak ka ng ipis. Sinapak mo?" biglang baling niya sa lalaki. "Sinapak mo si Vincent Javier? Ay, nakooo. Lagot ka sa fansclub niyan." tatawa-tawa niyang sambit habang naglalakad na papalapit sa isang bakanteng table.

Nakakalokong sinundan ko siya ng tingin, sunod-sunod na ang pagsubo niya na para bang walang mga matang nakatingin sa kanya.

Iiling-iling na lang ako. Ganoon talaga si Lychee, madalas walang pake-alam. Basta siya kumakain.

×××

Thank you.

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon