LYCHEE SERRIA HERERRA's
"Ma, Pa! Aalis na ako." sigaw ko habang dumudukot ng fish fillet sa lamesa. Tapos na akong kumain pero gusto ko pang mamapak kaya kumuha pa ako.
"Mag-ingat anak." sigaw ni Papa, nasa living room kasi siya.
"Huwag kang puro kalokohan sa school mo Serria." bilin naman ni Mama, sinusuklayan niya ang buhok ko habang lumalakad ako palabas.
"Ma, tama na 'yang kasusuklay. Ang sakit na ng anit ko." reklamo ko.
"Tss. Buhol buhol nga iyang buhok mo! Hindi ka na naman ba nagconditioner?"
"Nag-shampoo naman nga ako Ma. Ulit-ulit naman kapag mag-conditioner pa."
"Napakatamad mo kahit kailan."
"Aray naman, Ma!" daing ko, napahaplos pa ako sa ulo ko. Tinuktok kasi ni Mama sa ulo ko ang brush na hawak niya.
"Alis na!" taboy niya na lang sa akin. Tinulak niya pa ako palabas saka isinara ang gate.
"Ang sama mo, Cherrie!" sigaw ko.
"Ampon!" sigaw naman ni Mama pabalik.
Naiiling na lang ako. Ganoon lang naman si Mama pero mahal niya talaga ako. Hindi lang talaga siya nagpapatalo sa asaran, sa kanya nga kasi ako nagmana.
Panay ang kain ko ng fish fillet habang naglalakad. Binabati ko din yung mga taong nakikita ko. Sikat kasi ako sa Village. Ang ganda ko nga kasi.
"Hi, Lychee." bati ni Manong na nagtitinda ng prutas.
"Hello po, pahingi po ng lychee." ngiti ko sa kanya. Oo, humihingi ako ng lychee. Mabait naman kasi si Manong, lagi niya talaga ako binibigyan kapag nakikita niya ako at kapag humihingi ako. Tatlong piraso lang naman, kaya hindi naman din siya malulugi. "Salamat po." ngiti ko ng abutan niya ako.
"Mag-ingat sa pagpasok." bilin pa niya. Ang bait niya sa akin, kasi nga maganda ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang bus stop. Agad akong pumila, ang haba ng pila. Rush hour kasi. Tiyak na standing.
Nang huminto ang bus ay gumalaw na ang pila, marami na ang sakay non, kaya kagaya ng inaasahan pag-akyat ko ay standing na nga. Gumawi lang ako sa bandang dulo dahil 2nd to the last stop naman ang university.
Siniguro kong maayos ang pwesto ko bago ko ikinabit ang earpods ko. Mahaba ang byahe nakakainip.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagce-cellphone. Nag-lalaro lang naman ako ng Block Puzzle. Hindi ako nakahawak pero nakabalanse ang mga paa ko. Sanay na ako, kasi naman ay halos araw-araw naman na standing ang sitwasyon ko sa bus.
Pero hindi naman kasama sa pang-araw-araw ko ang biglaang pag-preno... nawala ako sa balanse masusubsob ako, tatama ang ulo ko sa sandalan ng upuan... napapikit ako... nag-iintay sa mas masakit pa kaysa sa sakit na mayroon sa puso ko... pero wala... walang masakit akong naramdaman imbes ay ang pagpulupot ng kung ano sa beywang ko ang naramdaman ko.
Literal na tumigil ang mundo ko ng magsalubong ang tingin naming dalawa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung sa takot ba o dahil sa presensiya ng taong nasa harap ko.
Vincent Zeiden Javier, kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"What are you doing?!" gigil niyang sambit.
Dapat sa puntong iyon ay nakikipagtalastasan na ako sa kanya. Bakit siya gigil? Pero natahimik ako. Parang nalulon ko ang boses ko. Napahawak lang ako sa laylayan ng coat niya.
"Tss. Natakot ka?" anas niya, iginiya niya ako pagilid. Pinasandal niya ako sa may gilid ng upuan saka siya pumwesto sa harap ko. Nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya. Pinoprotektahan niya ako sa tuwing magpepreno ang bus. Nasisiksik siya pero tinitigasan niya ang sarili para hindi ako magitgit.
"Vincent..." tawag ko sa kanya, tumingin naman siya pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko. Wala lang, namiss ko lang siyang tawagin.
"Bakit?" tanong niya ng hindi ako magsalita na, pero wala naman kasi talaga akong sasabihin.
Mabuti na lang at nag-bus stop na. Bumaba na ang ibang pasahero, pati na yung mga nakaupo sa tapat namin. Mabilis akong hinila ni Vincent, pinauna niya akong maupo tapos ay tumabi siya sa akin.
"May baon ka bang pamalit?" napatingin ako sa kanya.
"Huh?" tanong ko. Hindi ko naman kasi gets ang tanong niya.
"Nakalimutan mo na naman." iiling-iling niyang sabi. Nangunot naman ang noo ko. Parang tanga naman kasi.
Ano naman kaya yung nakalimutan ko?
...
![](https://img.wattpad.com/cover/225121977-288-k554506.jpg)