LYCHEE SERRIA HERERRA's
"Bakit hindi ka mapakali?" tanong bigla ni Mingming ng mapansin niya na panay ang paglilikot ko. Kasi naman may nararamdaman ako na hindi ko maexplain kung ano.
"Natatae ka ba?" natatawang asar naman ni Bonjing. Inirapan ko siya. Nakakayamot ang katabaan niya.
"Gusto mong tubig? Parang namumutla ka." nag-aalala namang tanong ni Maxine. Napahawak ako sa puson ko ng gumuhit ang kirot doon. "Sumama ba ang sikmura mo? Kaaga kasi, kung ano-anong kinain mo." panay ang sermon ni Maxine pero nabibingi naman ako. Ang sakit kasi talaga ng puson ko.
"Mauna na lang kayo sa gym. Dadaan lang ako sa comfort room." inabot ko ang bag ko kay Bonjing, siya naman kasi lagi ang nagbibitbit nun kapag natatamad ako. Pero kasi ngayon hindi naman ako tinatamad, nanlalata lang talaga ako.
"Osige. Sunod ka agad ha, baka malate ka papatakbuhin ka ni Sir Joson sa field ng tatlong ikot." si Mingming.
"Susunod din ako agad nga. Sige na." tinalikuran ko na sila.
Habang naglalakad ako papunta sa comfort room ay iba na talaga ang pakiramdam ko. Sunod-sunod ang pagguhit ng sakit sa puson ko.
"Shit!" napahinto ako ng may maramdaman akong muli. "Hala ka!" nanlalaki ang mata kong sambit.
Wala pa naman akong dalang cellphone, paano ko tatawagan si Maxine? o si Mingming? Hala ka naman talaga.
Sumandal ako sa pader, ang layo ko pa sa CR at dadaanan ko pa ang grupo ng mga lalaking nakatambay sa hallway. SHIT talaga. Nakakahiya! Puti pa naman ang jogging pants ko.
Ang tagal-tagal ko ng nakatayo sa hallway, hindi ako gumagalaw. Pakiramdam ko kasi kapag gumalaw pa ako ay mas lalong lalabas ang tinatago ko. Nakakainis naman kasi!
Naaalala ko na kung anong nakalimutan ko kanina. Bakit kasi hindi pa sinabi ni Vincent? Alam naman niyang madalas kong makalimutan yun eh! Paano na ngayon?
Ang sakit sakit ng puson ko. Pati na ng mga binti ko kaya naupo na ako doon. Mukha akong kawawa, naiiyak na ako. Iiyak na talaga ako.
Sinanay niya kasi ako tapos ngayon! Tapos ngayon pababayaan na niya ako.
Siya lagi yung nagpapaalala ng monthly period ko, nilagay niya pa nga iyon sa alarm ng phone ko pero naman kasi, patay ang phone ko kagabi, lowbatt kasi iyon tapos ni-charge ko lang kaninang umaga. Syempre ay hindi na tumunog ang alarm.
Ang tagal tagal ko na nakatalungko sa hallway, tapos dinadaan-daanan lang ako ng mga tao. Mukha talaga akong kawawa, parang walang nagmamahal sa akin... ayoko ng ganito...
"Vincent..." wala sa loob na sambit ko kasabay ng pag-iyak ko... iyak kung iyak ang ganap ko kasi naman... ang sakit ng puson ko tapos may tagos pa ako... nakakaiyak naman talaga yun diba?
VINCENT ZEIDEN JAVIER's
"Damn!" Anong oras na, tiyak na nag-iiiyak na yung babaeng yun. Napakamakakalimutin naman kasi.
Tinanong ko kung may pamalit siya kanina at mukhang sobrang clueless niya kaya sigurado akong wala siyang dala. Hindi na naman siya handa. Saan na naman kaya iyon inabutan?
Hindi ko siya napuntahan agad kasi umuwi pa ako ng bahay. Pagkatapos ng exam ko sa dalawa kong subject ay saka ako umalis. Umuwi ako sa bahay, hindi. Pumunta ako sa bahay nina Serria. Nanghingi ako kay Tita ng pamalit ni Serria at pads nito.
Nagulat nga siyang makita ako pero nagmamadali naman kasi ako. Sinabi ko lang na nakalimutan ni Serria ang time of the month niya at wala itong dalang pamalit.
Tinanong niya kung nag-cut ba ako ng class para lang ikuha ng gamit si Serria, sabi ko na lang ay wala na akong klase kahit na ang totoo ay nag-cut talaga ako. Ayoko ng magpaliwanag. Mas tumatagal ay mas nag-aalala ako sa kung napapano na si Serria.
"Tita, pasuyo naman po ng milo na malamig." nginitian ko lang si Tita, grabe kasi yung titig niya sa akin.
"Bakit?" taka niyang tanong. Napakamot naman ako sa ulo. Baka kasi akala niya inuutusan ko lang siya.
"Sabi po kasi ni Serria nababawasan daw yung sakit ng puson niya kapag umiinom siya nun." paliwanag ko na lang.
"Talaga? Buti ka pa alam iyon. Sandali magtitimpla ako." nginitian din naman ako ni Tita kasabay ng marahang paghaplos sa tuktok ng ulo ko.
Hindi naman siya nagtagal. Saglit lang ay inaabot na niya sa akin ang tumbler.
"Salamat, Zeiden huh. Sa pag-aalaga kay Serria, ang makakalimutin kasi talaga."
"Okay lang po tita. Salamat po." nagbless muna ako bago umalis.
...
Nang makabalik ako sa campus ay sa third floor ako agad dumiretso. Doon kasi ang classroom nila Serria katabi ng sa amin, pero bakante naman ang silid nila. Walang kahit na sino.
Sinubukan kong tawagan ang phone niya pero panay ang ring lang... bumaba ako muli ng first floor, susubukan kong hanapin siya sa gym. Baka kasi P.E class nila.
Palabas na ako ng building ng mag-ring ang phone ko, pangalan ni Serria ang nag register kaya naman sinagot ko agad...
"Where are you?" tanong ko agad.
"Ay, Vincent si Maxine ito. Nakita mo ba si Serria?" tanong niya pero iyon din nga ang tanong ko.
"Bakit hindi ninyo siya kasama? Mag-isa lang si Serria?"
"Sabi niya kasi kanina mag-ccr lang siya eh, tapos susunod na siya pero mahigit isang oras na patapos na ang P.E class namin at na-abse----"
"Saan ninyo siya iniwan?" ang dami niyang sinsabi. Ang kailangan ko lang ay kung nasaan si Serria.
"Sa 2nd floor ng building natin." nang masabi niya iyon ay agad ko ng pinatay ang call. Nagmamadali na din akong umakyat ng 2nd floor.
Bakit naman doon niya pa napiling mag-cr! Panay lalaki dun eh.
Saktong-sakto namang pagtapat ko sa kanya ay saka siya umatungal ng iyak.
"Vincent..."
"I'm here." pumantay ako sa kanya saka siya niyakap. Agad naman din siyang yumakap pabalik tinago niya ang mukha niya sa dibdib ko. "Nandito na ako, wag ka ng umiyak."
...
