LYCHEE SERRIA HERERRA's
"Hindi pwede, Chenggay huh!" sobrang nanlalaki ang mata ni Maxine sa akin."Hindi nga 'yan ang kulit ahh!"
"Aray ko naman!" daing ko ng hampasin ako ni Maxine ng ruler sa kamay.
"Sakto lang ang dala nating pera, bakit kasi hindi mo dinala ang wallet mo?"
"Hindi ko naman nga alam na may bibilhin pala ako!" anas ko din sa kanya, pinanlalakihan ko din siya ng mata aba! Hindi porke siya ang secretary ng klase ay mag-aangas na siya! Para gummy hamburger lang eh, ang damot niya ah! "Dapat pala hindi na lang kita sinamahan." inirapan ko pa siya at nagmukmok sa may gilid. Uupo lang ako, iintayin ko siyang matapos.
Nasa Thomas kami, tinadahan ng mga school supplies, mga books, kaunting foods and drinks at kung anek-anek pa. Sinamahan ko lang siyang mamili ng mga gagamitin nila sa pagdedecorate ng classroom. Sinamahan ko siya pero isang gummy hamburger lang ay hindi niya pa ako mabili. Tss.
Masama na talaga ang timpla ko, ang init-init naglakad lang kami, tapos gummy hamburger lang? Aysh! Ang damot!
Napapakamot na lang din talaga ako sa ulo, inis na inis ako. At talaga naman... mas nainis pa ako ng may tatlong tao ang panay nagtatawanan habang papasok ng store.
Tinaasan ko sila ng kilay kahit pa hindi naman nila ako tinitignan, umirap at umingos, tapos ay tumuktok ako sa hangin na para bang naaabot ko ang ulo nila... lalo na ang ulo ni Vincent. Tatlong beses akong tumuktok sa hangin habang iniimagine ko na tinatamaan ang ulo niya para mabura ang ngisi niya. Psh.
Makalipas ang ilang sandali, narealized ko na mukha akong tanga kaya tinigilan ko na din. Dumukdok na lang ako sa lamesa at nag-imagine na may yakult at tatlong gummy hamburger sa harap ko.
"Ang tagal naman..." reklamo ko. Napakaarte kasi mamili ni Maxine eh.
Nilaro-laro ko na lang ang kuko ko sa ilalim ng lamesa para malibang ako, ayokong magtaas ng tingin, mayayamot lang ako sa makikita ko.
Kasama ni Vincent ang pabebe niyang junior. Secretary niya iyo sa Student Council. Maka-kuya kay Vincent akala mo naman talaga walang malisya ang paglingkis niya lagi. Sungaw din si Sasa eh, ako na laging niyayamot ni Vincent ay pinagseselosan samantalang yung babaeng kung makalingkis ay wala lang? Ano naman yun? Favoritism? Ang labo!
"Ay, toyo!" sigaw ko sa gulat. Napahawak ako sa ulo ko agad-agad, may naramdaman kasi akong malamig. Napatingin ako sa table, may Pepsi in can. Napangiwi naman ako, nanliliit ang matang tinignan ko ang lalaking nasa harap ko na nagpipigil ng tawa.
"Nakakatawa yon?" angas ko sa kanya. Kilala ko ang mukha niya pero hindi ko matandaan ang pangalan niya.
"Cute." bulong nito ng hindi nawawala ang ngisi. "Drink it, you look bored."
"Bibigyan mo na lang din ako ng inumin ba't hindi... oyyy!" pigil ko kay Vincent ng kuhanin niya ang pepsi ko! Akin daw iyon eh, ayoko ng pepsi pero pwede ko namang ipalit iyon ng yakult at gummy hamburger.
Blangko naman ang tingin niya sa akin kaya natahimik ako. Pinanunod ko na lang siyang isauli ang pepsi ko sa classmate niya... with force pa nga niya iyong itinabig sa sikmura ng classmate niya.
"Bawal siya sa soda." buong buo ang boses ni Vincent. Mukhang tanga. Matapos niyang makipagtitigan sa classmate niya ay saka niya ako binalingan...
Nakipagtitigan din siya, syempre ay ako rin. Akala naman niya, tinaas ko pa ang isang kilay ko para mas masindak siya.
Walang nagpapatalo sa titigan battle namin, wala akong balak magpatalo pero maduga siya! Dinaya niya ako...
Napababa ang tingin ko ng ilapag niya ang yakult at tatlong pirasong gummy hamburger sa table, syempre pa ay tao lang ako... nay kahinaan... marupok... natutukso... napakurap ako, ilang beses, sunod-sunod. Napa-isip ako sandali kung ano bang kabaitan ang ginawa ko kanina para mabiyayaan ako ng yakult at tatlong pirasong gummy hamburger. Feeling ko sobrang bait ko. Pakiramdam ko mahal na mahal ako ni Lord. Sobra akong pinagpala.
Napangiti ako. Malaking ngiti, saka ko dinakma ang mga biyaya ko sa lamesa at mabilis ko iyong ibinulsa. Ramdam na ramdam ko pa ang lamig ng yakult sa bulsa ko kaya naman natatawa ako sa sobrang saya...
"Chenggay tara na." tawag ni Maxine, nasa pinto na siya.
"Okay." nakangiti kong sagot, ang saya ko kasi talaga. Pero ang ngiti ko ay nabura ng makaharap ko muli ang ngingiti-ngiting si Vincent.
Nilakihan ko siya ng mata, bat siya ngumingiti? Akala naman niya bati ko na siya? Neknek niya.
Tumingkiyad ako para magtama ang balikat namin pero hindi parin talaga umabot... bumalik ulit ako at saka ang ulo ko sana ang ibabangga ko sa balikat niya pero sinalo iyon ng palad niya.
"Aysh!" angil niya sa akin. Akala naman talaga niya nakakasindak iyon.
Dahil hindi ko maabot ang balikat niya ay ang paa na lang niya ang inapakan ko saka mabilis na nagtatakbo palabas.
"LYCHEE SERRIA!" sigaw niya pero hindi naman ako naapektuhan. Happy nga kasi ako. Sobra.
×××
Thank You.