PERFECT TIME (PART 2)

107 2 0
                                        

LYCHEE HERERRA'S

"Aymisyu, mga hindi kagandahan at kapogian kong friend!" sigaw ko ng makita ko ang mga kaibigan ko. Nag-iinarte lang naman ako. Kahapon lang kasi ay nagkita-kita pa kami. Halos araw-araw pa nga. Mas madalas ko pa silang kasama kaysa sa Mama at Papa ko. Syempre ay kakatapos lang ng summer break at kakasimula lang ulit ng klase. Paganap lang din talaga ako, eksena, ganon.

"Grade 12 kana Chenggay pero hindi ka pa din marunong magseryoso." nakairap na sambit ni Maxine. Akala mo naman talaga matured na mag-isip. Puro kaartehan lang din naman.

Inirapan ko din siya, aba! Hindi ako papatalo, mas maganda ako. Tseee!

"Mingming, ikaw na lang love ko!" agad akong nangunyapit sa braso ni Mingming. Baka unahan kasi ako ni Maxine. Ayokong kakampi si Bonjing. Mataba kasi siya. Period.

"Pero Lychee, bagay sayo ang braided hair. Lagi kitang ibe-braid, gusto mo?" pang-uuto ni Maxine. Nangunyapit din ito sa braso ko. Akala naman niya talaga, hindi ko pa alam yun? Na bagay sa akin ang tirintas? Kahit ano naman bagay sa akin, kasi nga maganda ako.

Inuuto ako ni Maxine kasi hindi niya ako pwedeng awayin dahil maghapon ko talaga siyang yayamutin.

"Maaga akong ginising ni Mama dahil sa tirintas nato. Pinagbantaan niya pa ang buhay ko dahil sa tirintas?! Ayoko ng tirintas!" reklamo ko.

Tandang-tanda ko pa yung sinabi ni Mama, malinaw na malinaw pa sa isip ko.

"Pag-uwi mo at saburayray na naman yang buhok mo Lychee Serria, naku sinasabi ko sayo... Sasabunutan kita at kukurutin ko ng pino yang singit mo! Babae ka, Lychee huh! Umayos ka!" nanlalaki pa ang mata ni Mama habang sinasabi iyon. Nakakatakot talaga si Mama. Sobrang sungit. Pero mahal ko si Mama.

"Serria, hi." napatigil kami sa kulitan na apat ng may tumawag sa akin. Tinignan ko naman iyon at napataas ang isang kilay ko. Hindi ko naman kasi siya kilala, tapos kung makatawag siya sa akin akala mo naman lumaki akong kasama siya.

"Huyu?" angas ko sa kanya.

"Ay, ako si Gabriel, member ako ng basketball team. Ako yung nagbigay sa'yo ng ponytail last year. Classmate kami ni ---"

"Late ka na, kung ano-ano pang inaatupag mo!" si Vincent. Bigla itong sumulpot at binitbit ang classmate nito na kung ano-ano namang sinasabi.

"May gusto sa'yo iyon." biglang banat ni Maxine. Siguradong-sigurado talaga ito.

"Well, sino bang hindi magkakagusto sa akin?" biro ko.

"Vincent Zeiden, may gusto iyon sa'yo." sabay kaming napatingin ni Maxine kay Mingming ng bigla itong bumanat ng ganoon. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil hindi ko iyon inexpect. Ang labo naman kasi. Kasing labo ng mata ni Mingming.

"Tara na nga. Kung ano-ano namang sinasabi mo." ngiti ko lang. Ayokong sungitan si Mingming. Siya kasi yung pinakamabait kong friend.

...

"Lycheeee..." hindi ko alam kung anong meron sa mga tao ngayon at panay akong tinatawag. Liningon ko ang tumawag sa akin, at kagaya kaninang umaga, tinaasan ko ito ng kilay. Hindi ko naman nga kasi kilala. Iba ito sa lalaking tumawag sa akin kanina na hindi ko na matandaan ang pangalan.

"Pa-accept naman ng friend request ko sa FB." ngiti nito. Nginitian ko din naman siya pabalik pero ngiting sarkastiko.

"Wala akong facebook." may kasama pang pag-irap iyon.

"Weh? Meron eh. Ni-add nga kita."

"Para kang ewan. Hindi nga ako nagpe-facebook. Papagalitan ako ni Mama. Marami daw toxic people sa facebook, hindi daw iyon makakabuti sa akin." pilit ko. Wala naman kasi talaga akong facebook. Instagram lang.

"Edi poser pala iyon?" kakamot kamot siya sa ulo niya ngayon.

"What is happening here?" biglang eksena ni Vincent. Nakita ko na siya kanina sa pathway, pero hindi ko inexpect na may pagka-usisero pala siya at makikisingit sa usapan namin ng lalaking hindi ko naman kilala.

"Someone is using Lychee's name and face." sabi nung lalaki sabagay pakita ng phone niya.

Kinuha iyon ni Vincent, nakisilip naman ako. Nakatingkyad pa ako kasi naman ay matangkad talaga si Vincent tapos ako naman ay maganda lang at hindi katangkaran. Pero hindi ko din talaga gets kung bakit siya pa iyong unang tumingin samantalang ako naman yung ginamit doon.

Panay lang siya scroll. Nangawit na lang ako kakasilip pero wala pa rin akong makita. Sinukuan ko na lang iyon at sa mukha ni Vincent tumingin... nakakunot ang noo niya at nagtatagis ang bagang, galit na galit na din yung ugat niya sa leeg at bumibilis ang paghinga niya kasabay ng pagbilis din ng pagi-scroll niya sa phone, hanggang sa mapamura na lang siya bigla.

"Shit!"

"Bakit?" nagtataka kong tanong. "Ano ba yan?"

Hindi naman ito sumagot at kinuha lang ang sariling phone. May pinasa ata siya mula doon sa cellphone ng lalaki, pagkatapos non ay hinila na niya ako palayo habang tumitipa siya sa cellphone niya.

"I sent you an screenshot, check it. Trace the user and fuckin' turn down the account after. Do it as fast as possible."

Takang-taka talaga ako sa inaasta ni Vincent. Galit na galit kasi talaga siya at saka ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

'Ano bang nakita niya?'

×××

Thank you.

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon