PERFECT TIME (PART 4)

58 3 0
                                    

LYCHEE SERRIA HERERRA's

"Chenggay, tignan mo yung ex-bestfriend mo oh? Akala ko ba wholesome siya? Grabe ka PDA eh." sabi ni Maxine ng mapadaan kami sa open field. Bitbit ko yung walis tingting, si Maxine naman ay yung dustpan samantalang si Bonjing ay yung basurahan ang tulak-tulak. Si Mingming ayun, dala yung sarili niya. Payat kasi ito kaya hindi naman pinapahirapan talaga.

Naglilinis kami sa buong area ng Grade 12. Community service. Naparusahan kasi kami dahil nahuli kaming umaakyat sa bakod. Paano nga kasi ay nalate kami dahil ang batugan ni Bonjing! Ang tagal niya gumising, tapos ang bagal pa niya kumilos kasi nga ang taba niya.

Yung eksena namang sinasabi nito ay malapit na malapit sa isa't-isa sina Sasa at Vincent, may mga papel itong hawak habang napapalibutan ng mga classmate nila.

"Ano namang ginagawa nila?" tanong ni Bonjing.

"Baka nag-roroleplay?" si Mingming. Namumulot na siya ng mga plastic bottles. Ako naman ay walang humpay sa pagwawalis. Panay lupa na nga iyong nawawalis ko, pero hindi pa din ako tumitigil. Patuloy lang ang walis ko ng paatras.

"Roleplay? Eh ang sweet ehh, tignan mo Chenggay, nakayakap na si Vincent sa beywang ni Sa---"

"Ay pukneneng!"

Napatili ako sa gulat ng biglay sumalya ako sa basurahan. Napasakay ako doon kasama ng mga basura.

"Parang tanga kasi ghorl, nagwawalis ng paatras?" tawang-tawa namang anas ni Maxine.

"Panay kasi daldal mo, maano ngang magwalis ka din. Sabunutan kita eh!" irap ko sa kanya habang inaabot ang kamay ni Bonjing na tinutulungan ako sa pagtayo.

Hirap na hirap si Bonjing sa pagtayo sa akin. Hindi niya ako mahila kasi nga ay yung mga braso lang niya ay isa ng mabigat na dalahin.

"Anong ginagawa mo Lychee?"

Kinailangan ko pang tumagilid para makita ang taong nagsalita. Nasa likod kasi ito ni Bonjing, natatakpan tuloy ito.

Nangunot ang noo ko ng mapag-sino ito. Tumingin din ako sa lugar kung nasaan ito kanina, wala na ito doon kasi nga ay nandito na siya. Nakatingin din sa amin ang mga classmate niya.

'Tokneneng! Nakakahiya.'

"Tabi." pinaalis niya si Bonjing sa harap ko, saka siya na ang tumulong sa akin na tumayo. Iniabot niya ang kamay niya pero sa sleeve ng uniform niya ako humawak. Madumi kasi ang kamay ko. Maarte pa naman si Vincent.

Nang makatayo ako ay pinagpagan niya ang likod ng skirt ko... at saka marahas niyang hinila pababa ang skirt ko. Pinigil ko naman iyon sa beywang ko, dahil baka mahubuan naman ako.

"Ano ba?!" reklamo ko.

"Ang taas taas ng palda mo!" pinandilatan niya pa ako ng mata bago niya iniluhod ang isang tuhod at inayos ang high sock ko. Itinaas niya iyon, mas mataas sa ibabaw ng tuhod na karaniwang suot ng mga estudyante. Halos magtagpo na yung skirt at socks ko, wala ng makita sa balat ko. Ang pangit! "Ano na namang ginawa mo at naparusahan ka?" tanong niya matapos niyang ayusin ang sintas ko.

"Pake mo?" irap ko sa kanya saka humalukipkip. Inikot ko ang tingin ko at nagtagpo ang mga mata naman ni Sasa, masama ang tingin niya sa akin.

Ngumisi naman ako. 'Selos ka no?' I mouthed. Umirap naman ito saka nagpapadyak na tumalikod sa kinaroroonan ko.

"Tama na yan. Mamayang hapon niyo na lang ituloy, masiyado ng mainit."

"Papagalitan kami ni Teacher Becca." si Maxine, alam niya namang kapag si Vincent ang nagsabi ay okay lang, pero gusto niya din makasiguro na baback-upan sila nito, just in case.

"Ako ng bahala. Pakainin niyo yang si Lychee, nakabusangot na naman." biro pa nito na hindi naman nakakatawa. Ginagawa niya akong matakaw! Hindi naman ako matakaw!

"Okay, Boss!" sang-ayon ni Maxine. Natutuwa talaga siya dahil matitigil na sila sa paglilinis. Ayaw niya kasi sa initan, masisira daw ang flawless skin niya. Psh.

"Panget!" ingos ko ng makatalikod na si Vincent pabalik sa mga classmate niya.

"Panget daw? Gwapo-gwapo nga ni President eh." arte ni Maxine.

Well, gwapo naman talaga pero ang pa-fall ng lintek eh! Nakakapanget yun! Nakakasakit kasi.

×××

Thank you.

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon