PERFECT TIME (PART 10)

47 2 0
                                    

LYCHEE SERRIA HERERRA's

Tatlong araw ko ng iniiwasan si Vincent. Well, hindi naman talaga kami madalas mag-usap pero ngayon ay makita ko pa lang ang anino niya ay umaatras na ako.

Umaatras ako! Can you imagine that? Sobrang angas ko kay Vincent, tinutuktukan ko lang siya noon tas ngayon? Psh!

Nahihiya nga kasi ako!

Binitbit niya lang naman ang napkin ko noong isang araw. Tapos habang papunta kami ng banyo ay nakayakap siya sa beywang ko, tinatakpan niya kasi yung tagos ko.

Tapos sinamahan niya pa ako sa loob ng banyo. As in, sa loob talaga. Nginitian niya lang yung mga babaeng nag-ccr tapos nagsilabas na ang mga iyon. Hawak niya ang mga gamit ko habang nagpapalit ako.

Iyak ako ng iyak tulo uhog pa. Ang sakit ng puson ko n'on. Pinapatahan naman niya ako, sinamahan niya ako, pinainom ng milo na malamig tapos hindi niya ako iniwan. Kagaya lang ng dati.

Sa umbrella park kami pumunta, ayoko nga kasi sa infirmary. Amoy alcohol tapos ang lakas ng aircon. Mahina ako sa lamig.

Pinahiga niya ako sa bleachers, nakaunan ako sa mga hita niya. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak.

Tapos kinabukasan ng okay na ako ay sinusugod naman ako ni Sasa. Ang landi ko daw, tinaasan ko lang naman siya ng kilay. Wala akong pake-alam sa opinyon niya. Wala siyang bilang sa buhay ko. Hindi siya kasama sa bumubuo ng araw ko.

Kung makalandi siya sa akin ay para bang siya ang naghirap sa lahat ng pagkain na kinain ko sa buong buhay ko. Pasalamat siya at kahit ma-attitude ako ay alam kong ilugar kasi kung hindi, tiyak na gumagapang na siya sa lupa pauwi sa Mama niya. Bitch.

"Paano yan Chenggay? Wala na tayong masasakyang tricycle niyan papuntang labasan." ungot ni Maxine. "Sabi ko naman kasi sayo bukas na lang natin tapusin eh." sisi niya pa sa akin.

Nagpunta kasi ako sa kanila. Naki-bake ako sa bake shop nila. I-susurprise ko kasi si Mama, hindi ako pwedeng magbake sa bahay edi nakita naman kasi iyon ni Mama. Hindi na surprise yun. Mahilig kasi akong mag-bake kasi nga mahilig din akong kumain. Kapag gusto ko ang tao at gusto kong makipag-friend ay nagbibigay ako ng cookies.  Pero siyempre ay madalang lang iyon. Hindi naman kasi ako mahilig makipag-friend.

So, ayun nga, ginabi na kami sa pag-bebake ng cake ni mama para sa birthday niya bukas. Sinamahan ko pa kasi iyon ng cookies. Mahilig kasi si Vincent sa cookies. Ewan ko nga lang din kung bakit nadamay siya sa pa-cake ko sa mama ko.

"Magpapasundo ako kay Papa." sabi ko lang ng matahimik na siya sa pagpapanic. Ida-dial ko na sana ang number ni Papa pero biglang may incoming call, si Vincent. Nangunot naman ang noo ko, bakit naman siya tatawag ng ganitong oras sa akin?

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit, Serria? Anong oras na wala ka pa daw sa inyo hindi na mapakali ang mama mo, pati ang papa mo. Nasaan ka? Diyan ka lang, susunduin kita." napataas naman ang kilay ko. Pinapagalitan niya kasi ako.

"Bakit ---"

"Tama na ang kakabakit mo! Gabi na sabi eh. Delikado para sayo. Nasaan ka nga? Susunduin kita." sinupalpal niya ako sa nais kong itanong. Napabusangot ako pero sinabi ko naman kung nasaan ako. Mahirap na, baka magbago pa ang isip niya na sunduin ako. Wala pa naman akong masasakyan pauwi.

Sinabi lang niya na mag-intay ako at paalis na siya. Dadalhin niya ang kotse niya, legal age na naman si Vincent kaya pwede na niya iyong gamitin. Hindi ko nga alam kung bakit siya nagtitiyaga na mag bus araw-araw e may kotse naman siya. Ang hina lang din mag-isip minsan eh. Psh.

"Alam mo sa lahat ng Friendship Over kayo ni Vincent yung pinaka-close." natatawang sambit ni Maxine. Napatingin ako sa kanya. Sa tawiran naman siya nakatingin. "Hindi ko alam Chenggay kung manhid ka ba talaga o nagtata-tangahan lang eh."

"Hoy!" sigaw ko sa kanya sabay sipa sa paa niya. Bakit niya kasi ako tinatanga-tanga.

"Aray ko huh!" natatawa niyang daing. "Gusto ka ni Vincent."

"Parang tanga... kahit nga yung pagkakaibigan namin itinapon niya eh. Imposible naman." tanggi ko. Hindi naman kasi talaga. Siguro kaya palagi pa rin siyang concern kasi nakasanayan na lang niya.

"Itinapon ba talaga? Baka naman itinabi lang para maprotektahan?" makahulugang sambit ni Maxine. "Mas protective pa siya sa'yo kaysa kay Sasa. Alam mo ba kung bakit ka sinugod ni Sasa nung nakaraan? Kasi nalaman niya na mas pinili ni Vincent na alagaan ka kaysa sa kanya na mas injured. Na-aksidente siya sa pag-chicheer dance same day na sumasakit yung puson mo, tinawagan niya si Vincent pero mas pinili ka niya, pinili niyang manatili sa tabi mo."

Natahimik ako. Hindi ko iyon alam. Ngayon ko lang iyon nalaman. Hindi ko alam pero may something sa loob ko na sumaya. Pero naguguluhan kasi ako. Kung gusto niya ako bakit siya bumitiw?

"Ewan ko sayo. Ginugulo mo ang pag-iisip ko." mahina kong sambit. Kipkip ko ang cake ni Mama, habang nakapatong doon ang mga cookies ni Vincent.

Nakatingin lang ako sa cookies. Ilang beses akong kumurap, namimiss ko si Vincent.

Isa. Dalawa. Tatlo...

Nagbibilang ako sa isip ko kasi naiiyak ako. Ayokong umiyak pero wala na... tumulo na.

"Serria."

Pagkarinig sa boses ni Vincent ay napaupo na ako sa kinatatayuan ko. Nanghina ang mga tuhod ko. Umiyak ako ng umiyak habang hawak ko parin yung cake ng mama ko.

Hindi ko alam pero yung sakit na itinanggi ko sa lumipas na taon ay umalpas na. Ang sakit-sakit. Bumabalik yung seneryo na tinalikuran ako ni Vincent para kay Sasa.

Bumalik yung tagpo noong sinambit niya na wala akong halaga para sa kanya, na nasanay lang siya na ako ang kasama pero wala akong halaga.

Ang sakit nun, hindi ba? Yung mawalan ka ng halaga.

...

PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon