Chapter 29

40 3 0
                                    

Simula Ulit




"Miss you!" Ani ni Nicholas bago ko ibaba ang cellphone. Mag iisang buwan na simula nung makabalik ako sa maynila. Nasa bataan ako ngayon kasama si Dave at Chynna para mag inspection.




Nagkamabutihan na kami ng loob ni Nicholas at siya muna ang nag babantay kina lola sa mansyon habang wala nga ako. Ang sabi niya baka raw next week ay bumalik siya dito dahil yung negosyo raw nila ang aasikasuhin niya. Natapos ang inspection at sa kabutihang palad ay maayos naman ang usad ng trabaho nila.




"Mauuna na ako pabalik sa manila ha? Sabi nila Zoe tulungan ko raw sila mag ayos ni Jean eh." Sabi ko kay Dave habang inaayos ang mga gamit ko sa opisina.




"Sige, paki check na lang din si Danny kay mama kung ayos lang ba ha? Baka mga ala singko kami lumuwas ni Chynna," Tinanguan ko lang siya at handa nang umalis. "Ingat ka ha!" Ani nilang mag-asawa at kinawayan ko na sila. May iilan akong nakasalubong na trabahador at mga kakilala na architect.




I went inside my Chevrolet. I bought this for myself dahil trip ko lang. Hindi ganon ka traffic kaya mabilis din akong nakauwi. Mahigit dalawang oras din ang byahe. Nakarating ako sa Forbes at nandoon na sila Zoe at Keith, Bea, Malia at Jaycee, Jessi at Jerick, at si Charm and Jean. Nandoon na rin sila mama and papa at si....



NICHOLAS?!



Naka ngiti akong sinalubong nila Jean habang ako naman gulat sa nakita. Nakikipag kwentuhan si Nicholas kina mama at sa mga tito at tita ko habang ang mga pinsan ko ay mang aasarp na. Nang makita ako ni Nicholas ay nagpaalam muna siya kina mama at pumunta sa gawi namin.




Parang kanina lang kausap ko siya tapos may pa 'i miss you' pa tapos andito lang pala siya sa bahay nila Jaycee?!




"Yieee, 'di mo inexpect 'no?" Ani ni Charm sa gilid ko at tumawa muna bago puntahan ang anak niyang si Clark.




Sinalubong ko si Nicholas sa sala at niyakap siya. I don't know why am i like this but i missed him! Nang niyayakap ko siya at natatawa naman siya. Pucha, nahulog na ata ako sa isang 'to! Tinampal ko ang braso niya at tumawa naman siya.




"Miss mo 'ko?" Girl, hindi ba obvious? Niyakap ko na lang siya ulit. Jusko! Hulog na hulog na ako sa'yo!




Bumitaw lang siya sa yakap ko ng pumunta sa'kin ang kambal na anak ni Jaycee na sila Julia at Maycee, kasama ang pinsan nilang si Jessy na anak naman ni Jerick. Nag bless sila sa'kin at niyakap ako. Sila Julia at Maycee ay parehas 5 years old habang si Jessy naman anak na lalaki ni Jerick ay 6 years old.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now