Chapter 23

31 10 0
                                    


Baguio


Makalipas ang dalawang buwan ay biglang tinawagan ni tito Lance si mama.


"Hello, Lance" ani ni mama sa telepono. "Nakita na siya? Oh siya sige, pupunta na ako dyan." 


"Ma, ano po yun?" tanong ni Jaycee.


"Nahanap na ang papa niyo." Gulat ang mukha naming dalawa ni Jaycee, wala si Jerick dahil sinamahan daw niya umano ang girlfriend niya na si Jessica.


"Asan daw po siya?" tanong ko naman.


"Ako na lang ang pupunta kung nasaan sila, linisin niyo nalang 'tong bahay magluto kung kailangan." tarantang saad ni mama. Nang umalis si mama ay nagsimula na kaming maglinis ni Jaycee. Nilinis niya lang ang sahig at nag walis habang ako naman ay nagluto ng makakain.


"Jaycee, wala ba tayong Smoked Paprika?" tanong ko.


"Naubos na, bibili ba ako?" sagot naman niya. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pag hiwa ng ham. Gagawa ako ng  Baked Mac and Cheese at ng buffalo wings. Habang hinihintay maluto ang Baked Mac biglang dumating si Jerick kasama si Jessica.


"Kuya, ayusin daw yung kwarto nila mama!" Sigaw ni Jaycee sa labas. Nililinis niya kasi yung isang sasakyan.


"Huh? Bakit naman ate?" tanong ni Jaycee. Luto na ang buffalo wings yung Baked Mac nalang talaga ang hinihintay ko.

"Basta ayusin mo nalang!" ani ko. Umakyat na si Jerick sa taas habang si Jessica naman ay pumunta sa'kin. "Jessica, tikman mo nga kung okay na 'tong buffalo wings." Ani ko at pinatikim sa'kanya. Nang tikman niya iyun ay namula agad siya.


"Masarap naman siya ate, kaso parang nasobrahan sa anghang." Ani niya at uminom ng tubig. Tumunog na ang microwave kaya naman kinuha ko na ang Baked Mac. 


"Omg, it looks great naman di ba Jessica?" tanong ko.


"I think ate, napadami yung cheesse pero masarap naman siguro." Ani ni Jessica. Nag chikahan pa kami ng ilang minuto ng biglang may kumatok sa gate.


"Baka sila mama na yan." ani ko.


"Ako na yung titingin ate!" Sigaw ni Jaycee at tumakbo na palabas. Dahil nainip na ako iniwan ko muna saglit si Jessica at pinuntahan si Jaycee. Nakita ko siyang may kinuhang box ng pizza baka nag order siya.


"Kanino yan?" tanong ko habang naglalakad kami papasok sa bahay.


" Pinaorder ni kuya para may ambag din daw siyang pag kain." Ani ni Jaycee habang inaayos ang lamesa.


"Eh ikaw? Wala kang ambag?"


"Sa'kin na yung softdrinks mamaya." Ani niya at umakyat muli. Ilang oras pa kaming naghintay at dumating na sila mama at papa. Bumaba na rin sila Jerick at Jaycee. Pagpasok nila sa bahay ay nakita namin si papa. Tumakbo kami agad sa'kanya at sinalubong siya ng yakap.

Let me go (Lopez Series #1)Where stories live. Discover now